Kabanata 12

854K 30.4K 11.5K
                                    

Kabanata 12

Betrayal

Mabuti na lang at pinatigil ko na siya sa pag-eenumerate ng gusto niya sa isang babae. May pakiramdam akong kapag humaba pa ang listahang iyon, mas lalong dadami ang hindi ko magugustuhan. Maiksi pa nga lang, hindi ko na gusto ang mga nakikita at marami na ang naka ekis.

Needless to say, I started hanging out in their house that summer. Pero s'yempre, 'tsaka lang kapag pupunta si Kuya. Araw-araw kong tinatanong dahil hindi pa rin nagbabago ang isipan niya sa pagpunta ko. Ayaw niya pa ring nariyan ako. Kahit pa halos kalahati o mahigit sa mga oras na naroon kami, hindi naman kami nakakasalamuha. Lagi kasi kaming abala ni Leandro kaya naiiwan siya kay Chantal.

"Kuya, saan ka pupunta? Kina Leandro?" muli ko siyang tinanong nang nakitang nakapagbihis na.

I was lowkey ready. Hindi niya nahahalata pero ang totoo, sapatos na lang ang kulang, read-to-go na ako. Naka floral dress, may bag sa sala na nakahanda na, at maaga ring nagising para rito. Noong huli kasi naming punta ay pinagalitan niya na naman ako.

"Hindi na kita isasama next time!" he fired at me when we're inside our car.

Paano ba naman kasi, galit na galit siya nang nananghalian kami kasama ang mga Castanier. Hindi ko naman alam na nagdala pala siya ng icecream kaya noong inilapag na sa hapag, tuwang-tuwa ako. I didn't know then that it was a strawberry ice cream. I just know that there were bits of strawberry in dream.

"Oh! Strawberry parfait!"

"Chayo..." si Kuya Levi.

Tuwang-tuwa ako pero napansin ang kawalan ng disenyo kaya bumaling kay Chantal, nakasimangot. Kuya Levi called me slowly but it was too late.

"Walang strawberry on top sa parfait na ito?"

Kitang-kita ko ang pamumula ni Chantal sa tanong ko. Bahagyang natawa naman si Tito Carlos sa tanong ko. Kung hindi nagsalita si Leandro, hindi ko pa malalaman na regular ice cream lang iyon at dala pa ni Kuya Levi.

"That's just a regular strawberry ice cream, Chayo. Not a parfait," he pointed out.

"Oh." Sumulyap ako kay Chantal at lumiit ang boses. "Sorry."

Pangatlong Sabado namin iyon sa mga Castanier at sa pangalawa, hindi naman ako napagalitan. Isang pagkakamali lang at inaway na kaagad ako ni Kuya Levi. Then he he said he won't bring me again. Luckily, it's always Saturdays. Busy raw kasi sa pagtatrabaho si Leandro kapag weekdays kahit summer kaya Sabado lang kaming puwede pumunta.

Ngayon, Sabado ulit at itinatanggi niya na sa mga Castanier siya pupunta. Kaya lang... alam ko.

"Kuya, please... Isama mo na ako. Sorry na noong nakaraan," pagmamakaawa ko.

He looked at me straight. He's still pissed about what I did. Sinabi niya pa iyon sa hapag namin at dismayado rin si Mommy sa akin. Si Daddy ay umiling lang at nagkumento.

"Mahirap lang ang mga Castanier, hija. I don't think they even know what parfait means!" si Dad.

"Papa, alam ni Leandro. Siya ang nagsabi sa akin na hindi iyon parfait," sabi ko noon.

"That doesn't matter! Ang punto rito, Chayo, ay hindi ka nag-iingat sa mga sinasabi mo-"

"That's enough, Levi. Your sister apologized, anyway," pigil ni Daddy sa akin.

Natigil si Kuya sa hapag pero bago matulog, pinasok ako ni Mommy sa kuwarto at muling pinagsabihan. I don't see it as a big mistake but apparently, like what they said, I might have hurt someone's feelings. I apologized, though. Kaya ngayon, kay Kuya naman magso-sorry.

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon