Kabanata 16

780K 30.6K 12.1K
                                    


Kabanata 16

Move On

I don't know why I am so preoccupied with my latest decision. Alam kong iyon ang tama pero bakit hindi ko iyon gusto. If my real objective is to help Leandro, why do I seem so bothered with the right thing to do?

Niyakap ko ang tuhod ko. Kanina ko pa sinusubukang matulog pero hindi ako nakakatulog kaya umahon ako at naupo na lang. The white sheets of my duvet is wrapped around half of my body as I bury my eyes on my knees.

Ano ang mangyayari sa akin kapag nagkabalikan nga sila? I can't be around him anymore, right? They will always be together. Where will it leave me?

Niyakap ko ng mahigpit ang aking mga tuhod. Bakit ako nag-aalala para sa sarili? it's not like Leandro is my world. I can be with my friends. Pero naiisip ko pa lang na tatanawin ko silang dalawa sa malayo, magkahawak kamay, parang may namumuong kung ano sa aking lalamunan. Naninikip ang dibdib ko at mas lalo akong hindi makatulog.

Nobody has ever made me this confused before... this bothered.

Kinabukasan, sinadya kong maghintay sa building ng kurso ni Keira. Hindi sila magkaparehas ng kurso ni Leandro at wala naman din kaming pagkikita ni Leandro sa araw na iyon kaya nagkaroon ako ng oras para sa kanya.

Kabado, nanatili ako sa kiosk. Hindi ko alam ang schedule niya o kung may bakante ba siya ngayon. Kung wala at nagmamadali lang siya sa susunod na klase, pinlano ko na kung paano ko siya tatanungin ng hindi niya nahahalata. Tumunog ang bell at biglaang naging abala ang mga building.

Malaki ang college department pero kung alam mo kung saan dapat maghintay, makikita mo ang hinahanap mo, kung hindi naman ito absent. I was right. Just a minute after the bell rang and the corridors became busy, I saw Keira with her classmates.

Hindi tulad sa ibang nagmamadaling maglakad, she's laughing and just slowly walking with her girlfriends. Iyon ang patunay, para sa akin, na wala siguro siyang susunod na klase. Tumayo ako at imbes na dumiretso sa kanya, lumayo at nagsimulang maglakad sa corridor at akmang sasalubungin siya.

"Hi, Chayo," some feeling close college girls greeted me.

I gave them a dry smile and continued walking. Sa malayo pa lang, nakikita na ako ni Keira. Napawi ang tawa niyang galing sa mga kaibigan, napalitan iyon ng tipid na ngiti. I tried hard to respond to her smile with a smile too.

Tumigil ako sa harap niya. Maybe she thinks I would ignore her just like what I did to those other girls who greeted me. Tumigil din siya at pinauna ang mga kaibigang kasabay dahil sa akin. Napansin ko ang ilang inches na tangkad niya sa akin. I remember how she was then so tall for me. Now, maybe a few more years and I will be as tall as her.

"Chayo..." she called with her soft voice.

I smiled. "Hi, Keira. Just wanna ask if you've seen my brother?"

Napalinga-linga siya. Si Kuya nga na lagi naming kasama ay wala pang namamalayan sa amin ni Leandro, ang mga kaibigan pa kaya nilang hindi naman namin laging nakikita. I am confident that she doesn't know anything about my plan with Leandro.

"Uh, sa building siguro ng mga Engineering," si Keira.

Marahan akong tumango. "Akala ko nandito, e. Wala kasi roon. O hindi ko lang nakita. How about his friends? Sina Leandro?"

Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng itsura ni Keira. I know he still affects her, like how she affects him. Nauutal pa siya nang muling sumagot.

"H-Hindi, e. Hindi ko sila nakita rito."

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon