Kabanata 62: Ang labanan

11.3K 889 168
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang isa sa mga maalamat na hayop na aming hinahanap ay kasama namin simula noong aming pagkabata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang isa sa mga maalamat na hayop na aming hinahanap ay kasama namin simula noong aming pagkabata. Nawawalan ng kontrol ang Arimoanga sa kanyang sarili dahil sa epekto ng paglalaho. Mas gumugulo na ang paligid dahil tuluyan na ring nawalan ng kontrol ang ibang mga hayop at halimaw sa lugar.

"Avery... kailangan nating patayin si Parisa bago pa mahuli ang lahat," wika ko habang may luhang tumutulo galing sa aking mata. Isa lang ang nais ko pagkatapos ang gulong ito at iyon ang makapiling ang mga mahal ko sa buhay at mamuhay ng normal... pero bakit ganito?

"Hindi ako papayag, patayin mo muna ako bago mo mapatay si Parisa." sabi niya sa akin.

Malakas na umalulong ang Arimoanga at lumindol nang pagkalakas-lakas sa buong paligid. Kitang-kita ko mula rito kung paano nasira ang mataas na pader ng Norton at kahit malayo ay naririnig ko ang takot ng mga mamamayan.

"Hindi mo ba nakikita!? Nawawalan na ng kontrol si Parisa sa kanyang sarili at kailangan natin siyang patayin upang mapanatili ang kapayapaan ng lugar na ito! Iyon ang sinumpaan mo sa mundong ito." humigpit ang hawak ko sa aking Jian.

Masakit sa akin ang nangyayari pero ito ang bagay na kinakailangan kong gawin kung hindi... mas maraming buhay ang mawawala, mas malaki ang magiging pinsala.

"Nanumpa ako na poprotektahan ko ang lahat ng maalamat na hayop," humigpit ang hawak ni Avery sa kanyang espada. "Bago mo mapatay si Parisa... patayin mo muna ako."

Napansin ko ang galit na tingin ng Arimoanga sa likod ni Avery. "Avery sa likod mo!" sigaw ko.

Pagkalingon niya ay saktong pag-atake ng arimoanga sa kanya. Hindi siya nakaiwas at tumilapon siya. Ilang puno ang nawasak dahil sa lakas ng atake ng arimoanga sa kanya.

Napatingin ako sa mata ng maalamat na hayop na ito. Hindi na ito si Parisa, isa na itong maalamat na hayop na nawawalan ng kontrol sa kanyang sarili. Isa pang kinakatakot ko ay ang Deathevn ngayon na patuloy sa pagbubuga ng apoy sa kalangitan. Siya ang pinakamatinding kalaban namin ngayon at hindi ang Ixion.

"Pasensya na, Parisa." tumakbo ako tungo sa kanyang direksyon. Napansin ng Arimoanga ang aking prisensya. May lumutang na mga bato sa paligid at sumugod ito tungo sa aking direksyon. Mabilis ko itong iniwasan ngunit may mangilan-ngilan na tumama sa akin. Hindi ko 'to inalintana at patuloy lang ako sa pagtakbo.

Noong makalapit ako sa Arimoanga ay malakas akong tumalong upang mapantayan ko ang kanyang ulo. Akmang itutusok ko na sa kanya ang aking espada ngunit may isang tao ang pumigil sa akin gamit ang kanyang espada. Si Avery, puro dugo ang gilid ng kanyang labi at ilang sugat sa katawan ngunit nagawa niya pa rin bumangon para pigilan ako.

"H-hindi kita papayagan na saktan ang Arimoanga. Iyon ang bagay na sinumpaan ko!" sigaw niya sa akin. Napaatras ako at binalanse ko ang aking sarili pagkababa ko ng lupa. Hihingal-hingal siyang tumingin sa akin. "Poprotektahan ko ang kapatid ko."

Anti-HeroWhere stories live. Discover now