Kabanata 30

853K 31.2K 14.8K
                                    

Kabanata 30

Secret

"Nagbibigay siya ng discount, e! Naninira ka ng diskarte!" sabi ko, iritado sa panggugulong iyon.

"Hindi ko rin naman gusto iyon kaya bakit ka pa nakikipag-usap sa may-ari?" sabay diretso niya sa mga hinihiwa.

Ginulo ko ang buhok ko dahil litung-lito na ako. Pinapapunta niya ako rito para marinig ang mga offer ko pero hindi niya pa nga nakikita ang nakita kong building, ayaw niya na kaagad?

"Hindi mo pa nakikita! Ang ganda kaya! Highway agad at mas malaki ang parking lot kaysa sa parking lot mo rito sa Altagracia!"

Nagpatuloy lang siya sa ginagawang paghihiwa ng kung ano ano. I swiped on my iPad to check for the other one.

Sumulyap ako sa kanya at unti-unting tumigil. Pumangalumbaba ako at tiningnan ang kanyang likod. He's grown so much. Matipuno at lalong tumangkad ngayon. He was then already mysteriously handsome, right now he's still that way... even more.

Naaalala ko noon, hindi ko siya gusto. I am not naturally a hater of anyone poor but I specifically disliked him. Hindi ko pa alam noon kung bakit. He was loved by everyone, even the rich kids. He's smart, good-looking, and also kind to his friends. Dapat nga gusto ko siya noon dahil ganoon siya. Gaya ng paghanga ko dapat kay Keira dati...

Soon, I noticed my reaction towards him. And later on, I realized that I don't actually dislike him. I am just uneasy because I actually like him. I am attracted and my pride couldn't take it. My rich boys suitors paraded and yet nothing could ever compare to the poor and handsome Leandro Castanier. Nobody could ever replace him... for years... even now.

"Kailangan mo na talagang magdesisyon. Bibilhin ko na siguro ang pinakagusto ko at ipapangalan ko na sa'yo."

"Nag-aaksaya ka lang ng pera," aniya, hindi pa rin ako nililingon.

"Hindi aksaya dahil property naman ang binili."

"Hindi ako aalis dito kaya hindi mo na kailangang bumili ng kahit ano."

I groaned.

"Paano kung ipangalan ko na sa'yo? Wala ka nang magagawa."

"I won't sign on anything. At subukan mo lang na magpangalan ng kahit ano sa akin..." sumulyap siya.

I smiled.

"Bakit? Anong gagawin mo, Leandro?" panunuya ko.

Napatingin ulit siya sa akin. Nagtagal ang madilim niyang tingin. I smiled at him cutely.

"Aawayin mo ako? Magagalit ka? Hindi mo na ako kakausapin?"

His lips parted for a few moments. Umiling siya at binalikan ang hinihiwa. Hindi siya kumibo. Umirap ako at kinuha ang sinalin niya kaninang tubig sa baso para uminom.

Muntik nang lumabas sa ilong ko ang tubig nang naalala ko ulit ang nangyari kagabi! Nakakainis! Napaubo tuloy ako. Bumaling siya sa akin at iniwan ang hinihiwa.

"Ayos ka lang?" he asked.

Pumunit siya ng tissue sa rolyong nakatayo at ibinigay sa akin. Tumayo ako at tumango, umuubo-ubo pa.

"Nasamid lang," sabi ko. "Maghiwa ka na!"

Kumunot ang noo niya, nanonood sa akin habang nagpupunas. Pakiramdam ko pulang-pula na ako ngayon sa kauubo. Lumapit ako sa rolyong tissue para kumuha pa. Nagsalin naman siya ng tubig muli sa baso samantalang nagpunas naman ako ng counter top para sa tubig natapon.

Bumalik siya sa hinihiwa niya pero panay pa rin ang sulyap. So I'm blocking out how I laughed crazily last night, pati na rin ang sinabi niya sa bathroom na c-in-onclude kong pagmamahal sa kaibigan o kapatid lang.

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon