Kabanata 2: Ang kinikimkim na galit

19.8K 1.1K 129
                                    

Isa't kalahating buwan, iyan na ang araw na lumilipas simula nung simulan namin ang pagsasanay para maging bahagi ng Ixion

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isa't kalahating buwan, iyan na ang araw na lumilipas simula nung simulan namin ang pagsasanay para maging bahagi ng Ixion. Sa araw na iyon, naging mas malakas kaming lahat at mas naging mahusay kami sa iba't-ibang larangan nang pakikipaglaban.

"Haaa!" Malakas na sigaw ni Kaia habang sinusugod ako habang hawak ang kanyang dalawang balaraw. Tumalon siya at akmang isasaksak niya ito sa akin ngunit mabilis ko itong nasangga gamit ang aking kampilan.

Pagkasangga ko ay malakas ko siyang sinipa sa aking tiyan dahilan upang magpagulong-gulong siya sa sahig. Hindi pa nakakabangon si Kaia pero mabilis ulit akong tumakbo tungo sa kanyang direksyon at itinapat ang kampilan ko sa kanyang leeg. Napatigil si Kaia sa pagtayo at napangiti.

"Walang duda, wala nga talaga akong kalaban-laban sa katulad mo, Blade." Tinulungan ko siyang makatayo. "Gago na lamang ang magsasabi na hindi ka mapapabilang sa Ixion sa lakas mo na 'yan."

"Magaling ka rin naman, Kaia," puri ko sa kanya. Sa buong pananatili namin sa dormitory at pagsasanay, si Kaia ang pinaka naging malapit kong kaibigan bukod kay Avery.

"Magaling ang ipinakita ninyo, mga bata." Sabi ni Alvaro sa amin at kinamayan niya kaming dalawa ni Kaia. "Ipagpatuloy ninyo lang ang mga bagay na ginagawa ninyong iyan at sinisigurado ko sa inyo na mapipili kayo para maging parte ng Ixion sa susunod na linggo." Dugtong pa ni Alvaro.

Sa isa't kalahating buwan naming pagsasanay, mula sa pitumpu't limang kalahok ay labing dalawa na lamang kaming natitira ngayon. Bawat pagsasanay ay nagbabawas ng kalahok, at sa aming labing dalawa, pito sa amin ang mapipili upang mapabilang sa Ixion.

"Narito muli ang sagisag para sa'yo... Blade," sabi ni Alvaro at inabutan muli ako ng sagisag. Ang sagisag na ito ay tanda nang pagkapanalo sa bawat pagsubok, ngayong araw ay ito na ang pangwalo kong sagisag na matatanggap.

"Salamat, Alvaro," nakangiti kong sabi sa kanya. Humarap ako kay Avery na nakaupo sa isang upuan. "Avery!" Tawag ko at iwinagayway ang sagisag sa kanya ngunit tiningnan niya lamang ito. Wala man lang bahid nang tuwa sa kanyang mukha. Anong problema nito? Masama ba ang gising ni Avery?

"Alam mo, mabebenta mo ng mahal ang mga gintong sagisag na 'yan," umakbay sa akin si Kaia. "Nagtanong ako sa mga mangangalakal nung nakaraan kung magkano ito maaaring mabenta at ang sabi nila ay ang isang sagisag ay katumbas ng sampung ginto, isipin mo, sa sampung ginto na iyon ay maaari ka nang makabili ng isang karwahe para sa paglalakbay o kaya naman ay isang bahay." Kwento niya pa. Alam ko na ang tungkol sa bagay na iyon, iniipon ko ang mga sagisag na ito para mabigyan ng bahay si tatay David at Parisa, gusto ko silang ilipat ng lugar na tinitirhan, sa Norton din naman kaso ay gusto ko na doon sila sa mas angat na bahagi upang hindi sila minamaliit ng mga tao.

"Maaari na kayong pumunta sa inyong dormitoryo, nakahanda na ang inyong mga pagkain." Sabi ni Alvaro sa amin at naglakad na paalis kasunod ang dalawang guwardiya.

Lumapit kaming dalawa ni Kaia sa iba naming kasamahan. Ako naman ay nakangiting lumapit kay Avery habang ipinapakita sa kanya ang sagisag. "Para kay tata—" naputol ang aking sasabihin nung tumayo si Avery at nilagpasan niya lamang ako.

Anti-HeroWhere stories live. Discover now