Capitulum 52

1.9K 137 0
                                    

Eastwood General Hospital
5:46 p.m.

Hindi mapakali si Minnesota Gervacio. Kanina pa siya nagpapalakad-lakad dito sa may parking lot ng ospital, umaasang sasagutin ni Feralda ang kanyang mga text at tawag. Pero ilang minuto na ang lumilipas at hindi niya pa rin makontak ang kaibigan. 'Damn it, Fe! Ano bang nangyayari sa'yo?' Min cursed under her breath and dialed Feralda's number again.

Nang mabigo na naman siya, agad niyang tinawagan si Renzo. The guy immediately picked up, almost too soon.

"Hello, Feralda?!"

Ngumiti nang malungkot si Minnesota. "Ako 'to, Renzo. Hindi ko pa rin makontak si Fe."

Ilang sandaling katahimikan ang narinig niya sa kabilang linya bago napabuntong-hininga si Renzo. Halatang pagod na rin at nag-aalala.

"Min... Hindi pa rin ba pumapasok si Fe?"

"Hindi eh. Nandiyan ka pa rin ba sa bahay nila?"

"Oo. Nag-aalala na nga dito si tita. Hindi raw nagpaalam kanina si Fe kung saan siya pupunta. Pitong oras pa lang siya wala rito, kaya 'di pa namin ma-report na missing person."

"Balitaan niyo na lang ako ha?"

"Sige. Let's just hope she's safe."

Tumango si Minnesota kahit na hindi siya nakikita nito. After that, the call ended.

Min sighed. Kani-kanina lang ay tinawagan siya ng mga magulang ni Feralda, tinatanong kung pumasok ba siya sa trabaho. Bigla na lang daw itong umalis kanina, at hindi na nila ito makontak. Even Renzo doesn't know where she is. 'Hindi naman ugali ni Fe ang hindi nagpaparamdam ng ganoon katagal. She should've called her parent hours ago!' Isip-isip niya't ibinulsa ang cellphone.

Sa bawat minutong lumilipas, lalong kinakabahan si Minnesota para sa kaibigan. Bigla na namang bumalik sa memorya niya ang nagkalasug-lasog na katawan ni Thami Esteban. She tried to push those thoughts away and started walking back to the hospital.

"Ano ba 'tong kalokohang pinasok mo, Fe?"

Kahit na hindi pa rin sila nag-uusap mula pa kahapon nang mag-away sila, hindi mababasawan ang takot ni Min sa maaaring mangyari sa kaibigan. Besides, what are the odds that Feralda is the killer's next victim? Sigurado namang maraming nangangaliwang mga babae sa Eastwood.

'Imposibleng si Fe ang susunod. Imposible.'

Pero kahit paulit-ulit niyang sabihin 'yan sa sarili, hindi maitatago ni Minnesota na masama ang kutob niya sa mga mangyayari. She grabbed the silver star pendant of her necklace and tried to smile.

"Napaparanoid lang na naman siguro ako."

*
Minnesota's mother frowned and started tapping the screen of her iPhone again. Kanina pa niya gustong tawagan ang anak para sana magpabili ng lumpia sa kabilang kanto pag-uwi nito. Maya-maya lang, matatapos na ang shift nito sa ospital. Napakamot na lang ng ulo ang ginang, "Bakit ba kasi nauso ang teknolohiya? Aba'y ang hirap gamitin nito!"

Mas nahihirapan siyang i-contact ang anak dahil aksidente niyang nabura ang cellphone number ni Minnesota sa kanyang contact list. Ngayon, heto't sinusubukan niyang alalahanin ang number ng unica hija niya.

"Ang hirap talaga 'pag tumatanda na. Naku, nagiging ulyanin na ako!"

Huminga nang malalim si Aling Mina Gervacio at sinubukan ulit tawagan ang anak. Hindi niya talaga matandaan ang number, kaya't tinype na lang niya ang mga numerong naaalala niya.

'Sana naman hindi ako ma-wrong number na naman. Baka mamaya pulis station na naman matawagan ko!' Nag-aalalang wika niya sa isip habang tinititigan ang numerong nasa screen.

Then, Aling Mina tapped "call".

*
Eastwood Heights dumpsite

Noong mga sandaling 'yon, abala si Jerome sa pangangalakal. Marumi ang damit at may ilang stick ng sigarilyo ang nakaipit sa garter ng kanyang shorts. Dala-dala ang sako niyang puno ng mga bakal at bote, isa-isa niyang sinipat ang basura sa dumpsite. Ngumiti siya nang may makuhang sirang CPU unit, "Nabebenta kaya 'to? Ah, basta. Sayang ah. Mga tao talaga ngayon, basta-basta na lang nagtatapon."

The poor man often found useful things in here. Ilang taon na siyang namamasura para maitaguyod ang pamilya. Huminga siya nang malalim at tiningnan ang papalubog na araw. The dumpsite looked a little less disgusting whenever the sun sets. At sa mga sandaling 'yon, nakakalimutan ni Jerome na isa lang siyang hamak na basurero sa mundong ito.

"Yayaman din ako." Mahina niyang sabi at ipinagpatuloy ang "paghahanapbuhay".

Doon niya napansin na parang dumami ang mga lagaw sa paligid. Umubo siya't tinaboy ang mga 'to. Malamang may nagtapon na naman ng panis na pagkain. 'Baka dito nagtambak ng tira-tira ang kalapit na karinderya,' isip-isip niya.

"Mukhang wala na akong makukuha dito. Tsk!"

But just when he was about to walk away, he heard something.

A ringtone.

Kumunot ang noo ni Jerome sa narinig. Wala naman siyang cellphone ah? Nagtataka niyang sinundan ang tunog at inalis ang ilang nakaharang na wrappers ng kung anu-anong pagkain. Nanlaki ang mga mata niya nang may nakita siyang tela----at sa loob nito, ang tumutunog na cellphone.

Napangiti si Jerome. "Cellphone! Tangina, ang swerte ko talaga ngayong araw!"

Sabik niyang kinuha ang cellphone sa kinalalagyan nito. "Ayos! Mukhang bagong-bago pa! Sino ba 'tong tumatawag? Psh." Pero nang mapansin niya ang telang bumabalot sa cellphone kanina, saka niya lang napagtantong isa pala itong bulsa ng damit.

Jerome's curiosity got the best of him. Sinuri ng kanyang mga mata ang kabuuan ng damit. Napaatras siya nang wala sa oras at nabitiwan niya ang cellphone dala ng pagkabigla. 'K-Kaya pala maraming langaw dito!'

Dahil natagpuan ng basurero ang bangkay ng isang lalaki nakasuot ng kulay puting suite---na ngayon ay namantsahan na ng kulay pula.

'K-Kailangan kong magtawag ng mga pulis!'

Dahil natagpuan ng basurero ang bangkay ni Neilson Tolentino.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon