Chapter 41

7.5K 321 23
                                    

Erthea's/Cindy's POV



Ilang araw na din ang nakalipas simula noong mangayari ang aksidente na naging dahilan para maalala kong muli ang lahat. Ilang araw ang nakalipas at wala akong ginawa kundi ang mag tanong ng mag tanong kay Cassandra kung ano ba kami ni Daze, kung ano ang tawagan namin, kung saan kami nag ka kilala, at marami pang iba. Marami din akong nalaman tungkol sa mga Villaroel.

At sa loob ng ilang araw na iyon hindi ko pa nakikita si Ashron. Miss ko na ang lalaking yun. Miss ko na yung mga ngiti nya, tawa nya, miss ko na ang lahat sa kanya. Imagine tatlong taon, tatlong taon kami nag kahiwalay.

Kasama ko sa kwarto ko ngayon si Cassandra sabi nya kasi sa akin may sasabihin daw syang importante sa akin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa sasabihin nya pero may part sa akin na excited sa sasabihin nya.

"Ano ba ang sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kanya. Kapwa kami naka upo sa kama ko at mag kaharapan kami.

Wala si Daze dito sa bahay namin ngayon kasi may trabaho sya. Mag tataka ng ako kay Cassandra eh, araw-araw na kasi syang nandito, hindi naman buong araw. Nag tataka ako kung paano sya nakaka pag paalam kay Chase. At yes kilala ko na yung tatlong Villaroel. Nakakatuwa si Zac para syang si Xander, si Chase naman parang si Harold at si Daze ay parang si Ashron.

Si Zac, sobrang kulit at madaldal, hindi nga ata sya nauubusan ng topic eh. Si Chase naman maingay din pero kapag ang seryoso ang usapan, seryoso din sya. Mukha lang syang masungit pero sobrang bait nya, mabait sya sa akin, sa amin. Si Daze naman napaka maalagang bampira. Sabihin na natin na mag kaugali sila ni Ashron.

"I think it's time for you and Ashron to meet each other after three years..." sabi ni Cassandra. Napa kurap-kurap ako sa sinabi nya. Totoo ba ito?

Walang sabi-sabi ay niyakap ko sya, sa sobrang saya ko. At nabigla naman sya sa ginawa ko.

"Thank you! Thank you Cassandra! Thank you for everything!" sabi ko sa kanya habang yakap-yakap ko sya. Ako na ang kumalas sa yakap naming dalawa.

Ngumiti sya sa akin, "Anything for you, best friend..." sabi nya at sabay kaming natawa.

"Best friend talaga ah, pero okay lang hahaha." at nag tawanan kami ulit.

"So anong oras kami mag kikita ni Ashron at saan?" tanong ko sa kanya.

"I think one pm kayo mag kikita. Secret muna kung saan..." sabi nya sa akin at ngumiti. Aba may pa thrill pa...

"Ay wow, talagang kailangan secret pa ah." sabi ko at tumawa ulit kami.

~Fast Forward~

Kakatapos ko lang mag ayos ng aking sarili. Kailangan maganda ako, dahil makikita ko ulit si Ashron! I'm so super duper mega excited! Habang nag aayos ako ay naka ngiti ako. Siguro kung may nakakakita sa akin ngayon nasabihan na nila akong baliw. Habang naliligo ako ay sumasayaw pa ako, muntik na nga akong madulas eh. Habang nag bibihis naman ay nakanta ako. Ito kasi talaga ang epekto ng isang Ashron Villacerlyn eh.

Nag suot ako ng dress na kulay blue na tamang-tama naman sa kutis ko. At naka flat shoes lang ako. Masyado namang bongga kapag nag heels pa ako diba? Tama na yung ganitong simple dahil kung masyado bongga baka sabihin ni Ashron na sabik na sabik ako sa kanya. Pero kyah! I can't calm! Naka clip lang ang buhok kobat hindi na ako nag abalang ikulot ang buhok ko. Dahil medyo kulot na naman ito. Nag lagay lang ako ng liptint at foundation at konting ayos-ayos lang ng peslak.... Charaannn!

Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Dali-dali ko itong binuksan at nakangiting sinalubong ko si Cassandra.

"Are you ready?" naka ngiti nyang tanong sa akin. Agad akong tumango sa kanya.

"Okay... Let's go!" masigla nyang bati. Aba mukhang mas excited pa itong babaeng ito sa akin ah.

Nakakapanibago ang suot nya ngayon dahil naka jeans lang sya at plain white t-shirt. Madalas kasi syang naka pambabae na damit, I mean yung kikay na mga damit. Pero kahit na ganito ang suot nya, bumagay pa rin sa kanya. At sa tingin ko nga ay malakas ang dating nya kapag ganito ang mga suot nya eh.

Sumakay kami sa kotse nya pero bago iyon ay piniringan nya muna ako dahil nga secret daw kung saan ang lugar. Itong babaeng ito ang daming alam sa buhay.

Mabilis mag maneho itong babaeng ito kaya agad kaming naka rating sa lugar kung saan kami mag kikita ni Ashron. Inalalayan nya ako pababa sa kotse at sa pag lalakad. Medyo madamo ah, yung totoo nasaan ba kami?

Bago ko alisin ang piring ko ay may sinabi sya sa akin.

"Maging masaya sana kayong dalawa ni Ashron... Una na ako ah, ikaw na mag alis nyang piring mo. Hahaha. Bye bye..." sabi nya at hindi ko na sya naramdaman pa sa likuran ko.

Unti-unti kong inalis ang piring ko at...

May tree house? Luminga-linga ako para hanapin si Cassandra pero wala na sya. Baka mali sya ng pinag dalhan sa akin. Tree house? Luh? Tumalikod ako sa tree house at luminga-linga pa rin at nag babaka sakaling makita ko si Cassandra. Pero walang ibang tao---bampira...

"Hey, love... Searching for me?" shet. That. Voice. Is... Si Ashron!

Agad akong lumingon sa kanya... At sa wakas... Nakita ko na ang lalaking nag papatibok ng puso ko... My love...

"Ashron..." sabi ko. Bigla ko syang niyakap at hindi ko alam ay tumulo na ang mga luha ko. I miss him!

"Ssshhh... Nandito na ako wag ka ng umiyak..." sabi nya sa akin habang naka yakap din sya sa akin at hinahalikan ang ulo ko...

"Ashron..." sabi ko pa ulit.

Iniharap nya ako sa kanya.

"Wag ka ng umiyak, love. Nandito na ako hindi ko na ulit hahayaang mawala ka sa akin. So stop crying na, nahihirapan ako everytime na umiiyak ka..." sabi nya sa akin. Tumango naman ako sa kanya.

"Oh sya tara na loob ng tree hiuse marami akong gustong sabihin sayo." sabi nya sa akin at pinunasan nya ang mga luhang nasa pisnge ko gamit ang mga kamay nya. Pag katapos nya gawin yun ay ngumiti sya sa akin. How I miss that smile. Ngumiti din sya sa akin.

Nabigla ako ng yakapin nya ako.

"Akala ko ba aakyat tayo sa tree house?" tanong ko sa kanya.

"Yes but please let me hug you..." sabi nya. Napangiti ako sa sinabi nya at niyakap ko din sya pabalik.

"I miss you so much love..." sabi nya sa akin sa pagitan ng mga yakap namin.

"I miss you too, my love..." sabi ko sa kanya. Hayyy... How I miss hugging him, hugging the person that I love.







•••••••••••••

Hi cuties! I just want to say sorry because of the late update. Please stay with me kahit ang tagal-tagal kong mag update. At sana naa-appriciate nyo lahat ng efforts ko dito sa story na ito. At sa tingin ko malapit na itong matapos. 12 chapters left plus the epilogue.

Thank for your support cuties!

-Darlingbabe_22

Forever With The Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon