Chapter 34

8.4K 242 16
                                    

Xander's POV





Kadadating ko lang sa bahay nila Kaizer at bumungad agad sa akin ang babaeng nag patibok sa puso kong malandi, ang babaeng gusto kong makasama hanggang sa huli kong hininga, ang babaeng mamahalin ko ng sobra-sobra, ang babaeng magiging ina ng mga anak ko, at ang babaeng pakakasalan ko.

"I miss you babe!!" sabi nya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko din sya.

"I miss you more babe!" sabi ko naman sa kanya.

Ilang minuto din kaming nasa ganoong pwesto nang biglang "Oi tama na yan kakain na tayo, mamaya na ulit kayo mag-lambingan." saway sa amin ni Kaizer sa aming dalawa ni Xands. Kaasar naman 'tong si Kaizer eh. Nag mo-moment kaming dalawa dito ng babe ko tapos e-epal. Tss.

Inaya ko na si Xands na kumain kung nasaan sina Kaizer.

Maya-maya pa ay nag simula na kaming kumain.
Habang nakain ay may napansin akong dalawang babae, ang isa ay katabi ni Kaizer at ang isa naman ay katabi nung babaeng katabi ni Kaizer.

Maybe girlfriend ni Kaizer yung isang babae. Nabanggit nya sa akin yun kahapon eh. If ever na iyon yung girlfriend ni Kaizer, ang swerte ni Kaizer. Buti naman at nagustuhan ito nung babae.

"Kaizer sya ba yung sinasabi mong girlfriend mo?" tanong ko kay Kaizer kaya napatingin sa akin yung girl.

"Ah oo! Ito si Mika, girlfriend ko at ito namang babaeng ito ay si Hailey, kaibigan nya." pag papakilala nya sa dalawang babae. Ngumiti naman sa akin ang dalawa kaya ngumiti din ako.

Napansin kong walang kasama yung Hailey, akala ko ba para sa mga couples 'to, nasaan ang partner nya?

*RINGGGG!*

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang biglang tumunog ang cellphone ni Hailey.

"Wait lang guys sasagutin ko lang." pag papaalam nya sa amin.

Pumunta sya doon sa may pinto at sinagot ang tawag.

"Ano na namang problema mo?... Gago ka talaga, may mga kasama ako ngayon... Aba naman sinuswerte ka... Kaya mo namang kumain ng mag isa kailangan mo pa ako? Kailan ka pa nawalan ng kamay? Tss!... Oo na! Ang kulit mo! Susunod na ako bye!" sabi nya sa kausap nya sa telepono.

Lumayo pa sya ang lakas din naman pala ng boses, ano kaya yun? Rinig pa din.

Bumalik na sya sa upuan nya.

"Sino yung tumawag? High blood ka na naman eh." sabi ni Mika sa kanya nang makaupo si Hailey sa upuan nya.

"Si Steven kasi pinapapunta ako sa café na malapait sa school, may sasabihin daw sya sa akin tapos hindi pa daw sya nakain kasi hinihintay nya ako." kwento naman nung Hailey.

"So aalis ka?" taning ni Kaizer sa kanya.

"Ano pa nga ba? Nagmamadali yung hinayupak na yon eh." sabi nya. Bumaling sya sa aming dalawa ni Xands. "Sorry guys ah, kailangan ko kasing puntahan si Steven. Pero nice to meet you Xander." sabi nya sa amin. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.

"Nice to meet you din." sabi ko sa kanya.

"Oh sya una ako ah! Sa susunod na lang! Thank you sa food Kaizer!" sabi nya at umalis na.

"Oo na umalis kana magalit pa bebe mo." sabi ni Mika sa kaibigan nya.

"Che!" kahit nasa labas iyon rinig pa rin ang boses. Galing ah.

"Sino si Steven?" tanong ko naman sa kanila pag alis ni Hailey.

"Ah pinsan yun ni Cindy na super close nya simula nung mga bata pa sila. Na soon-to-be-bebe ni Hailey." pagpapaliwanag ni Kaizer.

Forever With The Vampire Where stories live. Discover now