Chapter 18

8.7K 330 24
                                    

Harold's POV

N

gayon ay mag kakasama na kaming tatlo dito sa garden ng mansion. Hindi na ito bago sa akin----amin, dahil nung mga bata pa lang kami ito na ang lugar na tinatambayan namin except sa mga kwarto namin at doon sa tree house namin.


Si Ashron ay nakain ng carbonara, ayaw nya daw sa loob kumain kaya dito nya kami niyaya. Si Xander naman ayun busy sa cellphone nya. Maybe ka text nya si Xands?

Speaking of Xands and Xander. Sinong mag aakala na mag se-seryoso si Xander kay Xands? Sa pag kakaalam ko isa si Xander sa mga naturingang chic-boy dito sa buong Kasdeyatopia. Yes, tama sa buong Kasdeyatopia. Nung nandoon kami sa mundo ng mga tao halos parang may napapansin na rin ako sa kanikang dalawa. Knowing Xander, hindi sya kailanman naging torpe sa babae. Pero what happened? Naging torpe sya kay Xands. Ewan ko ba. So weird. Unang babae na sineryoso ng pinsan ko ay si Xands.

Si Ashron mayroong Cindy at si Xander mayroong Xands. Sino ang meron ako? Hindi naman sa pagmamayabang, pero karapat-dapat naman talagang ipagmayabang. Gwapo ako, mabait ako, ideal man/ ideal boyfriend naman ako, gentleman naman ako, pero bakit? Bakit wala akong jowa? Nakakainis lang.

Imagine yung ibang babae, nag kakandarapa sa lalaking gwapo nga, iiwan din naman sila sa huli. Sa mga tao ganun. Kapag mahal nila yung isang tao, kinikilig pa rin sila kahit niloloko na sila. Ako naman, dahil nga gwapo ako, pinipilahan din ako ng mga babae. Pero ewan ko ba... Masyado ko atang minahal yung past ko at hindi ako maka move on. Or maybe wala akong mapili sa kanila? Hayst ewan.

"Ano na may balita ba kayo kay Cindy?" tanong bigla si Ashron sa amin. After nyang sabihin yun, na freeze ako. Like, oh my god. Si Cindy ba talaga yun?


"Wala eh. Ikaw Harold?" sabi ni Xander sa akin.

Anong sasabihin ko?


Paano na? Sasabihin ko na ba? Pero kasi hindi pa ako sure!

"Hey." sabi sa akin ni Ashron at bumalik naman ako sa katinuan ko.

"H-Huh?" tanong ko sa kanila.

"Sabi ko kung may balita ka kay Cindy." sabi ni Ashron.

"Ah wala rin eh." sabi ko sa kanya.


"Yung totoo? Bangag ka talaga ngayon Harold. Ano bang nangyari sayo? Kanina ka pang ganyan" sabi ni Xander sa akin at bahagya munang ibinaba ang cellphone nya. 

"What do you mean? Bangag?" naguguluhang tanong ni Ashron sa amin.


"Nababaliw, natatanga, mga ganun." sabi ni Xander na parang wala lang sa kanya yung sinabi nya.


Like, parang kanina pa syang ganyan.


"Like, ang sama mo sa akin." sabi ko sa kanya.


Tumingin sya sa akin.

"Harold? No. Hell no. Please Harold no." sabi ni Xander. Yung mukha ko parang naguguluhan na ewan.


"Ano nangyari sayo?" tanong ko sa kanya.


"Bakla ka ba Harold?!?!" sabi nya sa akin.


"Wait, what th---"


"Kaya ka ba mukhang bangag kanina?! Ano na? Bakit ka bumigay?! Alam ko namang walang jowa pero bakit kailangan mong bumigay?!" tanong nya sa akin. Ano bang pinag sasasabi nito. Like para na syang baliw.


"Ano ban-----"


"Answer me, Harold! Bakla ka ba?!" tanong nya ulit sa akin.


"Ano bang nang----"


"Harold! Sumagot ka!"


"Putek! Paano ako sasagot kung palagi mong pinuputol ang mga sasabihin ko?! Anong bakla? Ako? Baliw ka ba? Hindi porket wala akong jowa bakla na ako! Gago ka!" sabi ko sa kanya.


"Teka! Teka! Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" tanong sa amin ng ugok na naguguluhan, si Ashron.



"Kanina kasi, umuwi sya ng bangag as in bangag talaga at hindi makausap ng matino. Tapos nagyon sasabihin nya 'Like, ang sama mo sa akin' pinsan bumigay na sya." tila nang hihinang sabi ni Xander. May pahawak pa sya sa dibdib nya at umaaktong nasasaktan. Luh? Para syang baliw. Palagi naman ih. Real talk.




"Anong bakla?" tanong ni Ashron.




"Hindi ako bakla. Mga baliw lang talaga kayo." sabi ko sa kanila.


"Pero bakit wala ka paring girlfriend kung ganon?" tanong ni Ashron. Ay isa pa itong lalaking ito.



"So kapag walang girlfriend ang lalaki bakla? Hindi ba pwedeng nag hihintay lang sya ng the one nya?" sabi ko sa kanila at hindi sila naka sagot.


"Or maybe umaasa parin sya na babalikan sya ng ex nya?" tila nang aasar na sagot ni Ashron sa akin.


"Baliw, hindi noh." sabi ko naman.


"Bakit parang ang defensive mo? Sinabi ko bang ikaw yun?" tanong naman nya ulit.


"Tsh." sabi ko.



"Pero hindi ka talaga bakla?" tanong na naman ni Xander.


"Putek naman Xander oh! Kahit mag kakatabi tayong matulog hindi ako bakla!" sabi ko sa kanya.


"Sure yan ha." sabi nya.


"Hahambalusin kita dyan, wag kang tumigil." sabi ko sa kanya at tumahimik naman sya.









A/N:

Sino yung ex ni Harold?

Vote, comment and Share. Feel free to comment para malaman ko kung ano ang iniisip nyo tungkol sa chapter na ito. Thank you sa inyo!

Lablotssss!

-DARLINGBABE_22




Forever With The Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon