Kabanata 28: Pagbibigay babala

13.4K 925 76
                                    


Kabanata 28: Pagbibigay babala

Nandito kami ngayon sa Marnova, kakatapos lang nang mga laban at dumiretso kami dito upang magkaroon ng munting selebrasyon dahil sa pagkapanalo ni Isla at Lucas sa unang raun. Maingay ngayon sa buong Marnova dahil napakaraming mandirigma ang nandito ngayon. Mukhang hindi lang kami ang nakaisip na dito magsaya dahil sa pagkapanalo.

"Panginoon, maaari ba ako kumain nito?" tanong ni Isla habang nakaturo sa isang putahe.

"Kahit ano ang kainin ninyo, huwag kayong mag-alala dahil ako ang magbabayad." natuwa ang aat sa aking sinabi kung kaya't kinain nila ang mga gusto nilang kainin.

Naalala ko noon, hindi naman kami nakakakain nila Parisa at Avery sa ganitong klaseng lugar. Masaya na kami sa mga luto ni tatay David. Ang bilis lumipas ng mga araw, isa nang ganap na Ixion si Avery samantalang ako ay isa nang ganap na miyembro nhh Sol Invictus. Magkaiba kaming dalawa nang pinaglalaban at higit sa lahat, may inis at galit na nakapagitan sa aming dalawa. Imposible na magkaroon pa ng araw na magkakasama kami kumain nina Parisa.

Kumusta na kaya sila Parisa sa bayan ng Norton? Sana naman ay maayos ang kanilang kalgayan. Si Parisa ang dahilan kung bakit ako nakaalis sa Norton at nakapagsimula muli. Hindi niya man alam ang katotohanan sa gulong nangyari ay pinili niya pa ring tulungan ako dahil kapatid ang turung niya sa akin.

"Basil..." mayamaya pa ay may naramdaman ako na humawak sa aking balikat. Si Melia lang pala.

"H-ha? Bakit?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin. "Kanina ka pa nakatulala, nag-aalala sa 'yo sila Isla. Ano ba ang sanhi nang iyong malalim na pag-iisip?"

"Wala lang," ngumiti ako sa kanila para mawala ang pag-aalala nila. "Sige lang kumain kayo. Sayang naman ang masasarap na pagkain na nakahain sa ating harap."

Nagpatuloy sa pagkain sina Lucas, Jacko, at Isla pero si Melia ay hindi pa rin nawawala ang tingin sa akin. "Kumain ka na,"

"Sabihin mo muna sa akin ang dahilan kung bakit ka natahimik," tinignan ko si Melia at nakita ko ang sinseridad at pag-aalala sa kanyang mata. "Alam kong marami ka nang pinagdaanan, Basil. Hindi naman kita huhusgahan sa mga kwento mo."

Alam kong kukulitin lang ako ni Melia sa oras na hindi ako magkwento. "Naalala ko lang sila Parisa, kababata ko na itinuturing kong kapatid. Naisip ko lang kung kumusta na kaya sila sa Norton? Alam mo, gustong-gusto ko na sila makita. Gusto ko na ulit maramdaman ang mga yakap nila. Gusto ko nang bumalik sa aming tahanan."

Nakinig lang si Melia sa aking sinabi. "Bakit hindi tayo tumungo sa Norton?"

"Hindi pa pwede. Hindi pa ako muling handa na makita ang bayan na hinusgahan ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. At isa pa, bago ako umuwi ay gusto kong matapos ang misyon ko. Anv mga bagay na dapat kong gawin." paliwanag ko sa kanya at napatango-tango siya sa aking sinabi.

"Alam mo, parehas lang tayo. Nangungulila na rin ako kay Ina. Umalis ako sa Norton nang hindi nagpapaalam sa kanya kung kaya't batid ko na nag-aalala siya para sa akin. Sana nga lang ay maaari akong magpadala ng liham upang sabihin sa kanya na nasa maayos akong kalagayan. Gusto kong sabihin sa kanya na marami akong natututunan habang wala ako sa palasyo katulad na lamang ang mapanghusgang lipunan, ang pandurugas ng ibang opisyal, ang mababang pagtingin sa mahihirap. Gusto ko ikwento sa kanya lahat iyon," nakita ko ang kinang sa mata ni Melia habang inaalala ang kanyang ina.

Hinawakan ko siya sa kanyang kamay at nginitian. "Balang araw, makakabalik tayong dalawa sa Norton na malinis parehas ang ating pangalan at makakapiking natin ang ating mahal sa buhay na walang pangamba sa ating puso."

Anti-HeroWhere stories live. Discover now