Kabanata 24

809K 30K 10.3K
                                    

Kabanata 24

Loan

I listened to Daddy's rage as I mentally mapped out what I am going to do after this.

"Paanong nakapasok ulit ang animal na 'yan dito sa Altagracia! Naaalala ko tuloy ang kahayupan ng Castanier na iyon!"

Nilapitan na si Daddy ng doktor pagkatapos kong tinanguan iyon. Kanina kasi'y sa sobrang galit niya, ang sino mang makalapit sa kanya na hindi ako'y tuluyang masasaktan. Right now, he's grown tired with his rage that he could only afford curses and hysterics, no more violence.

Kung kanina'y kinakausap pa ng doktor si Daddy na may ituturok sa kanyang pampakalma, pagkatapos kong utusan na lumapit, diretso na siyang hinawakan para maturukan. Hindi na kinausap pa dahil sa mga naunang attempt, wala siyang ginawa kundi ang mag wala.

"Anong plano mo, hija?" si Manang Lupe sa likod ko habang tinitingnan ang unti-unting pagkalma ni Daddy habang hawak ng dalawang nurse.

I sighed and faced Manang Lupe. Sa likod niya ay sina Reynante at ang mga tauhan pa ni Daddy na pare-parehong naghihintay sa iuutos ko. Bago pa ako makapagsalita, naunahan na ako ni Reynante.

"Pinatingnan kaagad ng Daddy mo sa abogado ang binentang bahay nila para tingnan kung siya ba ang may-ari pero hindi naman."

Months after Mommy died, Daddy made sure that there will be no trace of any Castanier in Altagracia or if possible in the whole of Negros. He succeeded. Kahit pa minsan sa nagdaang panahon naisip kong hindi maaaring panatilihing ganoon ni Daddy. I'm sure, somehow, a Castanier is living somewhere in Negros nang hindi nalalaman ni Daddy.

Kaya lang, ngayon ay narito mismo sa Altagracia at base sa usapan namin nina June at Nan, nasisiguro kong hindi lang nila ito kamag-anak o kung sino lang. It is Leandro. He's not with Chantal. He's alone.

"Nananadya yata. Sa lahat pa ng puwedeng tirhan, dito pa talaga sa Altagracia!" si Reynante.

Iyan din ang naisip ko. He could at least just stay in Dumaguete. Negros pa rin pero malayo naman dito. O kahit sa Bacolod. Daddy will find out soon and he will, again, order me to get rid of him, but at least... not exactly in the place where it all happened!

"Excuse me, Miss del Real," ang doktor.

Napabaling ako sa kanya. I smiled apologetically dahil alam kong naging mahirap ang pagdalu nila kay Daddy. It's been his worse state ever and all I could do is watch him get violent and rage.

"Thank you, dok. Pasensya na sa kay Daddy."

The woman smiled at me. "It's okay. I'm used to it and it's my job. Gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi magandang magalit ng ganoon ang Daddy mo. He's already getting better last week. Ayon sa therapist, maganda ang improvement sa motor skills niya at sayang kung dahil sa galit ay babalik sa dati ang lahat."

I nodded.

"I suggest he shouldn't be told of bad news or anything that would trigger it again."

"Sige po. Thank you. We will try our best."

Nilingon ko si Daddy na ngayon ay tinutulak na ang wheel chair ng mga nurse at ililipat na siguro para makapagpahinga sa kanyang kuwarto.

I wanted so bad to make some calls but I know that the best thing to do as of the moment is to confirm it with my own eyes and... probably... to finally tell him about our situation. Tell Leandro about it.

My heart raced and I equalled it with the fast pace of walking to our frontyard. Dahil ayaw kong maramdaman ang mabilis at maingay na tibok ng puso ko para sa lalaking ayaw ko nang mahalin pa.

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon