Capitulum 06

4.1K 251 9
                                    

The moment Nico stepped out of the shop, nakita niya agad ang babaeng detective na nakatayo sa isang gilid at may kausap na matanda. 'She still has time to be a good samaritan while working?' napasimangot siya sa naiisip. Hinintay niya munang makalayo ang matanda bago nagsalita.

"Bagong lipat lang ang pamilya nila and she's asking for directions. Hinahanap niya ang ospital kung saan nagta-trabaho ang anak niya." Hindi namalayan ni Nico ang paglabas ng mga salitang 'yan sa bibig niya.

Nova immediately shot him an incredulous look. "Paano mo naman nalaman 'yon? You could've been eavesdropping."

Walang emosyong nagkibit ng balikat si Nico. He doesn't have time wasting his saliva on an amateur who can't appreciate the art of deduction. Pinaalala niya sa sarili na kailangan nga pala niyang kausapin ang gurang na hepe ng HELP para tanggalin ang babaeng ito sa kaso. 'Pabigat lang siya,' isip-isip ni Nico.

Tahimik lang silang naglalakad nang bigla siyang tumigil. Agad naman itong napansin ni Nova at nilingon siya, "What is it?"

"On the count of three, run behind that black Audi." Sabay turo sa sasakyang may tatlong metro ang layo sa kanila.

"A-Ano?"

"One. Two---"

"Wala tayong oras para sa mga kalo---!"

"THREE!"

Pero imbes na sumunod, nanatili lang sa kanyang kinatatayuan ang dalaga. Nico cursed under his breath and grabbed his gun from the inside of his jacket. Naging mabilis ang mga pangyayari, agad niyang hinila papalayo si Nova at pinaputok ang baril sa isang tiyak na direksyon.

BANG! BANG! BANG!

"Damn Sherlock!"

Muntik na siyang madaplisan ng bala. Nico hurriedly took cover behind a rusty old pick-up truck, his senses alert. Sinilip niya ang posisyon ng gunman, pero hindi na niya makita mula rito.

"Mukhang nakakuha na tayo ng atensyon," Hindi makapaniwalang sabi ni Nova habang tinititigan ang lugar kung saan siya nakatayo kanina. A bullet marked the spot where she was supposed to be. Agad na tumayo ang dalaga, "We can't let him get away!"

Nico watched as Nova hurriedly ran out into the empty parking lot. Hindi na niya ito nahabol pa. Ilang sandali pa'y, nakarinig na naman siya ng alingawngaw ng mga putok ng baril, kasabay ng pag-iingay ng alarm systems ng ilang sasakyan.

BANG!

"If she dies, I hope those SHADOW bastards won't pin the blame on me." Humigpit ang hawak ni Nico sa kanyang baril at sinubukang tukuyin ang lokasyon ng bumabaril sa kanila. A few spaces away, he saw Nova running towards an alley, her own sleek black gun in hand.

BANG!

Wala nang nagawa si Nico kung hindi sundan ito. "This is exactly the reason why I don't want to have a tag-along!" Inis nitong sambit at inobserbahan ang paligid. May ilang mga sibilyang tumatakbo papalayo, natataranta at natatakot. Another gun shot erupted through the air, at namalayan na lang ni Nico na napaluhod na pala ang kasama malapit sa isang eskinita.

"Shit!"

He hurriedly ran towards her. "You still alive?" Hinihingal niyang tanong dito. Nova winched in pain and shot him an irritated look, "Hindi ko nahabol ang lalaking 'yon! Gosh! I've got a bad feeling that this has something to do with the case we have on our plate." Binalingan ni Nico ng tingin ang daang itinuro ni Nova. Sa dami ng mga tao roon, whoever tried to kill them would've easily blended in the crowd.

'A death threat delivered on our very first day on the Heartless Killer case? Not surprising,' Nico internally mused. Huminga siya nang malalim at, gamit ang baril,  itinuro ang parte kung saan tumama ang bala sa katawan ng babaeng detective. "Maybe he didn't try to kill us. Malamang ay alam niyang nakasuot ka niyan..."

"Ng ano?"

Nico narrowed his eyes, "Don't play dumb, Ms. Briannova Carlos. Alam kong suot mo ang protective gear na 'yan mula pa kanina. You had to take extra caution while meeting up with an agent from your rival company. Mukhang inaasahan mo talagang ako ang babaril sa'yo ngayong araw. Sorry to disappoint you."

Panandaliang nanahimik si Nova at sinipat ang balang bumaon na sana sa sikmura niya. Napabuntong-hininga siya at maingat na inalis ang bullet proof vest na kanina pa niya suot sa ilalim ng kanyang coat.

They don't trust each other. That's the only fact Nico and Nova can agree upon.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon