Kabanata 14

800K 30.8K 17.4K
                                    


Kabanata 14

Mad

Naupo ako sa sala kasama si Chantal. Binati niya ako pagkapasok at nginitian. Akala ko magtatagal pa akong uupo roon lalo't mukhang may ginagawa si Leandro sa garahe. Nagkamali ako.

Pagkapasok ko, pumasok na rin si Leandro. He glanced at me before finally going to the staircase. Umakyat siya ng wala nang sinabi at hindi na rin naman ako nagtanong. Pumasok na rin si Kuya Levi sa sala at bumati kay Chantal.

"Ihahanda ko lang ang merienda," paalam ni Chantal.

"Tulungan na kita," Kuya Levi offered.

"A-Ayos lang. Huwag na..."

I didn't hear the next thing about their conversation after it. Paano ba naman kasi'y kahit tumanggi si Chantal, nagpatuloy si Kuya Levi patungo sa kusina para tulungan na si Chantal doon.

I concentrated on the television while thinking of what to say next to Leandro. My cold reception of him a while ago was odd. Hindi dapat ganoon ang tungo ko sa kanya. But then could I really help it?

Ilang sandali ang lumipas, lumabas si Kuya dala ang platitong may lamang pritong saging at isang baso ng juice. Siguro ay para iyon kay Tito Carlos, hindi na sasabay sa amin dahil may mga ginagawa sa garahe.

"Tara na sa kusina, Chayo," anyaya ni Kuya pagkabalik galing garahe.

Tahimik akong sumunod sa gusto ng kapatid. Kasabay nga lang ng pagtayo ko ay ang pagbaba rin ni Leandro. Sa puno ng hagdanan, nagkasalubong kami. Wanting so bad to make up for my odd reception earlier, I smiled.

"Hi..." kahit anong pilit kong maging masaya, hindi ko nagawa.

Iniwas ko ang tingin kay Leandro at diniretso na sa handa ni Chantal. Pumunta ako sa madalas na inuupuan tuwing kumakain kami sa kanilang hapag. Nag-isip ako ng papuri para kay Chantal. Mas tahimik kasi parang mas weird. Kaso... hindi ko naman puwedeng sabihin na ang ganda naman ng pagkakaprito mo sa mga saging! That would sound so off.

Leandro immediately went to the table. Tumusok ng maraming piraso ng merienda sa kanyang platito. Hinatak ko ang upuan para sana makaupo na nang binalingan niya ako.

"Sa labas na tayo. Kunin mo ang juice mo. Para sa ating dalawa 'to," aniya sabay muwestra sa platitong puno ng saging ngayon.

My heart skipped a beat as I stared at my own plate. Nilipat ko ang mga mata sa juice.

"Huh? Ayaw n'yong sumabay sa amin?" si Kuya Levi pagkatapos ng sinabi ni Leandro.

Nagkatinginan ang dalawa. For a few moments, I saw the slight defiance at my brother's eyes. However, Leandro's serious look remained.

"May pag-uusapan lang kami ni Chayo, Levi."

"Oh! Alright," si Kuya sabay sulyap sa akin.

Tahimik akong naghintay. Nauna si Leandro palabas at sumunod naman ako. Sinundan ako ng tingin ni Kuya hanggang sa nakalabas. Hindi ko nga lang maiwasan ang pagdadalawang-isip sa pag-upo sa tabi ni Leandro roon sa bench.

Nagkatinginan pa kami bago ako tuluyang naupo roon. I have to get a hold of myself! This isn't right. It's odd to have me in this kind of mood! Hindi dapat ganito at ayaw kong napapansin ng kahit na sino na ganito ako.

"So... how was your date?" I said, trying to shift my mood.

Para hindi niya mahuli ang mga mata ko, inabala ko ang sarili ko sa saging sa harap. He looked at me for a long while. He didn't even answer. He stared at me while I eat a slice.

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon