Kabanata 15

854K 31.5K 14.5K
                                    




Kabanata 15

Someone

Leandro is very complicated. That's what I thought. Paano ba naman kasi, nasuyod ko na rin ang plainest girls of his batch and he didn't like anyone!

"Anong ginagawa mo, Chayo?" si June nang nadatnan akong nakatitig sa notebook namin ni Leandro.

Mabilisan, sinarado ko iyon, takot na makita nila ang mga nakasulat. Mabilis ko ring nilagay sa loob ng bag habang nagpapatuloy si June na ngayon, nilapitan na rin ni Nan.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Nan sa akin, seryoso.

"Huh? Bakit?"

Nalilito pa ako. She sounded so concerned at sa paraan ng tingin nilang dalawa sa akin, nararamdaman kong may pag-uusapang seryoso. Natawa naman ako.

"Anong problema n'yong dalawa?"

Nagkatinginan silang dalawa. While Nan was silent and June was the noisy one, I expected June to be more aggressive and she did not fail me.

"Naririnig namin sa bayan at pati sa parents namin ang tungkol sa Daddy mo, ah?"

Ah. Iyan pala ang ibig nilang sabihin. For some reason, mas takot pa ako na malaman nila ang ginagawa namin ni Leandro kaysa sa mga haka-haka tungkol kay Daddy.

"What's new?" umirap ako at kinuha ang cellphone para makapagscroll ngayon.

"What's new? Your reaction!" si June.

Nan looked at me with sad eyes. Hinarap ko ang dalawa at naghanap ng maaaring dahilan sa pagiging sobrang concerned nila. Well, it's alarming to hear all the rumors about Daddy. At kahit na sanay ako, alam kong kakaiba itong ngayon. He's all out and without mercy. Kung noon, ikinakahiya niya pa ang makita ng ibang tao, ngayon wala na siyang pakialam.

"You seem so cool about it."

"Ilang taon na siyang ganyan, June. What do you expect? For me to cry about it every month? I'm tired of crying about it."

"Nasasanay ka na sa nangyayari, Chayo? Sa pagtataksil ng Dad mo? How's Tita Rosario, by the way?"

Marahan akong pumikit bago nagsalita. "Just escaping the town's rumors. She's always in Bacolod and I understand. Kung wala lang pasok ay sasama na ako."

Hinaplos ni Nan ang likod ko, ipinapakita ang pagkakaawa sa akin. But truth is... I got so used to it that it doesn't matter to me anymore.

"Nakakainis pa si Ella na patuloy ang pagsasabi na binibigyan siya ng regalo ni Tito Luis," si June.

Umirap ako. May mga binabalikang ibang babae si Daddy pero hindi ko lang inisip na kasali roon ang Mama ni Ella. Maybe she's that in need of money.

"Kaya ka ba walang gana these past few months?" si Nan sa tahimik na boses.

"Huh?" medyo nagulat ako sa tanong na iyon.

"I mean... you don't want to socialize so much. Kahit noong party ng Daddy ni George ay tahimik ka. His cousins were there and someone from Manila expressed his interest for you."

"I'm not interested."

"Kaya nga, Chayo. You seem so off these past few months at wala kang boyfriend."

"May mga manliligaw pa rin ako," sabi ko.

"Yes but you don't have a boyfriend."

Now that they both mentioned it, my two closest friends, I realized that it was odd. Hindi nga ako interesado na makisalamuha sa ibang lalaki. Mabilis din akong mabagot sa texts. Minsan ay lumilipas pa ang isang araw na hindi ako nakakabisita sa cellphone.

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon