Chapter 39

7.7K 245 25
                                    

Xander's POV

Simula pag dating ko dito sa park wala akong ginawa kundi kumain. Stress-eating kung baga. Tss. Nakakainis talaga yung dalawang gagong yon. Dahil sa kanila ito kami ni Xands ngayon may LQ.

Walang may kasalanan sa aming dalawa, kasalanan ito nung dalawang gagong yon. Hindi ko naman sya masisisi eh. Yes, malandi ako pero in a good way naman. Hindi katulad nung iba dyan. (a/n: wala naman akong pinapatamaan dyan ha. Kalma lang.) Natural naman sa mag karelasyon na mag kaganon. You know hindi mawawala sa isang relasyon ang hindi pag kakaintindihan. Hindi ko sya masisisi na magalit sa akin kasi may past ako na ganon. May past ako na lumandi ako. Pero alam ko sa sarili kong matino na ako, iba na ako dahil nakilala ko si Xands. Sya lang ang naka pag pabago sa akin ng ganito.

Nung isang araw ko pang hindi nakakausap yung babaeng yun. Miss ko na sya. Kapag kasi natawag ako ine-end nya lagi or 'di kaya pinapatay nya cellphone nya. Kapag naman ang te-text ako hindi sya nag re-reply. Bukas pupunta ako sa kanila para suyuin sya.

Ang gago kasi nila Ashron at Harold eh. Tss.

Palapit na sana ako sa nag titinda ng ice cream para bumili nang bigla kong makita yung isang babae na naka higa sa lupa. Nabangga sya ng bike. Ang kasama nyang babae naman ay humihingi ng tulong. Agad akong lumapit sa kanila... Hindi ko inaasahan kung sino ang nabanggang iyon... Si Cindy! Oh shet!

"Bubuhatin ko na sya." sabi ko doon sa babae at napansin kong si Cassandra ito ang girlfriend ni Chase. Kung nag tataka kayo kung bakit ko sya kilala gayong sandali lang naman namin silang nakita noon sa party ay dahil sa pag mamanman namin sa kanila. Tumango ito sa akin at agad ko namang binuhat si Cindy. Pumitik ako at nakita ko sa di kalayuan yung kotse ko. Agad kong sinakay si Cindy doon at mabilis na nag drive papunta sa pinaka malapit na ospital sa park.

Ospital ito nina Chandy. Pag mamay-ari ng pamilya nila ang halos lahat ng ospital dito sa buong Kasdeyatopia.

Nang makarating kami sa ospital ay agad syang inasikaso ng mga nurse at mga doktor.

Nakita kong naka upo si Cassandra sa upuan doon. Akma na sana akong aalis sa ospital para sabihin kay Ashron ang nangyari. Ayaw ko mang sabihin sa kanya na nandito sa ospital si Cindy ay kailangan kong gawin. Alam kong magagalit sa akin yung lalaking iyon kapag nag kataon. Hindi ako nababahala sa kanya na pupunta sya sa ospital. Alam nya kung pwede o hindi.

Nagsimula na akong mag lakad palabas ng ospital ng pigilan ako ni Cassandra.

"Sandali!" sabi nya sa akin kaya huminto ako sa pag lalakad.

"Bakit?" tanong ko sa kanya at humarap ako. 

"Gusto ko lang mag pasalamat sa pag tulong mo sa amin kanina." pag papasalamat nya sa ginawa ko kanina. Kahit sino naman ay gagawin ang ginawa ko kanina.

"Wala yun." sabi ko sa kanya at tipid akong ngumiti. Alam kong hindi nya kita ang buong mukha ko dahil naka tungo ako ng kaunti at naka cap pa ako. Tanging ilong at labi ko lang ang nakikita nya. Ayaw ko ding mag pakilala sa kanya, hindi pa ngayon ang tamang panahon. 

"Hindi mo ba sya iitaying magising manlang? Alam kong gusto rin ni Erthea na maka pag pasalamat sayo ng personal." sabi nya. Umiling ako sa kanya.

"Hindi na, may gagawin pa kasi ako. Sige mauuna na ako sayo." sabi ko. 

"Okay sige, salamat ulit." pag uulit nya pa.

Tuluyan na akong umalis sa ospital na iyon. Dala ang kotse ko ay umuwi na ako. 

Pinark ko muna ang sasakyan ko at saka pumasok sa mansyon.

Hindi ko nadatnan sina Ashron at Harold sa sala. May isang maid akong nakitang dumaan kaya minabuti kong mag tanong dito.

"Ah manang nakita nyo po ba sina Ashron at Harold?" tanong ko sa kanya.

"Ah prinsepe Xander, hindi ko po sila napansin dito. Subukan nyo pong tingnan sa kwarto nila, baka nandoon sila." sabi nya sa akin at bahagyang yumuko.

"Ah ganun ba? Sige, salamat." sabi ko dito at umakyat na sa kwarto nilang dalawa.

Una kong tiningnan ay ang kwarto ni Harold. Wala ito doon kaya pumunta ako sa kwarto ni Ashron at doon ko sila nakita.

"Oh anyare sayo? Bakit ngayon ka lang?" bungad sa akin ni Harold ng makita nya ako.

Imbis na sagutin ko ang tanong nya ay tumingin ako kay Ashron.

"Ashron may kailangan kang malaman..." seryoso kong sabi ko sa kanya.

"Ano ang kailangan kong malaman? Na bakla ka? Sus Xander matagal ko na yang alam." sabi sa akin ng gago. Napaka gago talaga ng lalaking ito.

"Gago, hindi ako bakla." sabi ko.

"Eh ano?" tanong nya.

"Si----"

"Si Xands nakipag hiwalay sayo? Ow I'm so very sad for you mah cousin. It's okay let me hug you..." sabi ni Harold. I glared at him.

"Gago ka. Hindi yun mangyayari. Patapusin nyo muna kasi ako. Tss." sabi ko sa kanila.

"So ano nga?" taning ni Ashron.

"Si Cindy... Nasa ospital" sabi ko.

"Si Cindy nasa ospital?! Bakit?! Gago?!" sunod-sunod na tanong ni Ashron sa akin.

"Yes, gago. Nasa ospital si Cindy, nabangga sya ng bike at sa tingin ko medyo malala yung natamo nyang sugat dahil dumudugo yung ulo nya nung buhatin ko sya papunta sa ospital." kwento ko.

"Teka... Teka... Ikaw ang ang hatid sa kanya sa ospital?" tanong nya at tumango ako.

"Tara sa ospital." yaya ni Harold sa amin.

"Gago ka ba? Edi nakita tayo nina Daze doon?" sabi ko sa kanya.

"Oh eh ano kung makita nila tayo? Bakit sino ba sila? Sino sila sa buhay ni Cindy?" tanong nya. Itong lalaking ito sala sa init, sala sa lamig ang katapangan. Tss.

"Awat aba..." sabi ko sa kanya. Hinagod-hagod ko pa ang likod nya.

"Kasi eh... Bwiset yung mga Villaroel na 'yon." sabi nya.

Nagulat kami nang ibato ni Ashron ang hawak nyang baso.

"Fuck! Gustong-gusto ko syang puntahan hindi ko magawa! Imbis na ako ang nandoon sa tabi nya para alagaan ko sya, iba! Fuck this fvcking life!" sigaw nya.

"Tama na Ashron... Babawiin din natin si Cindy mula sa kanila." sabi ko sa kanya at pinaupo sya sa kama.




Forever With The Vampire Where stories live. Discover now