Chapter 15

8.7K 307 27
                                    

Erthea's POV

I

lang araw ang nakalipas. Lumilipas ang araw ko sa pag tulog. Maya't maya akong inaantok. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong magawa kundi ang matulog talaga, dahil kung hindi ako matutulog sasakit ang ulo ko.


Ilang araw rin ang nakalipas at sa bawat araw na iyon wala nang alaala ang pumapasok sa isipan ko. Hindi ko alam pero kada mararamdaman ko na may papasok na alaala ulit sa isipan ko inaantok ako. Para bang kinokontra.

Kasama ko ngayon si Daze sa sala ng bahay namin. Tumawag kanina si Zac at meron daw na magaganap na isang party. Hindi ko alam kung saan.


"Anong party ba iyon? Tsaka bakit parang ngayon ko lang nalaman na may party palang ginaganap dito sa Kasdeyatopia." sabi ko sa kanya at sinubuan ko sya ng cake na binake ko. Yes marunong akong mag bake. Ganun din sa Cassandra, sa katunayan sya pa ang nag turo sa akin kung paano mag bake. Hanggang sa kinahiligan ko na sya. Hindi ako nag bebenta ng mga cake dahil feeling ko hindi pa sapat ang mga nalalaman ko sa pag gawa ng ganito.


"Founding Anniversary ng Kasdeyatopia." sabi nya sa akin nang matapos nyang nguyain ang cake.


"Eh? May ganun pala dito. Hindi ko alam." sabi ko sa kanya at hindi naman sya sumagot.


Napansin ko nitong mga ang daang araw, simula nung may maalala ako. Feeling ko si Daze masyadong naging balisa. Everytime na sasabihin kong masakit ang ulo ko, tinatanong nya agad kung may naalala daw ba ulit ako. Ewan ko pero parang ang weird lang nya para sa akin ngayon.


"Lahat daw ba pupunta?" tanong ko ulit sa kanya at sumubo ako ng cake. Chocolate flavor itong cake, hindi ko sya masyadong tinamisan kasi ayaw ni Daze ng ganun. Nakakaumay daw kapag masyadong maraming asukal.


"Oo daw. So pupunta din tayo. At dapat daw lahat ay naka maskara." sabi nya pa sa akin.

So ganun yung theme ng party? Na-e-excite tuloy ako. Makakakita ako ng mas maraming bampira.


Ilang sandali pa ay napag pasyahan namin na mag gala-gala dito sa Kasdeyatopia.


Mag isa ako ngayon dito dahil nag hahanap si Daze ng CR, naiihi daw sya.


Nainom ako ng isang inumin na hindi ko alam kung ano ang tawag, pero masarap naman sya kahit papaano. Maya-maya pa ay may biglang nakadali sa akin. Medyo natapon yung inumin pero hindi sa akin natapon kundi doon sa kalsada.


"Ay! Sorry po." sabi ko sa naka bangga sa akin. Lalaki ito at matangkad, maputi, medyo singkit.

"Ako dapat ang mag sorry sa iyo. Sorry." sabi nya sa akin at ang anggat sya ng tingin sa akin. Nabigla ako nang may biglang humila sa akin palayo sa lalaki pero ang huli kong narinig sa lalaki ay "Cindy?" sino ba talaga ang babaeng iyon? May koneksyon ba sya sa akin?

Ilang araw na akong nag iisip ng tungkol sa babae na yun.

Si Daze ang humila sa akin palayo sa lalaking nakabanggaan ko.

"Bakit ka nakikipag usap sa hindi mo kilala?" tila naiinis nyang tanong sa akin at hindi parin binibitawan ang braso ko.


"Nag sorry lang naman ako doon sa lalaki." sabi ko sa kanya.


"Sa susunod ayaw kong makita kang may kausap na iba, maliwanag?" sabi nya sa akin. Gusto ko sanang kiligin ngayon dahil ang possessive nya sa akinpero yung braso ko kasi eh. Masyadong mahigpit ang pag kakahawak nya.


"A-Aray.. Yung braso ko..." sabi ko dahil ang diin na ng hawak nya sa akin. Bigla nyang binitawan ang braso ko at bahagyang tumingin sa akin.

"Sorry... Sorry darling kung nasaktan kita. Sorry..." sabi nya at tiningnan ang braso kong namumula pa rin dahil sa pag kakahawak nya.



Nitong nag daang araw ganyan sya palagi. Laging parang mainit ang ulo. Sumisigaw na sya sa maliit na bagay.


"A-Ano bang nangyayari sayo? Ilang araw ka nang ganyan." sabi ko sa kanya. Hindi ko na maiwasang mag tanong sa kanya. Baka may problema pala sya hindi nya lang sinasabi sa akin.

"Wala 'to... It's just... I'm tired and stressed sa work ko." sabi nya sa akin.

"Tired ka pala, bakit mo ako niyaya na gumala, kung pagod ka pala? Sana nag pahinga ka na lang." sabi ko sa kanya. Pinagmasadan ko sya. Pagod nga sya. Matamlay ang mga mata sya at matamlay din ang katawan nya.


"No... Gusto kong bumawi sayo... Ilang araw na akong sobrang busy and I want to spend time with you... Okay lang ako kahit mapagod ako, basta kasama kita ayos lang." sabi nya sa akin at hinawakan ang kamay ko sabay halik sa aking noo.


Ilang sandali pa ay napagpasyahan naming umuwi na. Dumaan lang kamu saglit sa bakery na paborito ko. After nun umuwi na kami ni Daze. Nang makarating kami ay biglang nag ring ang phone nya nag paalam sya sa akin na sasagutin nya ang tawag ng mabilis lang at tumango naman ako sa kanya.


Pumunta ako sa kusina at kumuha ng maiinom. Mag luluto sana ako kaso naalala ko yung mga tinapay na binili ko. Tig-dalawang purple at black bread ang binili. Sa lahat ng tinapay nila ito ang pinaka paborito ko. Kasing laki sya ng donut at may stawberry filling sa loob kaya naman lalong sumasarap. May chocolate syrup din sya sa ibabaw.










A/N:

Sorry hindi ako naka pag update kahapon :((
Nawalan kasi bigla ng power dito sa amin tapos pag dating ko sa bahay yung cellphone ko lowbat na lowbat kaya ayun hindi ako naka pag update sa inyo.

BTW, wish me luck sa exam ko!

Labloootttttsssss!

-DARLINGBABE_22








Forever With The Vampire Where stories live. Discover now