Kabanata 44: Kapalaran

12.1K 921 113
                                    

I know the fact that I don't usually update this story because I am busy in my life now (#adulting) thank you for 100,000 reads guys! I highly appreciated it.

-44-

Kaia

Pagkabalik namin sa Norton ay mabilis na kumabog ang aking dibdib, siguro marahil ay alam ko na ang aking kahahantungan at iyon ay matanggal sa Ixion. Nandito ako sa aking silid habang pinagmamasdan sa bintana ang mga taong abala sa kani-kanilang ginagawa.

Ang maging miyembro ng Ixion ang pangarap ng magulang ko sa akin. Sa ganitong paraan ko kasi maiaangat ang buhay ng mga magulang ko mula sa pagiging mahirap ay makakapasok sila sa mataas na antas ng lipunan... pero ngayon, hindi ko na alam. Sapat naman siguro kahit papaano ang aking naipon upang magkaroon ng negosyo sa bayang ito o kaya naman ay lisanin ko na rin ang lugar na ito.

Naputol ang aking pagmumuni-muni nung biglang bumukas ang aking pinto at tumambad ang mukha ni Sabrina na mukhang alalang-alala sa akin. "Sabrina, anong ginagawa mo rito? Baka makita ka ni Avery at madamay ka pa sa kanyang parat—"

Hindi ko na naituloy ang aking sinasabi nung mahigpit niya akong niyakap at ramdam ko ang luha niya sa aking balikat. Sa lahat ng miyembro ng Ixion ay si Sabrina ang pinakamalapit sa akin.

"Kaia, kakausapin ko si Avery, mapapakiusapan ko naman siya na huwag kang tanggalin sa grupo," sabi niya sa akin at alam kong isa siya sa mga maaapektuhan kapag nawala ako sa grupo.

Hinarap ko siya at pinahid ang kanyang luha. "Huwag mong gagawin iyan, Sabrina, madadamay ka lang sa gulong 'to at baka bigla ka na lang nilang parusahan. Ayoko rin naman ipakita kay Avery na desperado ako, ayokong magmakaawa sa hayop na 'yon." Buti na lang talaga at hindi ko siya nirerespeto. Iiwanan din pala ako sa ere ng gago.

"Pero ayos lang sa'yo na mawala ka sa Ixion, Kaia? Pangarap mo ito 'di ba?" Sabi niya.

Naputol ang pag-uusap naming dalawa nung may isang kawal ang pumasok sa aking silid. "Kaia, ipinapatawag ka ng mahal na hari." wika niya. Tingnan mo nga naman, kakabalik lang namin sa Norton ay nakapagsumbong na agad si Avery. Pero kung tutuusin ay kasalanan ko rin naman talaga. Kung hindi ko pinakawalan si Blade noon ay hindi naman 'to mangyayari, hindi mangyayari ang malaking gulo na ito.

Bumitaw ako kay Sabrina. Ayaw niya pa akong pasamahin ngunit wala naman din siyang magagawa dahil si Haring Arturo ang nagpapatawag kung kaya't nararapat lamang na sundin ito.

Tumungo ako sa pribadong silid kung saan ko makakaharap si haring Arturo. Maliit lang ito na silid na napapalibutan ng maraming libro at sa gitna nito ay nandoon nakaupo si haring Arturo habang nakatayo sa kanyang gilid si Avery na may malaking ngisi sa kanyang mukha nung makita ako.

Ngumiti ako kay Avery upang ipabatid sa kanya na hindi na ako natatakot sa kung anong maaaring kahantungan ko. Tandaan niya, isa ako sa mga malalakas na miyembro ng Ixion. Hindi ako ang nawalan, ang ixion ang mawawalan. Nagbago ang ekspresyon niya nung makita niya na para bang hindi ako apektado sa mangyayari.

Kahit pala anong pagpupimilit ko na hindi ako kinakabahan ay walang epekto dahil kinakabahan talaga ako sa kahihinatnan ko. Ayoko lang na makita ni Avery nagtagumpay siya na mapatalsik ako, hindi rin naman ako tanga na hindi ko alam na walang galit sakin si Avery.

Nagbigay respeto ako kay haring Arturo sa pamamagitan nang pagyuko sq kanyang harapan at muli siyang hinarap. "Ipinatawag ninyo raw ako, mahal na hari?"

Seryoso ang mahal na hari at hindi man lang nito nagawang ngumiti sa akin gaya nang lagi niyang ginagawa noon. "Kaia, totoo ba ang sinabi ni Avery sa akin?"

Anti-HeroWhere stories live. Discover now