Wakas

14.8K 1K 284
                                    

MELIA

"Mula sa araw na ito, ipinapasawalang-bisa ko ang kaso na ipinataw kay Blade na kamatayan at tuluyang napatunayan na wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng dating miyembro ng Ixion na si Alvaro." anunsyo ng mahal na hari sa Koliseo na kung saan libo-libong mamamayan ng Norton ang nandito.

Pinahid ko ang luha sa aking mata dahil sa wakas ay tuluyan nang nalinis ni Blade ang pangalan niya mula sa kasong ibinintang sa kanya. Masyadong maraming nangyari nitong mga nakalipas na buwan. Marami akong bagay na natutunan at marami akong tao na nakilala.

"Inosente na si Panginoon ate Melia!" masiglang sabi ni Isla sa akin at yumakap sa akin ang munting bata.

"Kung nandito si Blade ay matutuwa iyon,"

"Sayang nga lang at wala rito sina ate Flavia at ate Luntian upang saksihan ang pangyayaring ito," nakangusong sabi niya. Ilang buwan na ang nakakalipas at lahat kami ay umusad na ang aming buhay.

Pilit pa rin namin ibinabangon ang Norton dahil marami sa mga bahay at kagamitan ang nasira dahil sa gulo noong paglalaho. Si Flavia ay tumungo sa bayan ng Kamora upang tumulong sa mga taong nandoon habang si Luntian ay tumutulong na hilumin ang mga gubat na nasira upang may matirahan muli ang mga halimaw at hayop na nawalan ng tirahan.

"Halika na, puntahan natin sina Jacko." aya ko kay Isla at palukso-lukso na sumunod ang bata kong kasama. Napatingin ako sa bughaw na kalangitan, hindi ko inaasahan na makikita ko pa muli ang ganito kagandang ulap. Ang akala ko ay katapusan na ng mundong ito noong paglalaho pero... may paraan si Blade. Hindi man niya nagawang patayin si Deathevn ay nagawa niya naman itong pigilan.

Habang naglalakad kami sa kaharian ay nakasalubong namin sina Kaia at Sabrina na nag-uusap. Ngumiti sila sa akin at binati ko naman sila. Mahigpit na yumakap sa akin si Sabrina, natutuwa ako at naging ayos na muli kaming dalawa simula noong natapos ang kaguluhan. Akala ko ay hindi na maibabalik ang pagkakaibigan namin dahil sa gulo sa pagitan ng Ixion at Sol Invictus ngunit ang paglalaho ang nag-isa sa amin. Ang iisang hangarin na mapanatiling payapa ang mundong ito ang naging daan para magkaayos kaming lahat.

"May balita ako sa'yo," nakangiti niyang sabi. "Buntis ako."

"T-talaga?" napayakap ako kay Sabrina dahil sa tuwa. "Masaya ako para sa inyong dalawa ni Kaia. Alam kong magiging mabuti kayong ama't ina para sa bata."

"Ibig sabihin po ba nito ay magiging ate na ako?!" lumulundag sa tuwang sabi ni Isla at hinimas ni Kaia ang kanyang ulo.

"Hindi pa namin alam kung babae o lalaki ang magiging anak namin ngunit hinihiling ko na lamang ay isang malusog na bata ito," nakangiting sabi ni Kaia. "Siya nga pala, si Gandalf, Rufus, at Tamii ang nagpapatrol ngayon sa bahay at siyang nangongolekta ng buwis. Maganda ang naging tugon ng mga mamamayan sa bagong patakaran lalo na't mga magigiting at mapagkakatiwalaang mandirigma ang naniningil sa kanila ngayon. Wala rin daw dayaan na nangyayari sa bayaran kung kaya't masaya ang mga mangangalakal at nagma-may-ari ng mga tindahan."

"Mabuti naman kung ganoon." Ako ang nagsulong ng bagong batas na iyon at naparusahan at nasibak ang mga opisyal na kasama sa anumalyamg nagaganap patungkol sa buwis.

Masaya ako at nagagawa ko ang trabaho ko bilang mamamayan at may katungkulan sa bayang ito.

Kung nandito si Blade ay alam kong iyon din ang kanyang nais dahil ilang beses silang naduga at naghirap dahil dito. Gusto kong bigyan ng tuldok ang lahat ng bagay na nasimulan ni Blade. Gusto kong dalhin ang bayan ng Norton sa mas maayos na pamayanan dahil isinuko ni Blade ang kanyang buhay para rito.

"Mauuna na kami, Sabrina at Kaia. Inuulit ko, masaya ako para sa inyo." nakangiti kong sabi at nagpatuloy kami ni Isla sa paglalakad patungo sa silid aklatan kung saan namamalagi sina Jacko at Lucas. Patuloy silang nagdidiskubre ng mga bagong bagay at kagamitan para maging moderno ang bayang ito.

Anti-HeroWhere stories live. Discover now