Wakas

1.7M 57.2K 54.5K
                                    

Wakas


"Ba't tayo maghihiwalay? Akala ko ba susubukan mo, Leandro?"

Nag-iwas ako ng tingin kay Keira. Alam kong may kasalanan ako at nagsisisi ako roon. This is a step to right my wrongs. Pinabayaan ko masyado ang utak kong pangunahan ang buhay ko, pati sa pakikipagrelasyon. Ngayon, dahil doon maaaring makapanakit pa ako ng isang kaibigan.

"I tried, Keira. I don't want to ruin our friendship but I figured I would ruin it more if we continue when... I'm not really romantically in love with you."

Matapang kong tiningnan si Keira. Isa siya sa pinakamatalik kong kaibigan pero hanggang doon lang talaga ang nararamdaman ko. Pagkatapos niyang magtapat sa akin, pinapili niya ako kung susubukan ko ba o iiwas siya. I didn't want to lose a friend but I am sure I don't like her that way. Iyon nga lang, pinairal ko ang utak ko. Matagal na kaming tinutukso ng mga kaibigan at naisip ko ring nagkakasundo naman kami kaya siguro matututunan ko rin siyang mahalin.

"Why don't we try more? Pahabain muna natin, Leandro!"

Pagkakamali na nga na pumayag ako kahit alam kong hindi ko siya gusto, kung pahahabain ko pa 'to, mas lalo lang lalaki ang pagkakamali ko. An image of an angry Charlotta del Real flashed on my mind and her exact words...

"Eh, bakit kita susundin, ha? Susundin mo ba ako kapag sinabi kong makipagbreak ka rin sa girlfriend mo?"

Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Parang batang inaway at binantaang isusumbong.

Ang sarap nga'ng isumbong, e. Kahit kay Levi lang. I saw how her boyfriend's hand slipped in her blouse. And when they got caught, he ran away while she begged me not to tell anyone. Gusto kong matawa noon sa iritasyon at galit. Lintik na pilyang bata! Ang aga ng pagiging kuryoso sa seksuwalidad! Sarap paiyakin para magtanda at huwag nang ulitin pa!

My mother talked about it candidly once. Nang nakita niya na matalik na magkaibigan kami ni Levi. Ang sabi niya, dating kasintahan ni Papa si Rosario del Real noon. Napilitan lang daw itong mag-asawa sa pinili ng mga magulang. But they are happy now like how we are happy with our family.

Simula noon, napansin kong may kakaiba akong turing sa kapatid ni Levi. I'm friendly and sociable to almost everyone, matanda man o bata, pero hindi sa nakababatang kapatid na babae ni Levi. Dagdagan pa na may tingin siyang nagmamaliit sa mga taong hindi malapit sa kanya, lumayo lalo ang loob ko para sa kanya.

Because I'm not friendly only to her, there's an invisible glowing line for her everytime. It's like I always single her out among the crowd... Charlotta del Real, glowing on my sight, as a reminder that I shouldn't try to be friendly because she'll never talk to me anyway. With all her rich and fancy friends, she won't even glance at her brother's poor friend. Dagdagan pa ng maraming alaala ng masasakit niyang salita para sa mga mahihirap na kagaya ko, I don't think I could stomach to hear any more of her opinion of me.

"Stupid! Umaasa naman siya na papansinin ko? He doesn't even exist to me!" I heard her one time.

Nagtawanan sila ng mga kaibigan niya. Nakaupo lang ako sa isa sa mga Kiosk malapit sa daanan, nagbabasa, nang dumaan sila patungong cafeteria at iyon ang usapan.

"Tama! Ayaw mo nga roon kay Gelo na mayaman sa Canlaon, e. Siya pa kaya?"

"As if love letters are enough. So cheap!"

Nagtaas ako ng kilay at binagsak ang mga mata sa basahin.

"Hindi nagkalahati sa surprise ni sa'yo na sobrang bongga! Ang daming balloons noon! Pag monthsary n'yo, tiyak mas bongga pa! Bibigyan ka na niyan ng mamahaling necklace at maraming maraming bulaklak!"

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon