Kabanata 3

978K 34.2K 37.7K
                                    

Kabanata 3

Kiss

Mariing nagtagal ang titig ni Kuya Levi sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at bababa na sana ako pero ayaw niyang tumabi. Namumungay ang kanyang mga mata habang titig na titig sa aking labi.

"Ano 'yan?"

Inangat niya ang baba ko at alam ko kaagad kung ano ang ibig sabihin niya. I put on some light lip tint on me and that's what he's talking about. Inalis ko ang kamay niya sa aking baba.

"Lip tint," sagot ko.

Binalik niya ang kamay sa aking baba at palipat-lipat natiningnan ang magkabilang pisngi ko.

"And you put on something on your cheek?" he sounds so offended.

Tinanggal kong muli ang kamay ni Kuya Levi sa aking baba.

"I didn't! I don't need to put some! I only slapped my cheek softly once. That's all it take to achieve pinkish cheek. Natural! What's on my lips is just liptint, Kuya."

"Ang bata mo pa para maglagay ng ganyan-"

"Lip tint nga lang. Not lipstick! Isa pa... naggaganito na sina June at Nan, e."

"Hindi ibig sabihin na gagaya ka, Chayo."

Tinulak ko si Kuya. He's being unreasonable. Ano naman ngayon kung maglagay ako?

"Bakit? Sinasaway mo ba ang mga kaibigan mo kapag naglagay sila? Si Keira nga naglalagay, e!"

His eyes widened. "We're already in college and you are still a Junior High! Chayo!" tawag niya nang nilagpasan ko na. "Huwag mong gagayahin ang mga college at batang-bata ka pa!"

My brother seems so heated. Nilingon ko siya at nginitian. He looked so pissed. Hindi ko na kailangang hulaan kung ano ang magiging mood niya buong araw. Lalo pa sa idadagdag ko ngayon.

"Nagpaalam na ako kay Mommy. Puwede na nga'ng magboyfriend, e, Kuya," I chuckled.

Halos pamulahan si Kuya ng mukha sa sinabi ko. Now he's so pissed. Naglakad siya patungo sa akin kaya tinakbuhan ko na.

"Subukan mo, Chayo! Bubugbugin ko ang magiging boyfriend mo!" aniya habang palayo ako sa kanya.

Tinawanan ko siya. "Didn't know you're a caveman, Kuya!"

I laughed at my brother's threat. Kahit pa ganoon ang banta niya, kilala ko si Kuya Levi at mas mananakit pa siguro ako ng tao kaysa sa kanya. But then I wonder quietly if he meant what he said. Maybe not. Having a boyfriend isn't a big deal.

Tatlo sa masusugid kong manliligaw ay pare-parehong mayayaman din sa Altagracia. It's so hard to decide because they all have almost the same reputation - handsome, and cool hearthrob. At s'yempre ang hinding-hindi ko kayang gawin sa kanila ay ang pagsaba-sabayin. I am strictly not a fan of infidelity, kahit pa boyfriend pa lang.

Kung ano ang naging batayan ko para sagutin ang napiling maging unang boyfriend? Well, it was who had more effort.

"Yes!" sigaw na paulit-ulit ni Ralph.

Nasa gitna kami ng rectangular building ng junior high. Napapalibutan kami ng ilang kaklase at schoolmate na dinamay niya sa ginawa niyang surpresa. Ang mga taga ibang grade level ay tinatanaw kami galing sa terrace ng nakapalibot na JHS building. Ang iba ay pumapalakpak at humihiyaw.

Ralph prepared a surprise for me. Hindi ko alam na kinuntyaba niya ang mga friends ko para bigyan ako ng mga bulaklak every now and then with some sweet notes in it. At b-in-lindfold nila ako pababa ng building at dinala sa gitna, kung saan naghihintay ang mga kaibigan namin.

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon