Kabanata 33: Ang panggagamot

12.1K 939 113
                                    

Kaia

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

Kaia

Nawala ang malalaking bato na nagkulong sa amin dito sa koliseo. Pagtingala muli namin sa kalangitan ay wala na sina Blade at kanyang mga kasamahan. Nagawa niya ring maitakas si Flavia sa lugar na ito. Mukhang hindi nga nag-iisa si Blade na miyembro ng Sol Invictus.

Napalingon ako kay Avery at malakas niyang sinuntok ang isang pader at nasira ito. "Hoy tanda!" galit na galit si Avery habang papalapit sa isang matanda na nasa gitna ng entablado. "Bakit mo ginawa iyon!? Hinayaan mo na makatakas ang mga taksil sa bayan na iyon! Hindi mo ba alam na sila ang dahilan kung bakit tuluyan nang nawala ang dalawang maalamat na hayop?"

"Wala ka bang ideya na lumalaki ang tiyansa na mapahamak ang ating mundo dahil hinayaan mo silang makatakas?" sabat pa ni Tami. Napabuntong hininga ako at naglakad na rin paakyat sa entablado.

Ang iba naming kasamahan sa Ixion ay tinutulungan ang mga tao na maayos na makalabas dito sa koliseo dahil karamihan sa kanila ay natakot dahil sa nangyari. Pero ang iniisip ko, bakit naman nanduto si Blade ngayon? Hindi naman mahilig si Blade sa mga ganitong klaseng gawain lalo na't tutol siya sa mga masasamang kasiyahan na may kasamang pera.

"Huminahon kayong dalawa," pakiusap ni Sabrina.

"Huminahon? Iyon na ang tiyansa natin na maoatay ang Sol Invictus at maprotektahan ang ating mundo ngunit sinira lamang ng matandang ito. Ang dapat sa kanya ay arusahan dahil hinayaan niyang makatakas ang mg kriminal na iyon," inis na sabi ni Avery.

Napangisi ako. "Avery, kumalma ka lang. Lumalabas ang tunay mong ugali." mukhang hindi siya natuwa sa biro ko dahil bigla niya akong kinuwelyuhan.

Ilang segundo kaming nagtitigan bago niya ako tuluyang binitawan. "Wala na tayong magagawa, kahit magalit ka maghapon, wala na. Nakatakas na sila Blade, dala pa nila si Flavia." paliwanag ko sa kanila.

Mautak si Blade, pero hindi ko inaasahan na makakahanap siya nang ganoong kalalakas na kasamahan. Hindi ko man nakita ang buong kapangyarihan nilang lahat ngunit ramdam ko ang malakas na awra na bumabalot sa bawat isa. Alam kong hindi sila basta-basta mandirigma.

"Naisahan na naman tayo ni Blade, isa na namang binibini ang kanyang nabihag." sabi ni Avery.

"Bihag?" tuwid na nakatayo ang matanda at doon ko lang napansin ang walang kulay nitong mata. Hindi pala siya nakakakita. "Hindi man ako nakakakita pero naramdaman ko na ginawa lamang ng taong iyon ang tama kung kaya't pinrotektahan ko siya." kalmadong paliwanag nito na parang hindi siya natatakot na kahit mga miyembro ng Ixion ang kanyang nasa harapan.

"Pinrotektahan? Miyembro siya ng Sol Invictus! Hindi niya magagawang gawin iyon. Sa Norton pa nga lamang ay nagawa niya nang patayin ang aming pinuno para sa karangalan." gusto kong suwayin si Avery dahil nauunahan siya ng galit ngunit pagod na rin ako. Sadyang nakakapagod na araw ito para sa amin. At isa pa, naaaliw akong pagmasdan ang galit na mukha ng aming pinuno.

Anti-HeroKde žijí příběhy. Začni objevovat