Chapter 35

8.4K 246 33
                                    

Warning! Unedited

Erthea's POV




Kasama ko ngayon sa park si Cassandra. Tinawagan ko sya para nga tanungin tungkol doon sa mga pina patanong ko sa boyfriend nyang si Chase. Natatakot kasi akong mag tanong sa asawa ko kasi baka mamaya sigawan nya ako, alam ko namang ayaw nya ng sobrang matanong. Mas minabuti ko na lang na dito mag tanong kay Chase. Sinabihan ko si Cassandra na mag tanong kay Chase kaya ito kami ngayon.

Litong-lito na ako sa mga panaginip ko at sa mga kung ano-anong pumapasok sa utak ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Lingid sa kaalaman ni Daze, nag punta ako sa isang kakilala ko at nagtanong tungkol sa mga nararanasan ko at sabi nya hindi daw sya sigurado kung ano ang tawag sa mga bagay na nangyayari sa akin. Baka daw mga ala-ala na nakalimutan ko. Paanong nakalimutan ko? Alam kong Erthea ang pangalan ko at Cindy. Ang mga Villacerlyn ay pamilyar sa akin lalo na si Ashron. Base kasi sa mga ala-alang pumapasok sa isipan ko ay parang boyfriend ko sya, pero may asawa ako. Ang gulo-gulo. Hindi ko masabi may Daze kasi baka kung ano ang isipin nya. Baka sabihin pa nyang nang-lalalaki pala ako which is not true.

"Natanong mo ba kay Chase yung mga gusto kong ipatanong?" tanong ko kay Cassandra matapos kaming maglibot-libot dito sa park.

"Uhm yep pero hindi lahat. Okay lang?" tanong nya sa akin.

"Okay lang noh atleast may natanong ka na nasagot nya." sabi ko naman.

"Ang una kong tinanong sa kanya is kung kaaway ba nila ang mga Villacerlyn at sabi nya oo daw since birth. Alam ko namang pansin mo rin ang mainit na tinginan nila noong nasa party tayo diba? So I assume na baka may nakaraan ang Villacerlyn at sina Chase." paliwanag ni Cassandra sa akin. Ako naman ay tumatango-tango sa kanya.

Oo pansin ko rin 'yon. Akala ko nga ako lang yung naka pansin eh. Pero hindi pala si Cassandra din pala.

"Next question was kung bakit sila naging mag kaaway. Sabi ni Chase agawan daw sa trono." sabi nya pa.

"Trono? Yung pagiging makapangyarihang pamilya dito sa buong Kasdeyatopia?" tanong ko sa kanya. Bakit naman nila pag aawayan yun? One time may na kwento sa akin si Zac sabi nya inagaw daw ng mga Villacerlyn ang trono mula sa kanila dati.

"Siguro, oo. Yun lang naman ang pwedeng pag awayan ng dalawang pamilya na matunog dito sa buong Kasdeyatopia eh.

"Ano pa yung iba mong tanong?"

"Oh this is a unexpected answer. Nag tanong ako kay Chase kung dito ba talaga naka stay ang tatlong Villacerlyn or kung umalis ba sila dito. Ang sabi ni Chase pumunta din daw ang tatlo sa mundo ng mga tao." para syang na excite sa part na 'to.

"Mundo ng mga tao? Bakit sila pumunta doon?" tanong ko.

"Ito pa! Si Ashron ay nag karoon ng girlfriend na tao! Her name si Cindy! Yep Cindy! Nung una nagmamaang-maangan pa si Chase pero syempre magaling ang tenga ko. Kahit na sabihin nyang ibang name ang narinig ko I swear tama ang dinig kong Cindy ang pangalan nung girl." sabi nya pa.

WTH?!

"Cindy? The hell Cassandra! Yan yung name ko doon sa mga weird kong panaginip! The hell! Tapos doon parang boyfriend ko si Ashron! Arrghh!" sabi ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or what sa mga nalaman ko ngayon. Too much information. Sasabog na ang utak ko.

"Teka, teka... Hindi kaya naging boyfriend mo si Ashron? Eh bakit hindi mo ata naaalala?" tanong nya sa akin.

"Hindi ko din alam. Yung tatlong Villacerlyn ay sobrang pamilyar sa akin na parang nakakita at nakasama ko na sila noon pero hindi ko alam kung saan at kailan. Gulong-gulo na ako. Bakit hindi ko matandaan? Ano bang nangyayari sa akin?" gulong-gulo na talaga ako.

"Nagka-amnesia ka ba?" tanong nya.

"No. Basta ang alam ko asawa ko si Daze at tatlong taon na kaming kasal. Yun ang alam ko. At isa pang nag papagulo sa akin ay ang mga sinabi ni Ashron sa akin nung isinayaw nya ako noon sa party."

"Ano yung mga sinabi nya?"

"Na sya daw dapat yung asawa ko ngayon at babawiin daw nya ako mula kay Daze."

"The hell? Naguguluhan din ako ah. Anong sya dapat ang asawa mo imbis na si Daze? Babawiin?"

"Oo. Hindi ko naman matandaan na naging kami ni Ashron. Hindi ko matandaan na may past kaming dalawa."

"Baka naman may nag bura ng ala-ala mo?"

May nag bura? Sino naman ang mag aalis ng ala-ala ko?

"Malay mo si Daze. Kasi tingnan mo ah, base sa mga naaalala mo parang may past kayo ni Ashron at kilala mo ang mga Villacerlyn tapos sa sobrang gusto ka ni Daze binura nya ang mga ala-ala mo. Malay mo lang naman diba pero hindi ki sinasabi na binura nya talaga ang ala-ala mo or baka totoo..." sabi ni Cassandra.

So baka si Ashron talaga ang dapat na asawa ko ngayon kung hindi lang naging desperado si Daze?

"Nalilito pa rin ako..." yumuko ako at hinawakan ang ulo ko.

"Nandito lang ako Erthea." sabi sa akin ni Cassandra.

"Salamat at kahit papaano ay medyo naliwanagan ako." sabi ko sa kanya. Tumunghay ako ay huminga ng malalim.

Relax lang Erthea... Enhale, exhale.... Kaya mo yan.

"Gusto mo bang ma relax?" tanong sa akin ni Cassandra. Tumango ako sa kanya.
"Tara bili tayo ng ice cream." naka ngiti nyang sabi sa akin. Hindi ko alam kung makakangiti ba ako eh. Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya.

Nag lakad kami papunta doon sa tindahn ng ice cream na malapit sa inuupuan namin. Nang bigla akong mabangga ng batang lalaki na nag ba-bike. Nadali nya ako at halos tumalapon ako sa lupa sa lakas ng impact nya.

Nakaramdamn ako ng hilo at kirot sa may bandang ulo ko. May d-dugo! Shit may dugo!

Ang huli kong narinig ay ang pag hingi ng tulong ni Cassandra and all went black...


Forever With The Vampire Where stories live. Discover now