Kabanata 41: Ang pagtanggal

12.5K 888 155
                                    

Matapos ang nangyaring pagsuko ni Bawa sa kanyang sarili ay naglakad na rin kami palabas ng kweba at bundok. Hindi ko man nakalaban ng pisikal si Bawa ngunit siya ang pinakamalakas na maalamat na hayop na aking nakaharap para sa akin. Talagang isinuko ni Bawa ang kanyang sarili para sa lahat, para sa mundong ito.

Si Bawa ang patunay na hindi lahat ng halimaw ay masama. Sa totoo lang ay mas masama a ang ibang tao dahil ginagawa nila ang masasamang gawain para s kapangyarihan.

Pagkalabas namin sa kweba ay bumalik kami sa tuktok ng bundok para makaalis. Nadatnan pa namin sina Tami, Gandalf, at Kaia na nakatali. Mukhang hanggang ngayon ay walang tumutulong sa tatlong ito. Noong makita nila kami ay sinubukan nilang makaalis sa agkakatali ngunit bigo sila, sadyang malakas ng mahikang inilagay ni Lucas sa bawat tali kung kaya't kahit anong pagpupumiglas nila ay balewala rin lamang.

"Anong nangyari? Hindi nibyo nagawang pata--"

"Patay na ang Bawa," pagputol ko sa sinasabi ni Kaia at umupo sa tapat niya. Matalim niya akong tinitigan habang ako naman ay may malaking ngisi sa aking labi.

"Hindi mo ako maloloko, mahirap kalabanin ang isang maalamat na hayop. At isa pa, walang matinding labanan na naganap." sabi ni Kaia sa akin.

"Kung natalo kami ng Bawa, bakit walang pinsala ang aming mga katawan?" tanong ko sa kanya at doon niya lang napagmasdan ang iba kong kasama. "Alam mo, Kaia, aminin mo nang sa laban na ito ay talo kayong Ixion sa amin. Isa kayong malaking kapalpakan sa bayan ng Norton." halatang nagalit ang tatlo sa aking sinabi ngunit napatawa ang iba kong kasamahan.

"Blade, hindi na kita kilala. Wala ka ng puso." naiinis na sabi ni Kaia. "Sana noon a lang ay hinayaan na pang kitang mamatay. Sana ay hindi na kita tinulungang makaalis at makatakas."

"Nagkakamali ka, kaibigan. Matagal ninyo nang pinatay si Blade. Pinatay ninyo siya gamit ang inyong pambibintang at panghuhusga." paliwanag ko sa kanya at tumayo na ako para maglakad paalis.

Balang araw, maiintindihan mo rin ang ginagawa ko kaibigan. Hindi maiintindihan ni Kaia ang sitwasyon kung ipapaliwanag ko sa kanya dahil taliwas ito sa kanyang ipinaglalaban. Pero umaasa ako na magkakaayos kami ni Kaia at balang araw ay malalaman niya ang katotohanan.

"Jacko." tawag ko kay Jacko at mukhang naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin, agad siyang nagpalabas ng tatlong griffin upang makalipad kami pababa ng bundok at makasakay sa aming kalesa.

"Hayop ka, Blade!" sigaw ni Tami sa akin.

Bago ako sumakay sa griffin ay tinignan ko muna siya. "Ixion, galingan ninyo naman. Tatlong maalamat na hayop na ang napapatay namin. Nagiging kahihiyan lang kayo sa bayan ng Norton dahil sa sunod-sunod ninyong pagpalpak." pang-aasar ko.

Sumakay ako sa griffin at inalalayan si Melia upang makasakay din siya sa aking likuran. Pinalipad namin ang griffin at iniwan ang tatlong miyembro ng Sol Invictus sa itaas ng bundok. Alam ko naman na dadating din sina Avery roon para tulungan sila.

Ayoko rin namang patayin ang miyembro ng mga Ixion dahil malalim din ang aming pinagsamahan. Mga dati ko rin naman silang kaibigan na naging sobrang malapit sa akin.

"Bakit ba ang hilig mo na pagmukhaing masama ang iyong sarili, Blade?" tanong ni Melia habang nasa himpapawid kami.

"Dahil kahit umakto ako na mabait ay hindi naman nila ako paniniwalaan. Paninindigan ko ang pagigibg masama ko hanggang sa makita ng Ixion na mali ang kanilang ipinaglalaban." paliwanag ko sa kanya.

Sa mundong ito, isang pagkakamali mo lang ay huhusgahan ka na ng mga tao. Kahit gaano karaming kabutihan ang nagawa mo ay mababalewala lahat ng iyon dahil lang sa isang pagkakamali. Sa sitwasyon ko, sinira ni Avery ang buhay ko dahil sa pambibintang na ginawa niya sa akin noon.

Anti-HeroWhere stories live. Discover now