Chapter 7

10K 356 13
                                    

Kaizer's POV

"Bumalik na si Cindy!!" sigaw nila.

Sana ganyan ang marinig ko. Hindi yung...

"Wala pa rin kaming balita..."

Tatlong taon eh. Tatlong taon na kaming nag hihintay at umaasa na babalik si Cindy. Pero ano na? Ano ba ang nangyari sa kabigan ko? Saan 'sya nag punta?. Hindi naman 'yun aalis ng walang paalam eh. Alam kong malaki na 'sya pero kasi umalis 'sya ng wala manlang sinsabing salita sa amin at tatlong taon na mula ng mawala 'sya.

•••••••••••••••••••••••••••••••

Narito ako ngayon sa mall kasama ang girlfriend ko. Meet Mika Trinidad. Yes, si Mika. Ang babaeng nakita ko sa isang resort noon. Hindi ko akalaing mag-kikita kami ulit.

-----FLASHBACK-----

Mag-isa akong nag-lalakad dito sa hallway. Pupunta sana ako sa canteen nang biglang may naka-sanggi sa akin. Muntik na 'syang madulas sa sahig buti na lang at nahawakan ko ang bewang 'nya.

Tinitigan ko ang babae... 'Sya 'yung wallpaper ko! Si Mika! Oh my god. Mag katapat ang aming mga mukha ngayon. At hindi ko mapigilang hindi 'sya titigan dahil sa ganda 'nya. Kahit ilang buwan pa lang ang nakakalipas simula ng una naming pag kikita walang nag bago sa kanya.

Nagulat ako nang bigla 'nyang inalis ang kamay ko sa bewang 'nya kaya naman dumiretso 'sya sa sahig.

"Fvck this life." mahinang sabi 'nya pero narinig ko pa rin. Sa kabila ng angel na mukha nito nag mumura pala sya. Grabe. Pero okay lang I don't care. 

"Ow let me help you." sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko pero imbis na kunin 'nya ay tinitigan 'nya lang itong saglit at tumayo.

"I don't need your help." sabi 'nya sa akin.

"Oh my! Saan kaba nag punta Mika? Kanina pa kita hinahanap!" sabi sa kanya ni... Sino nga itong babaeng ito? Si Hailey? Tama ba Hailey? Basta 'yun.

"Bumaba ako sa hagdan kasi akala ko ikaw 'yung babae pero hindi pala. Hanggang sa naligaw na ako." sabi ni Mika na halatang naiinis habang nag-pa-pagpag ng damit 'nya. Naka pants lang 'sya at off shoulder na damit na kulay maroon. Naka lugay din ang buhok 'nya kaya naman kitang-kita ang pag-kaka wavy ng buhok 'nya. Ang ganda 'nya. Sobra.

"Oh..." sabi ni Hailey? Sa akin nang mapansin 'nya akong nakatayo.

"You look familiar..." sabi 'nya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. 'Yung ngiting tinitilian ng mga babae sa hallway everytime na dadaan ako.

"Tss. Kala mo pogi." mahinang sabi ni Mika sa gilid ni Hailey. Napatingin ako sa kanya. Pero inirapan 'nya lang ako. Bumaling ulit ako kay Hailey.

"I'm Kaizer Santos. Ako 'yung nakita 'nyo noon sa resort sa may Batangas. Sa akin kayo nag patulong para mag hanap ng bangko doon sa area na iyon. Hailey, right?" pag papaliwanag ko sa kanya. Napatango-tango naman 'sya sa akin.

"Yep! Hailey. Ah ikaw! Kaya pala you look familiar." sabi 'nya sa akin at ngumiti rin.

"So bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila. 

"Mag aaral syampre. Tss." sabi na naman ni Mika. Kanina pa ito ah! Kung hindi ko lang ito mahal naku!

"Umayos ka nga Mika." saway sa kanya ni Hailey.

"Don't mind her. We just transferred here yesterday. Kaya ayun nandito kami." sabi 'nya. Kaya naman napatango ako.

"So uhmmm... Saan kayo pupunta ngayon?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Bakit ka nag tatanong?" tanong naman sa akin ni Mika. Nabigla ako sa tanong 'nya. Masama na bang mag tanong ngayon? Hindi ako na inform ah. Kung hindi ko lang gusto 'tong babaeng 'to kanina ko pa ito nasuntok. Hindi pala gusto, mahal pala. Simula nung makita ko 'sya sabi ko sa sarili ko. 'Sya na, 'sya ang babae para sa akin.

"Masama bang mag tanong?" sabi ko naman sa kanya kaya bahagya 'syang natahimik sabay irap sa akin at umiwas ng tingin. Nice one Santos!

"Hayst! Tara na nga! Punta na tayo sa room natin! Agang-aga may nuno akong nakikita!" sabi ni Mika kay Hailey. Nuno? Sinong nuno? Ako ba? May punso ba ako ha? May punso? Aba!

"Sinong nuno ha? Sino?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw!" sigaw 'nya sabay hila kay Hailey paalis sa lugar na kinatatayuan ko. Napatawa na lang ako ng mahina.

Sa susunod kapag sinabi mo ang salitang 'ikaw' sisiguraduhin kong may kasunod 'yun na 'gusto kita'.

Hindi na ako tumuloy sa canteen pumunta na lang ako sa room. Kahapon nga pala nakidnap si Cindy at ngayon kami mag-e-exam. Kaya naman ito ako mukhang pa petiks petiks lang pero hindi. Nag aral ako kaninang madaling araw kasi sabi sa google mas gumagana daw ang utak kapag madaling araw.







A/N:

Ang mga susunod na chapter ay mga POV ni Kaizer. Hayaan muna natin 'syang mag kwento ng kanyang lovelife. Sorry sa maikling update. Busy sa school eh. Tsaka galing po ako sa birthday-an, birthday po ng pinsan ko.

HAPPY 1ST BIRTHDAY IYAH! ♥

+++VOTE, COMMENT AND SHARE+++

Lablots!

-DARLINGBABE_22










Forever With The Vampire Where stories live. Discover now