Chapter 1

21.8K 478 47
                                    

Ashron's POV

It's been three years. Three years waiting for her to return. Pero may hinihintay pa ba talaga ako? Iintayin ko pa rin ba 'sya kahit hindi na ako?

•••••••••••••••••••••••••••••••

Narito ako ngayon sa isang cafe malapit sa binili naming bahay sa may Calamba rin. Malapit kami sa dating apartment ni Cindy. It's a three long years since she disappeared without saying a word. I miss her so damn much. I miss her sweet voice, I miss her beautiful smile, I miss everything about her. 

Naka-upo ako sa may tabi ng malaking bintana. Tanaw ko ang mga tao sa labas. Palagi akong narito simula noong nawala si Cindy. Ewan ko kung bakit nandito ako at nag-hihintay sa kanya para bumalik kahit na walang kasiguraduhan.

"Here's your coffee Mr. Lonely." sabi sa akin ni Chandrea. Chandrea Villadomini. Nakita 'nya ako sa may park kung saan kami dinala noon ni Cindy. Mag-isa ako noon at nag-hihintay kay Cindy. Kahit naulan naroon pa rin ako. Kaibigan ko lang 'sya.

"Mr. Lonely?" takha kong tanong sa kanya. Mahina 'syang tumawa at umupo sa tabi ko.

"Bakit hindi ba? Lagi ka na lang mag-isa, nandyan naman ang mga pinsan mo, mas pinipili mong mapag-isa." sabi 'nya sa akin sabay higop sa kanyang ice coffee na inorder 'nya kasabay ng kape ko.

"Tss. Wala kang pake." sabi ko sa kanya at humigop din ng kape.

"Naku 'yan ka na naman." sabi nya sa akin at tinaasan ko 'sya ng isang kilay.

Makulit 'sya. Sobra. Pero kahit naman anong taboy ko 'dyan sa babaeng 'yan nandyan pa rin.

Ang mga Villadomini ay malapit sa pamilya namin. Mula sa mga ninuno siguro namin. Noong mga bata pa kami tinangka ng mga magulang namin na i-arranged marriage kami pero hindi ako pumayag. Dahil simula nang makita ko ang batang si Cindy sinabi ko na sa sarili ko na 'sya lang, 'sya na ang mamahalin ko hanggang sa mawalan ako ng hininga. At isa pa kaibigan lang ang turing ko kay Chandy. Wala nang hihigit pa doon. Sinabi ko na rin naman na si Cindy lang at wala nang iba ang mamahalin ko.

"Oh ayan na pala ang mga pinsan mo eh." sabi 'nya kaya naman tumingin ako sa labas at nakita kong lumabas si Xander sa kotse 'nya kasama si Harold. Kapwa silang naka-porma. Saan naman pupunta ang mga ito?

"Oww! Hi pinsan! Hi Chandy!" bati sa amin ni Xander nang maka-pasok 'sya sa cafe. May iilang tao ng napatingin sa kanya dahil sa lakas ng boses 'nya. Napailing na lang ako.

"Hinaan mo nga ang boses mo. Napapatingin sayo ang mga tao dito, nakakahiya." saway sa kanya ni Chandy.

"Hindi naman ako maingay ah, isa pa hindi naman sila tumingin sa akin dahil maingay ako, tumingin sila kasi gwapo ako." mahangin 'nyang sabi. Kahit kailan.

"Eh?" sabi ni Chandy.

"By the way kanina pa ba kayo dito? Or kakadating 'nyo lang?" tanong ni Xander.

"Kani-kanina lang." maikli kong sagot. Napa-ah na lang si Xander.

Umalis muna si Xander at Harold para u-morder ng coffee nila. Naiwan kaming tahimik ni Chandy dito at kapwang naka-tingin lang sa labas.

"Paano kung hindi na 'sya bumalik?" out of the blue na tanong 'nya. Napatingin ako sa kanya.

"No. I know she will return, return to me." sabi ko. At tumingin din 'sya sa akin.

"Paano lang naman. Anong gagawin mo?" sabi 'nya sa akin.

"Mag-hihintay pa rin. Kahit hindi 'sya bumalik mag-hihintay ako. Kahit may iba na 'sya nandito pa rin ako. Hihintayin ko ang panahon na babalik 'syang muli sa akin. Kapag kasi mahal mo hihintayin at hihintayin mo kahit sobrang tagal pa, mahal mo eh." sabi ko. Hindi ako susuko, hahanapin ko 'sya, hihintayin ko 'sya.

"Kahit hindi na talaga 'sya bumalik? Kahit na------" pinutol ko ang sinasabi 'nya.

"Ano ba ang gusto mong palabasin? Tell me." sabi ko sa kanya. Bahagya 'syang natigilan.

"Wala akong gustong palabasin. My point here is anong mangyayari sayo if ever na hindi na 'sya bumalik, okay?" sabi 'nya sa akin.

"Hey, hey. Anong nangyayari? Bakit kayo nag-aaway? Bumili lang kami ng coffee nag-away na kayo." sabi ni Xander sa amin. Hindi ako sumagot. Nawalan ako nang ganang mag-salita.

"Pupunta lang ako kila Duke. Bye." sabi ko at tumayo. Lumabas na ako ng cafe at dumiretso sa kotse kong katabi nang pinag-paradahan ni Xander. I need to chill. I don't want to talk.

What I want right now is my love.

Nang makasakay na ako sa kotse ko ay pinaandar ko na ito. Doon na lang muna ako kila Duke. Dahil baka sakaling may lead na sila kung nasaan si Cindy.


















Forever With The Vampire Where stories live. Discover now