Chapter 38

7.6K 228 7
                                    

Erthea's/Cindy's POV



"Bakit ko sya naging asawa?" tanong ko kay Cassandra.

"Hindi ko rin alam, basta ang alam ko pag dating ko dito asawa kana nya. Sa totoo lang close tayong dalawa, sobra. Sayo ako nag lalabas ng sama ng loob at ganun ka din sa akin. Sorry hindi ko alam ah." sabi nya sa akin. At bahagya syang tumungo.

"Okay lang noh. Atleast may nakakaintidi sa akin dito." tumunghay sya at tipid na ngumiti sa akin.

"May tanong ka pa ba? Or gusto mo nang mag pahinga?" tanong nya sa akin.

"Uhmmm kailan ko pwedeng makausap si Ashron?" tanong ko sa kanya.

Kasi miss na miss ko na yung lalaking yun. Pakiramdam ko sobrang tagal naming nag kahiwalay.

"Hindi ko pa alam. Pero sasabihan kita kapag pwede na. Hindi kasi tayo pwedeng mag padalos-dalos dahil baka mahuli nila tayo." sabi nya sa akin. Kaya naman tumango-tango ako sa kanya.

"Basta Erthea este Cindy, gawin mo lang yung ipinapagawa ko sayo habang hindi pa kayo nag kikita ni Ashron. Dahil sigurado akong kapag nakita ka ni Ashron siguradong kukunin ka nya kay Daze. At lalo na kapag alam nyang may naaalala kana." sabi nya sa akin.

"Oo."

"Kasi nung nag punta tayo sa party dito sa Kasdeyatopia nag kita kayong dalawa. Pero dahil wala kang maalala hindi mo sya kilala. Alam ko sa mga tingin sayo ni Ashron nung mga panahaon na yon na gusto ka nyang kunin mula kay Daze." kwento pa nya sa akin.

"May nagawa ba akong masama sa kanya noon?" tanong ko.

"Sabi mo sa kanya 'Staring is rude, mister.' nung tinitigan ka nya." sabi ni Cassandra.

"Nagawa ko yon?" tanong ko. At tumango naman sya.

Nasaktan ko kaya ng sobra si Ashron sa sinabi ko sa kanya nung party na 'yon?

"Don't worry, hindi nun makakayang magalit sayo." sabi ni Cassandra sa akin sabay ngiti. Nabasa nya ba ang nasa isip ko?
"No. Hindi ko kayang mag basa ng isip." sabi nya pa.

"Eh bakit parang alam mo kung ano ang nasa isip ko?" tanong ko sa kanya.

"Halata sa mukha mo kung ano ang nasa isip mo." sabi nya. Ganun ba ka-halata? Eh?

Silence.

Ilang minuto siguro kaming tahimik. Kapwa may iniisip.

"Sige na mag pahinga kana. Bukas na lang ulit." sabi sa akin ni Cassandra.

"Okay, ikaw din." sabi ko sa kanya, sya naman ay tumango sa akin at ngumiti ng bahagya.

Humiga na ako sa kama ko samantalang si Cassandra naman ay sa sofa nakahiga. Gusto ko sana syang alukin na hati kami dito sa kama ko dahil malaki naman ito at kasya ang dalawang tao este isang tao at isang bampira pala. Kaso nahihiya ako sa kanya. Feeling masyado nya akong kilala tapos ako naman ito ngayon lang nakaalala ulit. Hays.

Kamusta na kaya sina Ashron? Sina Xander at Harold? Siguro maayos naman silang lahat. Miss kona sina Alex, Xands, Kaizer, at Andrei. Syempre pati yung tqtlong bampira.

Hindi ko namalayan makatulog na ako.






Xander's POV

"Oy Xander ibi----"

"Wag mo akong kausapin. Humanap ka ng kausap mo." sabi ko kay Harold nang akma nya akong uutusan na bumili ng kung ano-ano.

"Sungit ah. Problema mo?" tanong nya sa akin.

Forever With The Vampire Where stories live. Discover now