Kabanata 33

945K 37.4K 27.4K
                                    

Kabanata 33

Brother

"Wala po siya sa opisina niya, Ma'am. Ang sabi'y sumama raw sa unang project para tingnan ang tinatrabaho ng mga tauhan," balita ni Kenneth sa akin.

"Ganoon ba? Sige, alamin mo na lang kung saan. Huwag kang pahahalata, ha. Alam mo na."

"Yes, Ma'am Chayo."

Mabilis akong nag-isip ng maaaring rason kung bakit gusto kong pasundan si Leandro. It's actually a mixture of everything, now I realized. I wanted so bad to carry out my Dad's orders but I know I can't do it so to make up for my guilt, I hired a person to check on him. Magmamanman para kung sakaling tanungin ako ni Daddy kung may ginagawa ba ako para paalisin si Leandro sa Altagracia, may isasagot ako.

Nagbuntong-hininga ako at inatupag na lang ang mga kailangang trabaho sa asukarera. In front of me is Daddy's huge hardwood table. Nang nagkasakit siya, ako na ang pumalit sa kanyang trabaho at pati na rin syempre sa kanyang opisina.

I can't go to Leandro. It's not like I have a lot to do here but somehow, Keira's words pierce through me. Ni hindi ko namalayan na tama siya at noon pa man, ako lang naman talaga ang nagsisikap na makita siya. Ako lagi ang pumupunta sa kanila, ako lagi ang gustong magkausap kami. Tama siya na maaaring gumagawa lang ako ng excuse pero ang totoo, may gusto nga ako sa kanya!

Ibinagsak ko ang mukha ko sa lamesa at ipinikit ang mga mata.

How is he in love with me? He couldn't get over Keira for years. At nang iniwan ko sila sa Ruins, hindi ba nagkabalikan sila? Kailan siya nahulog sa akin kung ganoon?

He could be lying, you know. So I'd stop pushing him away or to get my sympathy... maybe he knows that I'm in love with him?

Pero hindi nga ganoon si Leandro. That is possible for other people but for Leandro, it isn't. He won't lie to anyone. He's honorable, one of the reasons why he could never be replaced in my heart.

Ano kaya ang mangyayari kung sasagutin ko siya?

Ibig ba noong sabihin... mahahalikan ko na siya? Nanikip ang dibdib ko sa pag-iisip na mahahalikan si Leandro. I have never been this excited for a mere kiss!

I am still bombarded with texts from my friends. They are so curious about Leandro that they desperately want to talk about it.

June:

Pupunta kami ni Edu sa Bacolod para bisitahin si Mama. Uuwi rin kami by the end of the week. Huwag kayong magkikita ni Nan para pag-usapan 'to at gusto ko kasama ako!

Nan:

Magkuwento ka, please. I'm free tonight!

Julius:

Ano 'tong usapan na kayo raw ni Leandro Castanier?

Adriano:

Hinatid ka ni Leandro sa inyo pagkatapos ng birthday ko?

Wala akong nireplyan ni isa sa kanila dahil hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin.

Kinatulugan ko sa desk ang mga iniisip. Puyat na naman kasi ako kaiisip pagsapit ng gabi. Nagising na lang ako nang tumawag si Kenneth sa akin.

"Ma'am Chayo, nakausap ko na si Leandro kahit busy siya!" maligaya niyang sinabi.

"Ano raw ang sabi?" tanong ko, namamaos pa ang boses dahil naalimpungatan.

"May meeting pala sa reunion namin mamayang gabi, pinapapunta niya ako."

I sighed. I know what he wants. "Iyan na lang muna trabahuin mo. Check mo kay kakitang babae ba, ha?"

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon