Kabanata 46: Ang pagbabago

14K 956 159
                                    

Sorry for the delay update or sobrang natagalan, naging busy kasi ako sa pagpapublish ng book 2 ng SWO and I hope you guys understand. Next week ay asahan ninyong ita-try ko nang tapusin ang Anti Hero :)

For Class Zero readers, tapusin ko muna yung Antihero bago ko tapusin ang Class Zero. One story at a time tayo haha!

***

"Matapos kong marinig ang kwento ni Luntian ay hindi ko na alam ang mararamdaman ko," kwento ni Flavia sa amin habang naglalakad kami pabalik sa bayan ng Kamora. "Naaawa ako para sa bayan at mga tao pero naaawa rin ako para sa kalikasan." marahil ay pare-parehas kaming nararamdaman na tatlo dahil hindi rin naman ginusto ni Luntian ang kanyang ginagawa. Nais niya lang turuan ng leksyon ang mga tao na kung gaano kahalaga ang kalikasan sa buhay ng isang tao.

"Pakiramdam ko ay sila-sila lang din ang makakaayos ng gulong ito, si Luntian lang din naman ang makakapagpagaling sa mga taong may sakit." gumagamit si Luntian ng mahika para sa mga prutas ng punong sulpot at tanging mahika niya lang din ang makakapagwalang-bisa rito.

Pagkabalik namin sa bayan ng Kamora ay ganoon pa rin ang aming nadatnan, puno pa rin ng takot ang mga taong nandito na baka silang lahat ay mahawa sa sakit na kumakalat at mamatay.

"Kumusta ang inyong naging paglalakbay?" tanong sa amin ni Melia dahil siya ang unang sumalubong sa amin at kasi od niy si Isla. "Kakatapos pamang namin magluto upang ipakain sa mga taong nandito, nagtabi na rin ako ng pagkain para sa inyo."

"Nakakuha na kami ng bunga mula sa punong sulpot." sahi ko sa kanila at nakapagpangiti sa kanila.

"Sa wakas, magagawan na natin ng gamot ang mga taong may sakit. May pag-asa pang mailigtas ang kanilang buhay," malawak ang ngiti sa labi ni Melia dahil saksi siya sa paghihirap ng bawat taong nakakain ng bunga ng punong sulpot. Ngunit hindi nakita ni Melia ang paghihirap ng kalikasan sa kamay ng mga taong ito.

Kinuha ni Jacko ang bunga at saglit siyang napahinto at inusisa ang bungang ito. "Wala itong lason ngunit nararamdaman akong mahika na bumabalot sa bungang ito." sabi niya habang nakatingin sa amin. "Paniguradong may tao sa likod ng mga pangyayaring ito, tama ba?"

Isa talaga si Jacko sa mga taong mahirap linlangin dahil mabilis niyang nauunawaan ang mga bagay-bagay at sitwasyon. Para sa akin ay hindi mapapantayan ang talinong kanyang taglay.

Nagbitaq ako ng malalim na buntong hininga. "Kayo na muna ang bahala sa mga tao rito. Kakausapin ko si pinunog Goryo patungkol sa nangyayaring epidemya." naglakad ako paalis at iniwan ang jba kong kasamahan.

Dire-direrso akong naglakad tungo sa bahay na tinitirhan ni pinunong Goryo at pagkarating ko sa kanyang tahanan ay napatayo siya. "Basil nandito ka na pala, natukoy ninyo na ba ang sanhi ng epidemya? Maililigtas ba ang mga taong aking nasasakupan?" tanong niya at bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Bakas din sa kanyang mukha na sana'y mabuting balita ang dala ko sa kanya.

"Hindi na namin kayo matutulungan sa problema ninyo rito sa bayang ito," nahinto si pinunong Goryo sa aking sinabi at tila ba naguguluhan.

"B-bakit? Hindi ba naging maganda ang pagtrato ng aming bayan sa inyo? B-Basil, huwag ninyo kaming sukuan. Kayo na lang ang pag-asa ng mga tao rito at umaasa ang lahat na maililigtas ninyo ang mga taong apektado ng epidemya," nagmamakaawa niyang sabi.

"Natukoy ko na ang sanhi kung bakit ito nangyayari," natahimik si pinunong Goryo sa aking tinuran. "Masasabi ko na kayo ang may mali kung bakit nangyayari sa inyo ang mga bagay na ito."

"Saan? W-wala kaming ginagawang masama sa ibang tao o sa ibang bayan! Tahimik kaming namunuhay dito." paliwanag niya.

"Sa tao, wala. Pero sa kalikasan. Oo. Malaki ang kasalanan ninyo sa ating kalikasan. Inabuso ninyo ang gubat na malapit dito sa bayang ito, pinutol ninyo ang mga puno na walang itinatanim na bagong puno, nauubos na rin ang mga hayop sa paligid dahil na rin sa inyong patuloy na pangangaso. Marumi rin ang tubig ng ilog dahil sa dumi ng inyong bayan. Ngayon mo sabihing hindi ninyo inabuso ang kalikasan?" tanong ko sa seryosong tono.

Anti-HeroUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum