Chapter 48

7.1K 203 12
                                    

Erthea's/Cindy's POV




NAGISING ako na nakatali sa isang upuan... Madilim ang kwarto... Iisa lang ang ilaw.. At iyon ay sa akin lang naka tutok... Nasaan ba ako??

"Argghh!" napadaing ako ng bahagya kong igalaw ang aking ulo... Ano ba yung pinalo sa akin? Ang sakit ah!


"Gising kana pala..." isang baritong boses ang narinig ko. Pamilyar ang boses... Hindi ako pwedeng mag kamali... Hindi....


Hindi nga ako nag kamali... Si Chase! Si Chase na naman! Lagi na lang nya akong dinudukot! Ano bang kailangan nya sa akin?!


Tiningnan ko sya ng masama, "Ano na naman ba ang kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Nagulat sya sa tanong ko.

"N-Nakakaalala k-kana?" hindi maka paniwalang tanong nya sa akin.

Bahagya akong ngumiti.


"Oo, nagulat ka ba?" sarkastiko kong tanong sa kanya.


"Matapang ka pa rin..." sabi nya at tila naka recover na sa gulat nya.


Ang gago talaga nitong lalaking ito.


"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya. Tiningnan kos ya sa mga mata nya. Nag hahalong sakit at galit ang nasa mata nya.


"Same reason..., Cindy." sabi nya sa akin.


"Hanggang ngayon pa din ba yan ang inaatupag mo ha? Ang kunin ang korona mula sa mga Villacerlyn? Wala naman kayong karapatan--" naputol ang sinasabi ko, sinampal nya ako. Sampal! Laging sampal!



"Wala kang alam!! Wala kang alam sa nangyari!" sigaw nya sa akin.
"Dinukot ulit kita para sa parehong dahilan katulad ng dati pero ngayon hindi na kita hahayaang mabuhay pa... O baka isama ko na din ang tatlong Villacerlyn?? Gusto mo ba yon??" pagka-sabi nya nuon ay tumawa sya ng pag kakalakas. Tawang parang isang demonyo. Tama naman sa kanya 'yon dahil isa syang demonyo! Isang demonyo! Walang awa at puro pag hihiganti lamang ang alam!



"Sinong tao ba ang may gusto ng bagay na yon? Baliw ka ba?" tanong ko sa kanya. Tama baliw sya. Isang baliw!


"Sinusubukan mo ang pansensya ko? Baka maaga kang mamatay nyan? At kung maaga kang mamamatay hindi mo masasaksihan ang pag papahirap ko sa tatlong Villacerlyn??" sabi nya sa akin.


"Isang kang gago! Hay*p ka! Demonyo!" sigaw ko sa kanya dahilan para masampal akong muli.



"Demonyo nga ako! At dahil iyon sa mga p*tang*nang mga Villacerlyn iyon!" sigaw nya sa akin. Kumuha sya ng upuan at umupo sa harapan ko.


"Alam mo kung bakit?" tanong nya sa akin ngunit hindi ako sumagot.


"Inagaw nila... Inagaw nila ang korona sa amin... Sa pamilya namin. Hindi mo ako masisisi kung bakit ko ginagawa ito. Ginagawa ko ito para sa pamilya namin. Para maibalik ang dating katanyagan namin." kwento nya sa akin.


"Kayamanan lang naman ang gusto nyo hindi ba?" pranka kong tanong sa kanya. Tumingin sya sa akin at hindi nag salita.
"Hindi ka maka pag salita dahil tama ako, hindi ba?" tanong ko ulit sa kanya.


Tumawa sya na parang demonyo ulit.


"Walang kang alam! Wala kang alam sa nangyari! Wag na wag mong sasabihin na yaman lang ang gusto namin! Hindi mo kami kilala! Hindi mo kami kilalang mga Villaroel!" sigaw nya sa akin. At halos mabasa na ang mukha ko sa laway nya.


"Wala akong pake!" sigaw ko sa kanya. Wala na kasi akong masabi kaya sinabi ko iyon. Tiningnan nya lang ako ng masama.


"Erthea este Cindy... Cindy pala. Hindi kaba mag tatanong kung bakit ka napunta dito? Kung bakit naging asawa mo ang pinsan ko?" tanong nya sa akin. Hindi ako nag salita.


"Pag katapos ng araw na dukutin kita ay si Daze naman ang dumukot sayo... Gusto ka nya, gustong-gusto na parang ikamamatay nya kapag nawalay ka ulit sa kanya. Pero habang pauwi kayo noon papunta dito sa Kasdeyatopia naaksidente kayo. Ginamot ka ni Daze gamit ang kanyang power at naging dahilan yon para mawala ang mga ala-ala mo." kwento nya.
"Alam nya bang nakaka alala kana?" tanong nya sa akin.


"Oo." maiksi kong sagot.


"Buti hindi ka nya sinaktan." sabi nya naman. Nag papasalamat talaga ako na hindi ako sinaktan ni Daze.



"Hindi ako nasaktan kasi sya ang nasaktan." sabi ko naman.



"Alam ko at isa pa yon. Alam mo bang baliw na baliw sayo si Daze?! Tapos mas gusto mo pa rin yung p*tang*nang si Ashron! Sabihin mo nga saan nag kulang si Daze?! Saan?!"


"Ikaw na gago ka! Wala kang alam! Wala kang alam sa nararamdaman ko! Palibhasa hindi ka maruning mag mahal! Puro sakit yang nasa puso mo! Wala kang alam!------" naputol ang sinasabi ko dahil sinampal nya ako.


Nag angat ako ng tingin at hindi si Chase yun... Si Zac!


"Nagulat ka?" tanong nya sa akin.


"Isa kapang gago ka! Bakit ka naman sumama dito?! Akala ko mabait ka! Mabait kayo! Pero hindi pala!" sigaw ko.



"Ano bang pakialam mo kung nandito ako?! Mabait kami pero hindi sa mga kaaway!" sigaw nya ulit sa akin.


"Patayin nyo na lang ako para mas madali ang lahat." sabi ko sa kanilang dalawa.



"Ohhh darling... Not now. Papahirapan ka muna namin bago ka namin patayin para mas enjoy, hindi ba?"


"Enjoy mo mukha mo!" sigaw ko sa kanya. Pero isang nakakakilabot na ngiti ang natanggap ko. Maya-maya pa ay umalis na sila sa kwartong iyon.


Ano ng gagawin ko ngayon? Hindi ako pwedeng mamatay, kahit isa sa amin walang pwedeng mamatay.


Sana malaman agad nina Ashron na nandito ako at nadukt ulit ako ng mga hayop na yon. Mga hayop! Sarili lang nila ang iniisip nila!.


Ngyunit maya-maya pa ay nakarinig ako ng putok ng baril....



To Be Continued.....

Forever With The Vampire Where stories live. Discover now