Chapter 44

8K 214 20
                                    

Zac's POV




Tonight I'm with Janelle my labs. Nasa kalagitnaan kami ng dinner date namin nang tumawag ang magaling kong pinsan na nag-ngangalang Chase. Nakapa panira talaga ng moment ng lalaking ito. Tss.

Hindi na ako tumayo sa upuan ko dahil tinatamad ako tsaka ayaw kong iwan si Janelle. Kahit na sabihin mong sandali lang ay ayaw ko. Maraming lalaki dito sa restaurant ngayon and I don't want to see them near at my girl. Makakapatay ako ng maaga. Alam kong masyadong possessive pero bakit ba? Masama bang ipag damot ang akin? Hindi naman diba basta hindi sumosobra.

"Sino yan?" tanong ni Janelle sa akin.

"Si Chase, sasagutin ko ba?"

"Oo sagutin mo na at baka emergency or baka importante."

"You sure?"

"Yes.." sabi nya sa akin kaya wala akong nagawa at sinagot ko ang tawag. Hindi naman sa ayaw kong maka usap 'tong pinsan ko, ayaw ko lang na iniistorbo kami sa jowa time namin ni Janelle.

"Oh?" tanong ko sa kanya ng sagutin ko ang tawag.
"Bukas natin gagawin ang plano." sabi nya sa akin.

"Sige." sabi ko.

"Let's just meet after your dinner date with Janelle. I know that I disturb your moments so bye." sabi nya at pinatay na ang tawag. Buti alam nya.

"Oh tapos na agad? Ano bang pinag usapan nyo?" tanong ni Janelle.

Uhmm....

"He wants an advice para sa uhmm dadating nyang mission sa trabaho." pag sisinungaling ko. Sorry Janelle hindi ko kasi pwedeng sabihin sayo eh.

"Ohhh is that so?" tanong nya sa akin at tumango naman ako sa kanya.

Mag aalas otso pa lang nung matapos kaming kumain. Sabi ko sa kanya mamaya na kami umuwi dahil boring sa bahay. And baka sa mga susunod na araw ay gindi kami mag kita dahil busy kami sa mga works nanin.

Nag punta kami sa mga tindahan ng damit for girls.
"Baka mainip ka, pumunta ka na lang muna sa mga kung saang botiques dyan." sabi nya sa akin nang maka pasok kami doon.

"No. I want to stay. Kailan ba ako nainip sa mga lakad natin?" tanong ko sa kanya sabay akbay.

"Sige, ikaw ang bahala." sabi nya sa akin. Nauna na syang nag lakad sa akin para pumili ng mga damit. Mayaman din ang family nila halos kasing level lang din ng nga Villadomini. Pero hindi sila nag papatayo ng mga ospital. Ang ginagawa nila ay pag papatayo ng mga buildings.

Ako naman ay sumusunod lang sa kanya.

"Bagay ba sa akin?" tanong nya habang hawak ang isang color peach na dress na my nga flowers na design. Na hanggang taas ng tuhod nya.

"Bagay sayo pero hindi ba masyadong maiksi?" tanong ko. Lalo kasing nakaka attract kapag nag suot sya ng ganon. Baka mamaya may lumapit pa sa kanyang lalaki. Tss.

"Ano ka ba Zac? Style yan! At yan ang uso ngayon noh." sabi nya sa akin.

"Okay. Basta isusuot mo lang yan kapag kasama mo ako." sabi ko sa kanya.

"So possessive..." bulong nya at tumalikod sa akin.

"May sinasabi ka ba Janelle Villatorre?" tanong ko sa kanya.

Humarap sya sa akin at ngumiti ng matamis.

"Ako may sinasabi? Wala noh. Ikaw talaga, tara na nga." sabi nya sa akin.

"Good." sabi ko naman.

Maya-maya pa ay natapos nya sya sa pag iikot doon. Mga babae talaga sobrang hirap kasama sa pamimili. Iikot pa ng iikot. Inaamin ko nainip ako pero anong magagawa ko? Mahal ko sya eh.

Nang nasa cashier na kami ay akmang sya pa ang mag babayad ng mga damit nya.

"What are you doing?" tanong ko.

"Mag babayad syempre." sabi nya naman sa akin.

"Ako na ang mag babayad." sabi ko at inabot ang pera sa cashier.

"But..."

"No buts Janelle." sabi ko sa kanya. After ilagay nung cashier yung mga damit sa paper bag ay lumabas na kami doon.

"So tara na at bumili na tayo ng mga damit mo." sabi ni Janelle sa akin.

"Wag na ang dami-dami ko pang damit sa bahay." sabi ko sa kanya.

"Luh? Hindi naman pwedeng ako lang ang may bibilhin dito ngayon." sabi nya.

"No it's okay." sabi ko.

"Okay kung ayaw mo just wait for me here may titingnan lang ako sandali." sabi nya sa akun. Bago pa ako maka pag tanong kung saan sya pupunta ay nawala na sya. Yung babaeng yun talaga. Iniwan nya sa akin ang mga paper bag. Pinag titingin ako ng mga nandito sa mall but it's okay. Wala akong pake sa kanila.

After 15 minutes ay bumalik din sya at may bibit syang isang maliit na box.

"Ano yan?" tanong ko.

"Ah ito? Gift ko sayo. Thank you doon sa mga damit kanina." pag papasalamat nya sa akin.

"Nag abala ka pa. Pero thank you." sabi ko sa kanya at ngumiti. Nang buksan ko ang box ay isa iyong relo. Alam kong mamahalin ito. Alam nya na mahilig ako sa mga relo that's why she bought me this.

"You're always welcome." sabi nya at ngumiti sa akin.

"So let's go na? Lumalalim na ang gabi." sabi ko sa kanya at tumango naman sya bilang response.

Sumakay kami sa kotse ko samantalang yung ibinigay na relo naman ni Janelle sa akin ay suot ko na agad. Ang ganda kasi tapos ang ganda din ng nag bigay. Kung napapansin nyo we don't have any endearment. Ewan ko I find it cute when I call her by her name. At kailangan ba talaga yun sa isang relasyon? Hindi naman diba? Hindi naman sa tawagan nyo masusukat ang pag mamahal nyo sa isa't isa.

Ilang sandali pa ay naka uwi na kami. Bago kami mag kita ni Chase ay sinigurado ko munang tulog na sya. Baka kasi mag tanong sa akin kung saan ako pupunta, mahirap na.

Pumunta kami sa headquarters naming tatlo at naabutan ko doon si Chase.

"So what about tomorrow?" tanong ko sa kanya ako naman ay umupo sa upuan doon at kumuha ng tubig. I don't want to drink beer today.

"Papapuntahin natin ang ilan sa mga tauhan natin doon sa bahay nila ni Daze. I know the schedule ni Daze. I'm sure na wala sya sa bahay na iyon sa oras na dudukutin natin si Erthea. Gabi natin isasagawa ang plano. Alam kong hindi uuwi si Daze bukas dahil busy daw sya sa trabaho. Good for us." sabi nya at ako naman ay nakikinig lang.

"Yun lang ba ang plano? Eh saan natin dadalhin si Erthea?" tanong ko sa kanya.

"Dadalhin natin sya sa dati kong pinag dalhan sa kanya. Sa mundo ng mga tao." sabi nya.

"Ano sa mundo ng mga tao?" hindi maka paniwalang tanong ko sa kanya.

"Oo. At sa paaraang iyon ibibigay ni Ashron ang pinaka inaasam natin. Ang maging pinaka makapangyarihang pamilya dito sa Kasdeyatopia. At sa oras na iyon maibabalik ko ang nawalang yaman ng pamilya natin." sabi nya.

"Yun lang ba? Mauuna na ako." sabi ko sa kanya. Tumango sya sa akin bilang response.

Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa namin. Basta ang gusto ko kapayapaan sa pamilya namin. Kung ito ang way para doon gagawin ko.








Forever With The Vampire Where stories live. Discover now