Kabanata 18: Gubat Alfus

14.1K 1.1K 115
                                    


Pumasok kaming apat sa gubat Alfus, napakakapal ng hamog na bumabalot sa lugar kung kaya't hirap kaming makakita. Ang tanging tanda lang na tinatandaan namin ay ang mataas na bundok sa gitna ng gubat. Sana lamang ay makarating kami sa tuktok nito nang ligtas at walang nangyayaring masama.

"Huwag ninyong ibababa ang inyong depensa, hindi rin natin alam kung anong hayop ang maaari nating makasagupa sa lugar na ito," bilin ko sa kanila at tumango naman silang tatlo sa akin. Umiikot ang mata namin sa paligid dahil baka may halimaw na biglang sumulpot.

Palalim na kami nang palalim sa gubat. "P-panginoon, bakit parang nanghihina ako," sabi ni Isla sa akin habang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng aking damit.

"Ha! Sinasabi ko na nga ba't dapat nagpaiwan ka na lamang sa karwahe, matatakutin ka rin talagang bata ka." pang-aasar sa kanya ni Jacko.

"Hindi, imposibleng manghina si Isla ng walang dahilan dahil wala naman tayong nakakasagupa na kahit anong nilalang," sabi ni Melia at saglit na nag-isip. Tumingin-tingin siya sa paligid at parang may nakita na nakapagbigay ngisi sa kanyang labi. "baka namang sinasalakay na tayo ay at hindi lamang natin napapansin."

Hinugo ni Melia ang Xyphos niya mula sa lalagyan nito, bigla niya na lamang inatake ang anino ni Isla. Nabigla ako nung biglang may isang aso ang biglang lumitaw at tumalsik sa amin ang masaganang dugo nito. 

Pinagmasdan ko ang hitsura nung aso-- isang sigbin. Napag-aralan ko ito dati nung kalahok pa ako sa Ixion. Ang mga Sigbin ay mga hayop na naglalakad patalikod, kaya nilang higupin ang dugo ng isang tao sa anino nito at kaya nitong itago ang kanilang mga sarili upang hindi makita ng mga tao.

"Mag-ingat kayo!" sa pagsigaw kong iyon ay sumugod sa amin ang maraming Sigbin na nanggaling sa kung saan-saang parte ng gubat. Mahigpit kong hinawakan ang aking Jian at hiniwa ang sigbin na tumalon sa akin.

Napuno ng dugo ang aking damit pero hindi ako tumigil, ganoon din ang kanilang ginawa. Si Jacko ay nagtawag ng mababangis na hayop upang kalabanin ang mga Sigbin, si Isla naman, gamit ang dala naming tubig ay gumawa siya ng matatalim na yelo upang ipangsaksak sa Sigbin. 

Mas pinili naming dalawa ni Melia na labanan ang Sigbin gamit ang aming Xyphos at Jian. Hindi na kami gumamit ng mahika dahil madali lang naman silang kalabanin at kailangan naming panatilihin ang aming lakas dahil baka may makasagupa pa kaming mas mabangis na kalaban sa aming paglalakbay.

Humihingal kaming apat nung naubos namin ang mga sigbin sa paligid. Sa bilang ko ay nasa dalawampu't dalawang Sigbin din ang aming nakalaban. "May nasugatan ba sa inyo?" tanong ko sa kanila.

"Nagkagalos ako," sagot ni Jacko sa akin at napansin ko nga ang dugo na lumalabas sa kanyang kanang braso. "Pero ayos lamang ako, hindi naman ganoon kalalim." 

"Melia." Utos ko at mukhang naintindihan naman niya agad ako. Lumapit si Melia kay Jacko.

"Aran miopiar du!" 

Nagliwanag ang kamay ni Melia at unti-unting naghilom ang sugat ni Jacko. Matapos itong gamutin ni Melia ay iginalaw-galaw ni Jacko ang kanyang braso. "Maayos na itong muli, salamat." sabi niya sa amin.

Nagpatuloy kaming tatlo sa aming paglalakbay. Marami rin kaming nilalang na nakasagupa habang lumalalim kami sa gubat pero kabutihang palad ay wala namang nasugatan sa amin.

Sa paglalakad namin ay napansin ko ang isang mataas na puno, napakalago ng dahon nito at ito lang ang puno na para bang buhay na buhay ang hitsura. Napapaligiran ng tubig ang lugar at ito lang ang tanging puno na naabot ng liwanag sa lugar.

"Ano 'to?" tanong ni Isla habang papalapit kami sa puno.

Naglakad kami patungo dito. "Mag-ingat tayong lahat, baka patibong lang ito ng mga nilalang." utos ko sa kanila.

Anti-HeroWhere stories live. Discover now