Chapter 42

8K 257 28
                                    

Ashron's POV



Today I'm with my girl. Again my girl. Nasa loob kami ng tree house ngayon. Kung tatanungin nyo ako kung bakit tree house ang napili ko ay dahil ang tree house na ito ay hindi basta-basta. Mahalaga ito para sa amin ng mga pinsan ko. At gusto kong malaman ni Cindy iyon.

Pag pasok namin sa tree house ay agad nyang nilibot ang tingin nya sa kabuuan nito. Ako naman ay naka ngiting pinag mamasdan sya. How I miss this. I miss her. I miss everything about her. Her smile, her laugh and her overload cuteness. And I miss everything about her. Even her clumsiness.

"Bakit ang daming picture dito?" tanong nya sa akin habang nag lilibot sya sa paligid. Pumunta ako sa likod nya at inilagay ko ang baba ko sa balikat nya habang ang mga kamay ko ay sa bewang nya.

"Puro picture namin yan nina Xander at Harold. Alam mo bang yung camera naming tatlo ang pinang-kuha sa lahat ng pictures na nandito. Kaya ganyan kadai dahil kada may pupuntahan kami hindi pwedeng mawala ang picture. " sabi ko sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Parang nakita ko na itong picture na ito." sabi nya nang makita nya yung picture ng isang babae at isang lalaki.

"Yan yung lockscreen ko noon. Nakita mo yan nung time na nag jeep tayo. Tapos tinanong tayo nung matandang babae kung mag ano daw ba tayo tapos sabi ko girlfriend kita." kwento ko sa kanya. Natutuwa talaga ako everytime na naaalala ko yon, dahil sa blush ni Cindy nung time na yon. Ang cute!

"Ohhh so sino sila?" tanong nya sa akin.

"Mga grandparents ko sila." sabi ko pa.

"Grandparents mo?" tanong nya ulit.

"Oo. At nakakatuwa lang talaga dahil para silang tindahana sa isa't isa. Simula pag kabata hanggang pag tanda magkasama sila." sabi ko sa kanya. Inalis ko ang baba ko sa balikat nya dahil humarap sya sa akin at namumula sya! Ang cute talaga! Pinisil ko ang kanyang ilong.

"Arghh! Bitiwan mo ang ilong ko!" sabi nya sa akin at natatawa naman akong binitawan ang ilong nya.

"Arghh! Yan tuloy namumula, bakit mo ba pinisil?" taning nya sa akin at hinihimas-himas nya ang ilong nya.

"Ang cute mo kasi." sabi ko. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko ang ilong nya.
"Oh iyan hindi na yan sasakit." sabi ko sa kanya at namula na naman sya.

"Tss.." sabi nya at nag iwas ng tingin sa akin.

"Yieee kinikilig syaaa~" pang aasar ko pa sa kanya kaya lalo syang namula.

"Tumigil ka nga, hindi ako kinikilig noh." protesta nya sa akin.

"Nuyyy hindi daw kinikilig pero sobra naman kung mamula ang mukha, nuyyyy..." pang aasar ko pa ulit.

"Tss." sabi nya sa akin at para syang natatawa. Tumawa ako kaya tumawa din sya.

I miss this, yung ganito kami... Ang saya..

Humiga sya sa kamang inuupuan ko kanina. Humiga din ako sa tabi nya at pinag masdan ang langit. Yung nag sisilbing bubong ng tree house ay transparent, para makita ang langit at araw sa umaga at mga bituin at buwan sa gabi.

"Ang ganda ng langit." sabi ni Cindy. Tumingin ako sa kanya.

"Oo sobrang ganda." sabi ko.

"Sabi ko yung langit, hindi ako." natatawang sabi nya sa akin.

"Eh sa mas maganda ka sa langit eh." sabi ko at namula na naman sya. Kaya natawa ako.

"So Ashron may kailangan ba akong malaman?" tanong nya sa akin. Ito na..

Forever With The Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon