Chapter 9

10K 396 36
                                    

Cindy's POV

Nagising ako sa biglang pag sakit ng ulo ko.

Sino 'sya? Bakit sya lagi ang laman ng mga panaginip ko?

Bakit??


Ashron's POV

Narito na kami ngayon sa loob ng mansyon namin sa Kasdeyatopia.

"Welcome back!" bati sa amin ng mga magulang namin sabay yakap sa aming tatlo ngayon.

"Ohhhh! Masaya ako na nakabalik na kayong muli dito sa Kasdeyatopia mula sa mundo ng mga tao." sabi ni mama sa akin habang nakayakap.

"Welcome back son." sabi naman ni papa sa akin sabay yakap din sa akin.

"Thank you mama at papa." sabi ko naman sa kanila.

Pagkatapos ng nangyaring yakapan na iyon ay luminga-linga ako sa paligid. Napansin kong nawala na ang dalawa kong pinsan kasabay ng kanilang mga magulang. Siguro ay umakyat na sa mga kwarto nila.


"So anong nangyari sa inyo sa mundo ng mga tao?" tanong ni mama sa amin habang naka upo kami sa sofa.

"Wala naman mama." sabi ko naman.

Sa mga oras na ito si Cindy parin ang laman ng utak ko. Kahit na narito na ako kasama ang mga magulang ko. Inaalala ko parin si Cindy. Kahit kailan naman ay hindi sya nawala sa isip ko.

Maya-maya pa ay nag paalam ako na mag papahinga muna akong saglit sa kwarto ko kaya naman agad akong umakyat sa kwarto ko. Pag pasok ko doon ay nakita kong malinis ang loob nito at walang nag-bago. Amoy mo rin ang bango sa loob. Na kahit wala ako ay inaalagaan pa rin itong kwarto ko. Kasing laki sya ng apartment ni Cindy sa totoo lang kaya ang lawak ng galawan ko dito. Puro black and white ang motif ng kwarto ko, pagdating sa mga unan, kumot, mga furniture pati cr ko ay ganun rin. Ayaw ko ng purong puti dahil masyadong walang dating para sa akin. Ayaw ko rin naman ng purong black dahil sobrang dilim naman, kaya pinag halo ko na lamang. Umupo ako sa kama ko at nidial ang number ni Duke. Hindi naman gaanong mahaba ang byahe namin. Tamang teleport lang nandito na kami. Sa mundo ng mga tao hindi gaanong malakas ang ganito naming kapangyarihan kaya naman noong malapit na kami dito ay tsaka namin nagawa ng tuluyan ang aming pag teteleport.

"Yes?" tanong nya sa akin nang sagutin nya ang tawag.

"May balita na ba ulit?" tanong ko sa kanya.

"Wala pa rin naman. Sige tatawagan na lang kita if ever meron na busy ako ngayon. Bye." sabi nya at pinatay ang tawag.

Maya-maya pa ay dinalaw ako ng antok kqya naman nakatulog ako.

















Nagising ako sa bahagyang pag tunig ng cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha dahil baka si Duke ito pero hindi pala. Alarm lang. In-alarm ko ang cellphone ko kanina bago matulog. Bahagya akong umupo sa kama ko at sumandal sa headboard.

May narinig akong kumatok sa pintuan ko. At bumukas ito bigla. Nakita ko ang isa naming maid. Bahagya muna syang yumuko sa akin bago nag salita.

"Magandang hapon po prinsepe, pinatatawag po kayo ng Hari sa kanyang opisina ngayon." sabi nya sa akin at nakayuko parin.

"Bakit daw?" tanong ko naman sa kanya.

"Hindi po nya sinabi sa akin." sabi naman nya.

"Sige sabihin mo susunod na ako." sabi ko sa kanya at binalik ko ang tingin ko sa aking cellphone na si Cindy ang wallpaper.

"Sige po." sabi nung maid at tuluyan nang umalis sa kwarto ko.

Nag palit muna ako ng jeans at white t-shirt na plain at tuluyan nang lumabas sa kawarto ko. 

Nasa harapan ako ng opisina si papa at kumatok muna ako rito.

"Ashron?" tanong nya mula sa loob ng opisina nya at sumagot naman ako.
"Pasok." sabi nya kaya naman tuluyan ko nang binuksan ang pintuan.

Tumambad sa akin ang oraganisadong mga kagamitan ni papa sa loob. Pag dating sa mga oag aayos ng gamit sya ang iniidulo ko. Gusto nya lagi maayos ang gamit nya. Ayaw nya na nagugulo ito at kung magugulo naman ito ipapaayos nya agad. Pero sa tingin ko medyo hindi ko nakuha ang ganito nyang ugali dahil kita nyo naman sa mundi ng nga tao may pagka-clumsy ako ng kaunti at pagka-balahura.

"Bakit nyo po ako pinatatawag?" tanong ko sa kanya ng makaupo ako sa upuan na malapit sa kanya.

Hindi naman ganoong katandang tingnan ang ama ko kahit mahigit isang daan na ang edad nya. Halos lahat ng features ko sa mukha ko ay galing sa kanya. Tanging mata ko lang ata ang nakuha ko sa nanay ko.

"Ano ang nangyari sa inyong mag pipinsan sa mundo ng mga tao? Tatlong taon kayong namalagi doon kung hindi ako nag kakamali." sabi nya sa akin. Ako naman ay nag isip muna sandali. Ayaw ko munang sabihin na para sa babaeng mahal ko dahil baka masigawan nya ako. Simula noong umayaw ako sa kasal namin ni Chandy ay tila lumamig ng kaunti ang pakikitungo nya sa akin.

"Wala naman po." sabi ko aa kanya. Parang ewan yung sagot ko. Biruin mo tatlong taon ako sa mundo ng mga tao tapos wala gaanong nangyari? Wow.

"Pinasundan ka namin ng papa mo sa mga tauhan nya." sabi naman ni mama na biglang pumasok sa kwarto ng papa ko.

"Pinasundan?" tanong ko. Bakit hindi ko ramdam na may mga bampirang naka paligid sa akin?.

"Hindi naman sila mga bampira. Mga tao sila." sabi ni papa na tila nabasa ang iniisip ko.

"Bakit nyo naman ako pinasundan?" tanong ko ulit? Umupo si mama sa tabi ni papa at ngayon para akong sinesermonan ng magulang ko dahil naka sapak ako ng kaklase ko. Parang lang naman.

"Wala lang naman. Gusto lang namin." sabi ni mama. Eh?

"Balita ko may nililigawan ka? At sino naman itong babaeng ito?" tanong ni papa sa akin. Ito ang ayaw ko eh. Kinakabahan tuloy ako. Baka kung ano ang sabihin nila kay Cindy.

"Ah... Iyon...." paputol-putol kong sabi.

"Huwag kang mag alala hindi ka namin pagagalitan na umibig ka sa tao." sabi ni mama sa akin. Halos ilang segundo din akong napatitig kay mama sa sinabi nya. Seryoso? Hindi sila galit?

"Sa totoo nga niyan anak gusto kong sabihin sayo na gusto kong makilala ang babaeng ito ngayon. Upang sabihin sa kanya na napaka swerte nya dahil nagustuhan mo sya." sabi ni papa. Ngumiti ito sa akin at ngumiti rin naman ako sa kanya.

"Salamat papa... Pero kasi ang babaeng iyon ay wala." sabi ko at bahagyang tumungo.

"Anong ibigsabihin mong wala?" tanong ni mama sa akin.

"Tatlong taon.... Sa looob ng tatlong taon na iyon hinahanap ko sya. Hindi sya nag paalam manlang kung saan sya pupunta. Tatlong taon akong nag hihintay sa kanya." sabi ko. Bigla kong naramdaman ang pag haplos ng aking in asa aking likuran.

"Sorry to hear that." sabi nya sa akin at bahagya langa kong tumango.

"Base sa nakikita ko ngayon, mahal na mahal mo ang babaeng iyon. Sa tingin mo sya na ba?" tanong ni papa sa akin. Tumango ako sa kanya.

"Sige bumalik ka na lang muna ulit sa kwarto mo o kaya ay mag gala-gala muna kayong mag pipinsan dito sa Kasdeyatopia pero siguraduhin nyong babalik kayo bago tayo mag hapunan." sabi ni mama at sa akin. Nag paalam ako sa kanila na lalabas na ako.














A/N:

Uwuuuuuuu! Sorry sa dalawang araw na walang update naging sobrang busy po kasi ako sa mga PT ko sa school ganern. Sorry....

Btw, thank you sa 200+ reads at 50+ votes! Godbless sa inyo! Lablab!

+++VOTE, COMMENT AND SHARE+++

-DARLINGBABE_22










Forever With The Vampire Where stories live. Discover now