Kabanata 35

859K 38K 28.4K
                                    

Kabanata 35

Sorry

"Pumasok ako, Ma'am, sa cafe kung saan sila nagkita. Seryoso ang usapan nila kaya nagkunwari akong hindi ko sila nakita. Kaso, Ma'am, bigla silang umalis. Lumabas ako at nagtawag ng tricycle. Sumunod ako sa kanila kaso ang bilis ng takbo ng sasakyan ni Castanier. Nagmamadali. Huli kong namataan, Ma'am, lumiko sa dulong Inn malapit sa arko."

"Okay."

Hindiko maproseso ang lahat ng narinig. Tumawa-tawa si Kenneth.

"Alam mo naman ang dalawang 'yon, Ma'am. Sa Inn talaga ang tungo at nagmamadali pa, kating-kati na siguro."

Kumunot ang noo ko, tuluyan nang nadungisan ang kanina pang iniisip.

"Suggestion ko sa'yo, Ma'am, si Keira paalisin mo rito sa Altagracia nang sumunod na si Castanier. Alam mo na..."

"Kenneth," tawag ko para pigilan siya. "Sige na. Ayos na 'yan. Huwag mo nang sundan."

"Huh? Ma'am? Nasa labas ako ng Inn ngayon, hinihintay na lumabas. Maaga pa kaya baka isa o pinakamatagal na ang tatlong oras sa... alam mo na. Hehe."

"Huwag mo nang hintayin sabi!" sigaw ko.

Natahimik si Kenneth ng ilang sandali.

"Ayy. Sige, po. Sorry, Sorry, Ma'am. Pero tuloy po ba ako bukas?"

"Tumuloy ka sa reunion. Huwag mo na akong balitaan. Magpapahinga ako bukas."

Pinutol ko ang tawag at agad na ibinagsak ang ulo sa backrest ng upuan. Pumikit ako at dinama ang sakit na nararamdaman. Ano naman kaya ang pag-uusapan ni Leandro at Keira? Lumiko sa Inn? Bakit sila pupunta roon? Imposibleng mag-uusap lang. Bakit hindi nila ginawa sa cafe at bakit sa Inn pa?

'Kating-kati na siguro'...

Nanlamig ako bigla. He is her ex and I know they share a past I can't erase. Or maybe they are still sharing it in the present. Habang hindi ko pa siya sinasagot? Bigla akong nandiri sa sariling pag-iisip.

I remember back the times I catch Leandro and Keira holding hands in the campus, noong sila pa. They were touchy with each other. Meanwhile, Leandro couldn't even afford to hold my hand. Oo nga naman at may pagkakaiba kami ni Keira. Hindi ko nga alam kung gusto ko bang alamin iyon.

Kinatulugan ko sa opisina ang pag-iisip. Kinuha ko ang cellphone ko nang nagising at sinulyapan ang message niya.

Leandro:

Let's see each other after work?

Nanginig ako nang naalala na galing siya sa isang Inn. Nagalit nang naisip kung ano maaari ang ginawa nila roon. Sinadya kong sa bahay na magreply.

Ako:

Nakauwi na ako. Next time na lang.

Then I completely ignored my phone for the next hours. Nagbabad ako sa bathtub habang tinatanaw ang Canlaon at ang papalubog na araw. Hanggang sa nagdilim, nanatili ako roon. Kuya Levi was out again that night so I didn't have a choice but to overthink after eating dinner.

Sinulyapan ko ang cellphone ko at nakita ang iilang tawag galing kay Leandro. May text ding galing sa kanya.

Leandro:

What are you doing now?

Leandro:

Answer my calls, please. I miss you.

Hindi ko alam anong isasagot ko bukas kina June at Nan kung magtatanong sila tungkol sa amin ni Leandro. Yesterday I was ready to tell them that he's courting me. Right now, I'm not sure. Paano ko pa iyon sasabihin sa mga kaibigan ko? Or more importantly, ano pa ang sasabihin ko?

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon