Kabanata 36: Sa tuktok ng Kapura

13.6K 954 69
                                    

Basil/Blade

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Basil/Blade

Halos apat na oras din na paglalakbay ang aming ginawa bago namin narating ang bundok Kapura. Matayog at mataas ang bundok na ito. Napapalibutan ito ng matataas na puno at halos kulay luntian ang buong paligid dahil sa mga puno.

Sa mundong ito, marami ang nangangaso at kumukuha ng prutas dito sa bundok Kapura dahil na rin sa magagandang kalidad ng prutas na nakukuha dito na maaaring ibenta sa mas mataas na halaga at mga bihirang hayop na dito lamang sa bundok na ito makikita.

"Ito ang unang beses na makita ko sa malapitan ang bundok na ito. Tunay ngang mataas ito at aabutin ng ilang oras bago marating ang tuktok nito." sabi ni Flavia habang tinitignan niya ang taas ng bundok.

Inihinto ni Jacko sa sulok na bahagi ang aming bagon at isa-isa kaming bumaba. Noong pagbaba namin ng bagon ay may mga taong naglalakad pababa ngg bundok kung kaya't mabilis naming ibinalot ang kanya-kanya naming balabal. Ito ang mahirap ngayon, nakilala na kami ng mga tao at alam na nila ang mga hitsura ng Sol Invictus kung kaya't mas lalo kaming mahihirapan na gumalaw sa mundong ito.

Ngumiti sa amin ang matandang kabababa lang ng bundok at may buhat siyang isang sako na punong-puno ng prutas. "Balak ninyo bang akyatin ang bundok Kapura ngayon?" tanong niya.

Tanging tango lang ang aming sinagot at ilang segundong napahinto ang matanda dahil sa kakaiba namin ikinilos pero agad din bumalik ang ngiti sa kanyang labi. "Naku, tamang-tama lamang ang inyong pagpunta. Namumunga ngayon ang mga puno ng mansanas dito sa bundok at tunay na napakapula nito at napakasarap. Mas maibebenta ninyo siya sa mas mataas na presyo. Bilisan ninyong manguha dahil baka maunahan pa kayo ng ibang tao." mahaba niyang litana at naglakad na paalis.

Noong hindi na namin natatanaw ang mayanda maging ang kanyang mga kasama ay tinanggal na namin ang pagkakatalukbong ng balabal sa aming ulo. Nagkatinginan kami ng buong Sol Invictus at sinimulan namin ang pag-akyat sa nasabing bundok.

Pagkapasok namin sa kakahuyan sa paanan ng bundok ay wala pa kaming problema. "Sigurado ba kayo na may kuweba sa tuktok ng bundok sa bundok Kapura?" tanong ni Isla.

"Bata, wala ka bang tiwala sa pag-aaral na aming ginagawa? Tandaan mo, hindi pa ako pumapalpak sa paghahanap natin sa mga maalamat na hayop," mayabang na sabi ni Jacko at napatawa naman kami dahil ang hilig niya talagang patulan ang batang si Isla.

"Ha! Napakayabang talaga. Mas malakas naman ako sa'yo!" sagot ni Isla.

At doon na nga nagsimula muli ang pagtatalo nilang dalawa. Sanay na ako dahil ilang buwan na rin kaming magkakasama sa paglalakbay. Madalas man magtalo sina Isla at Jacko ay hindi naman nila pinababayaan ang isa't-isa lalo na kapag naiipit kami sa mga delikadong siwatsyon.

"Pagkaakyat natin dito ay liliko tayo sa kanan," walang emosyong sabi ni Lucas. Masasabi ko na sa aming grupo sa Sol Invictus, si Lucas ang pinakatahimik ngunit maaasahan sa maraming bagay. Iba rin ang taglay niyang mahika dahil ilang kalahok ang tinalo niya sa labanan sa koliseo.

Anti-HeroDonde viven las historias. Descúbrelo ahora