Kabanata 52: Huling pagsasama

11.3K 924 151
                                    

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong sa akin ni Melia noong mahuli niya akong nakatitig ako sa kanya habang siya'y nagluluto upang may makain ang buong bayan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong sa akin ni Melia noong mahuli niya akong nakatitig ako sa kanya habang siya'y nagluluto upang may makain ang buong bayan. Sinusulit ko lang ang oras dahil baka ito na ang huling beses na makakasama ko si Melia... sa ngayon.

"Naaaliw lamang ako na pagmasdan ka habang nagluluto," wika ko.

Ipinusod niya ang kanyang mahabang buhok at mas bumagay iyon sa kanya. "Ngayon mo lang ba akong nakita na magluto," tumawa si Melia at napangiti ako. "Simula nung dumating ka ay kakaiba na ang kinikilos mo. May sakit ka ba?" tanong niya.

Pinabayaan niya muna sina Flavia, Luntian, at Isla sa pagluluto. Siya'y umupo sa aking tabi at pumangalumbaba ako upang mapagmasdan ang kanyang hitsura. Isa ito siguro marahil sa mga hahanap-hanapin ko sa oras na siya'y lumisan na.

Kung tatanungin ninyo ako sa kung ano ang aking naging desisyon ay iyon ay pumapayag ako sa nais ni Adara, tama naman siya, hiniram ko lang sa kanila si Melia. Hindi magiging ligtas si Melia hangga't kasama namin siya. Kadikit ng grupong Sol Invictus ang salitang gulo. Bilang isang ina ay naiintindihan ko si Adara lalo na't matagal nawalay ang kanyang anak sa kanyang piling at matagal niya rin itong hinanap.

Oras na para ibalik si Melia sa tunay na nagmamay-ari sa kanya at malayo siya sa lahat ng gulong ito.

"Nakatulala ka riyan, Blade?" tanong niya habang naiiling. "Kumusta kako ang naging paglalakbay ninyo ni Jacko. Ilang oras din kayong nawal. Kayong dalawa, ha, gumagawa  kayo ng misyon na tanging kayong dalawa lang ang nakakaalam." napatingin ako kay Jacko at nagbitaw lang siya ng isang malalim na buntong hininga.

Alam niyang mahirap itong desisyon na ito para sa akin.

"A-ah, may pinuntahan lang kami ni Jacko at inimbistigahan na isang uri ng halamang gamot na maaaring makatulong sa atin. Natagalan lang dahil mahirap hanapin ang halaman na ito," pagsisinungaling ko ngunit napatango-tango na lamang si Melia bilang tugon. "Ikaw, kumusta kayo rito sa bayan ng Kamora habang wala kami?" tanong ko.

"Ayos lang, tumulong ako kanila Flavia na sanayin ang mga batang mandirigma sa bayang ito. Matapos no'n ay nakipaglaro kami. Sayang nga lang at hindi ka nakasali sa amin," 

"Oo nga panginoon! Talagang nagalak ako kanina sa tuwa," nakangiting sabi ni Isla at tumabi siya sa amin ni Melia.

Pinagmasdan ko ang mukha ng mga kasama ko at kung gaano sila kasaya. Oo, itinuturing kaming pinakamasamang grupo sa mundong ito ngunit hindi maipagkakaila na ang layuning mapatay ang lahat ng maalamat na hayop ang naging dahilan para magtulungan kami. Sila ang mga taong ibinalik ang dating ako.

"Gusto ninyo bang matulog tayo ng sama-sama habang pinagmamasdan ang buwan at ang kalangitan?" tanong ko sa kanilang lahat at napatingin sila sa akin. "Ang tagal na nating hindi nagagawa ang bagay na iyon."

***

Naglatag si Melia ng isang malaking sapin na magsisilbing tulugan namin habang nakahiga. Si Lucas naman ay naghanda ng siga na magsisilbing tanglaw namin sa dilim at panlaban namin sa lamig.

Anti-HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon