Capitulum 20

2.6K 171 1
                                    

Eastwood Forensic Crime Laboratory
(EFC Lab)
1:05 p.m.

Jackstone.

As far as Detective Nico Yukishito is concerned, siya ang hari ng larong ito. Heck, he could even play it while he sleeps! 'Of course, that's just an exaggeration,' napabuntong-hininga na lang ang binata nang mawala siya sa konsentrasyon. At the same time, the small rubber ball hit the steel table. Hindi na naman niya nakuha ang mga ngiping nakalatag dito.

"Damn Sherlock."

Yes, they are playing jackstone with human teeth as pieces. Sa tagal na nilang naglalaro nito, Nico still finds himself distracted with the oddity.

"You're getting worse at this game. The last time I checked, I'm the senior citizen here, Nicodemus. Not the other way around."

Pinanood ni Nico ang pagtalbog ng rubber ball sa ere, at ang walang kahirap-hirap na pagdampot ng matanda sa mga ngipin ng tao---all 32  pieces of them (a full set of adult teeth). It happened in a split second, and the man didn't even break eye contact!

Ngumisi si Nico at sinalo ang maliit na rubber ball na may larawan ng scorpion sa disenyo.

"Funny. You don't act like a senior citizen, Scorpio. Lagi mo pa rin akong natatalo sa larong ito."

"Hihintayin ko ang araw na mananalo ka sa'kin sa jackstone, Nicodemus."

"What in the name of Sherlock? Stop calling me that! My name is unappealing as it is." Nico almost pouted like a kid. Almost.

'Hindi talaga siya nagbago. Mula noong bata siya, ayaw na niyang binabanggit ang totoong pangalan niya,' Scorpio thought. Ngumiti lang ang matanda at inayos ang kanyang salamin sa mata. His hawk-like nose only added to his intimidating aura. Kulay pilak na ang buhok nitong maayos ang pagkaka-suklay. Slicked back and thinning. Kulubot na ang balat nito at halatang pinaglipasan na rin ng panahon ang taste sa pananamit.

Kinuha ni Scorpio ang isang folder at binigay kay Nico, "Wala akong nahanap na ibang interesanteng bagay. The DNA of the semen inside her vagina matched that of Vincent Antonio's. Malinaw na nagkaroon sila ng sexual encounter shortly before she was killed."

Tumango si Nico. Hindi inaalis ang mga mata sa autopsy report, "So, this just supports her infidelity. She probably met up and had sex with that pathetic gardener, like---what? Two days ago?"

"Ang sperm cell ang nagtatagal sa loob ng katawan ng babae maximum of five days."

"Kung rape ang kaso natin, makakatulong ang impormasyong 'to."

Nagsuot ng latex gloves si Scorpio, "Iyan mismo ang dahilan kung bakit kailangang mag-report at masuri agad ang mga katawan ng rape victims. Three to five days lang mabubuhay ang sperm cell sa katawan ng babae. Nasa sperm cell ang DNA, kaya pwede itong magamit na ebidensiya laban sa nang-rape sa kanya. That way, it's easier to convict her rapist." Huminga siya nang malalim at kinuha ang ilang blood sample sa mesa, "but since Vincent and Mrs. Javier had an affair, that info is----"

"Useless."

Ngumiti ang matanda, "Insubstantial. Never say useless."

Ibinalik ni Nico ang autopsy reports kay Scorpio at sumandal na lang sa pader. Dumako ang mga mata niya sa bangkay---o katawan---ni Mrs. Javier na nasa pagitan nila. Wala na silang ibang makitang pwedeng cause of death kung hindi ang pagkaka-pugot ng kanyang ulo o ang pagkakawakwak sa kanyang dibdib. Kung alinman ang nauna sa dalawang 'yon, ayaw nang alamin pa ni Nico. 'She was probably unconscious when she was killed, but nonetheless, she was alive when it happened,' he thought.

"Scorpio, ano sa tingin mo ang murder weapon?"

"Base sa sugat na natamo niya sa leeg, isang malaking patalim ang ginamit para pugutan siya ulo. Probably an axe or a bolo. The wound in her chest is another story."

"What do you mean?"

Sumagot si Scorpio habang may sinisilip sa ilalim ng microscope, "Malinis ang pagkakapugot ng ulo ni Mrs. Javier, pero magulo at disorganized ang pagkakatanggal sa kanyang puso. It's almost as if, he ripped her heart out on purpose."

"Or, perhaps, he did it quickly? Baka nagmamadali siya noong ginagawa niya ang krimen."

Nico made a mental note of this. Hindi niya kailangan ng anumang notepad o ballpen. His mind is an inborn storage cabinet which files information and organizes them. Kinuha niya ang isa pang pares ng gloves at nilapitan ang katawan ni Mrs. Bonnie Javier. He did his own medical examination before old Scorpio pulled him out of his reverie.

"Nicodemus, you should take a look at this."

At sa mga sandaling 'yon, wala na muna siyang pakialam na tinawag siya nito sa tunay niyang pangalan.

----

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon