Kabanata 26

852K 32K 23.9K
                                    

Kabanata 26

Happy

Kinabukasan, ganoon pa rin ang naging routine ko. Umaga, aalis, para magtrabaho. Usually, buong araw na ako sa asukarera kung hindi uuwi at hayaan na ang mga tauhan na gawin ang trabaho nila. Ngayon, may panibagong schedule sa mga gagawin ko.

I feel stupid waiting on the reception area of his office. Kaya lang hindi ko naman gustong mangyari ang nangyari kahapon. Ayaw kong makaistorbo sa mga kliyente.

Bakit ba?

Tumayo ako at biglaang gustong dumiretso sa opisina ni Leandro. Ano ngayon kung may kliyente siya? Pakealam ko do'n?

Bahagyang nagulat ang receptionist sa biglaan kong pagtayo.

Naisip ko rin bigla ang mga pinapakalat ng mga tauhan namin. I ordered them to spread that Leandro's services aren't reliable. Kahit na alam kong wala sigurong maniniwala dahil alam ng lahat ang galit ng mga del Real sa kanya, pinagpatuloy ko pa rin. Bukod pa roon, ilang araw pa lang na open ito kaya paanong may matinong "review" at galing pa sa tauhan ng asukarera?

Iritado, humalukipkip ako at bumalik sa pagkakaupo. Kanina pa ako binabantayan ng receptionist at wala akong pakealam kung ano ang iniisip niya.

Why do I have to wait here? At... mag-iisang oras na ako rito, ah! Ganyan ba katagal ang pakikipag-usap sa kliyente?

Mabuti na lang at bukod sa akin, wala nang ibang naroon. Kanina nang dumating ako, may dalawang paalis na. Ang isa sa naunang matandang lalaki na narinig kong magpapaayos sa kanilang talyer ay nagmamadali at medyo natatakot pa sa akin. I wanted to remind them that they shouldn't be here but seriously, I need to find a reliable alternative kahit sa La Carlota lang. Nang sa ganoon ay kasabay ng paninira ko rito, may maisusuggest naman akong iba sa kanila.

Bakit ba ako ang namomroblema sa lahat ng ito?

Bukod pa rito, napuyat ako kagabi kakahanap ng magandang puwesto kay Leandro sa Cebu! I even negotiated with the owner last night. Naghahanap pa ako ng iba, in case hindi niya magustuhan iyong nahanap kong commercial building! Nakakainis naman ito! Ang dami kong iniisip na tingin ko hindi ko na dapat trabaho.

"Ma'am... pasensiya na po pero baka kailangan mong bumalik na lang mamayang hapon. Bibigyan na lang po kita ng priority number," naglakas loob na sa wakas na magsabi ang receptionist na kanina pa halatang may gustong iparating.

It's eleven thirty and nobody went out of his office yet!

"Bakit mamayang hapon pa? Hindi pa ba matatapos 'yang kliyente niya? Papasukin ko na lang!" banta ko.

Umiling agad ang receptionist. "Hindi, Ma'am. Aalis na rin naman 'yan ngayon dahil lunch break ni Engineer. K-Kaya... sana mamayang hapon ka na lang."

Ngumuso ako at inisip ang lunchbreak. My brow palpitated and realized my perfect timing. Dapat pala hapon na lang ako pumunta rito! After lunch, ganoon! Ako pa ang mag-aadjust! I didn't even barge in earlier just because I have a bit of regard for this but right now, my little good deed is being abused!

"Hindi ba no noon break kayo? Are you fooling me so I'd leave?" bulalas ko sa receptionist.

"Ah, hindi, Ma'am. Uh... may noon break po kami. Sa gobyerno po 'yang no noon break."

Uminit ang pisngi ko nang natantong tama nga pala siya. This is a private business so it has lunchbreak.

"Oh sige. Anong oras ba ang lunchbreak?"

"Eleven thirty to one po sana."

I glanced at my watch and realized a discrepancy.

"It's eleven thirty four! E 'di lunchbreak na? Bakit hindi pa lumalabas ang kliyente niya?"

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon