Chapter 29

9.2K 274 29
                                    

Daze's POV




Kasama ko na ngayon sa bahay ang aking asawa na si Erthea. Kakauwi lang namin galing doon sa party. Narito ako sa kwarto namin, sya ay nasa cr at nag papalit ng damit. Kahit na mag-asawa kami hindi namin ginagawa ang kalimitang gingawa ng mag-asawa talaga. Dahil alam kong hindi pa sya handa at may respeto ako sa kanya.

Hinubad ko na ang suot kong tuxedo at nag palit ng boxer at t-shirt. Ganito ako kada gabi. Ayaw ko ng pajama dahil naiinitan ako. Si Erthea naman ang kalimitan nyang isinusuot kada matutulog kami ay pajama at long sleeve na damit.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng cr namin, hudyat na tapos na mag palit si Cindy este si Erthea. Tama nga ako, ganun ang suot nya.

"Oh hindi ba maliligo?" biglang tanong nya sa akin.

"Hindi na, pagod ako kaya bukas na lang. Tsaka mabango pa naman ako." sabi ko sa kanya na dahilan para matawa sya ng bahagya.
"Oh bakit ka natawa? Totoo naman ah mabango pa ako, amuyin mo pa ako." sabi ko sa kanya. Hinampas nya ako sa aking braso, natawa ako sa kanyang reaksyon.

Everytime na matutulog kami naliligo muna ako, eh dahil wala ako sa mood ko para maligo hindi ako liligo. Naligo naman ako kanina kaya ayos lang. Isa pa pagod din ako.

"Oh sya tutulog na ako, pagod ako eh. Ikaw pagod ka din diba?" sabi nya sa akin. Umupo ako sa gilid ng kama kung saan sya nakahiga ngayon.

"Mamaya na ako tutulog may gagawin pa akong business eh." sabi ko sa kanya at inalis ang ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang mukha.

"Hindi ba pwedeng bukas na yan? *pout*." tanong nya pa sa akin sabay pa-cute.

"Stop pouting." sabi ko sa kanya.

"Why? Kasi hindi ako cute, ganon?" biglang sabi nya sa akin. At tila nag tatampo sya.

"Ikaw talaga, alam mo namang ikaw lang ang babaeng pinaka-cute para sa akin diba? Kaya ko sinabi na stop pouting kasi kapag nag pa-pout ka hindi ko mapogilan yung sarili ko na yakapin ka." pag papaliwanag ko sa kanya. Bigla syang ngumiti sa akin.

"Talaga?" paninigurado nya pa sa akin.

"Oo naman." sabi ko.

"Oh sya tutulog na ako. Pero ikaw ha, 'wag papapuyat masyado. Tapusin mo agad para makatulog kana ng maaga, okay?" sabi nya sa akin. Ngumiti ako at pinisil ang ilong nya.

"Oo na po." sabi ko sa kanya. "Sleep tight, darling. I love you." sabi ko at humalik sa noo nya.

"I love you too." sabi nya at ngumiti sa akin.

Maya-maya pa ay umalis na ako doon sa kwarto namin. Nag stay muna ako sa sala namin bago tuluyang umalis. Pupunta ako sa hide-out naming tatlo ng mga pinsan ko. Ako ang nag papunta sa kanila doon at alam ko naman na alam nila ang dahilan kung bakit ko sila pinapunta doon. Isang bahay na may kalapitan sa mansyon naming mga Villaroel.

Hindi ko talaga gusto everytime na nag-sisinungaling ako sa asawa ko. Pero dahil kailangan ginagawa ko, para din naman sa kanya yun eh. Para sa ikabubuti nya.

Kanina hindi ko lang ipinapahalata na nag-seselos ako habang nag sasayaw sila ni Ashron sa party. Dapat ako yun. Simula noong nakipagpaligsahan sa akin si Ashron sa pera, kumpyansa ako na ako ang mananalo. Yung 1 Billion nya? Kayang-kaya ko 'yong tapatan. Ipinaubaya ko lamang sya sa kanya. Nakakaawa din naman si Ashron dahil sigurado akong iyon na ang huling beses na maisasayaw nya si Erthea. Sisisguraduhin kong wala ng susunod dahil akin si Erthea, akin lang.

Sakay ako sa aking kotse patungo sa hide-out namin nang biglang mag-ring ang aking cellphone, tiningnan ko ito at si Chase pala ang tumatawag. Sinagot ko ang tawag nya.

Forever With The Vampire Where stories live. Discover now