ONE

9.3K 197 9
                                    

A/N: Warning, medyo cliche po, pero sana magustuhan nyo pa din. :)

"Pasensya ka na Nina. At sa ganitong trabaho lang kita naipasok" iniabot ng matandang babae ang mop at iba pang panlinis na nakaipon sa lagayan.

"Nak, Nanay Meling naman. Nagpapasalamat nga po ako at naipasok nyo pa ko kahit janitress. Wala naman ho kasi akong natapos," tinapos ni Nina ang pagsuot sa asul na unipormeng una nang naibigay sa kanya kanina ni Nanay Meling at inabot ang mga panlinis.

"O sya, alam mo na kung saang palapag ka naka-assign diba?"

"Opo, Nay. Salamat po."

"Sige at mauna na ako. Matatapos na ang break kailangan kong linisin yung canteen," at lumabas na ang matanda mula sa kwartong mistulang locker nilang mga janitress.

Nakabassign siya sa 14th floor. Ang accounting department ng building na iyon. Malaki ang pasasalamat niya kay Nanay Meling at natulungan siya nito magkatrabaho lalo na ngayon na kailangan na kailangan niya ng pera para kay Jion.

Ayon kay Nanay Meling, ang building na iyon ay pag-aari ni Edward Lai, isang milyonaryong Taiwanese na may malalaking business internationally. Sa hindi nya malaman na dahilan, ay parang pamilyar sa kanya ang pangalang iyon, kahit alam niyang hindi niya kilala ang taong iyon. Iba- iba ang negosyo ng Edward Lai na ito, at sa ngayon, ang building na iyon ay nakafocus sa pagiimprenta ng mga libro at dini-distribute iyon sa ibat-ibang parte ng bansa.

Agad siyang sumakay ng elevator at pinindot ang buton na may nakalagay na 14. Mag isa lamang siya doon. Ngunit tumigil ang elevator sa 10th floor at sumakay ang ilang babae at kalalakihan, kaya naman sumiksik siya sa sulok.

"Sayang naman 'no, maganda pa naman."

"Janitress pre e. Kahit maganda, may taste din naman ako sa status sa buhay."

"Mukha siyang hindi janitress."

"Tama ka dyan girl. Inggit ako sa kutis, hay."

Hindi niya alam kung bulong ba iyon dahil rinig na rinig niya. At hindi siya ganun katanga para hindi marealize na siya ang pinag uusapan ng mga ito.

Nang tumigil ang elevator sa 12th floor ay halos sabay sabay din na lumabas ang mga tao sa elevator. Kaya sya na lamang ang naiwan doon. Napahinga siya ng maluwag. Mas gusto nya iyon. Walang bulong-bulungan.

Nang makadating siya sa palapag kung saan siya nakaassign, agad niyang minop ang sahig. Nasa kalagitnaan siya ng paglilinis nang tumunog ang kanyang cellphone.

***

"What the fuck is wrong with you, Giovanni?!" Bakas na bakas sa mukha ni Edward ang galit dahil sa sinabi ng kaibigan. Alam niyang wala na itong paki sa pagpapatakbo ng kumpanya dahil in the first place, sobrang yaman na nito to the point na di na nito kailangang gumalaw para kumita ng pera.

But they are chains of companies. At wala itong magagawa kundi hawakan muna ang business nilang magkakaibigan dahil kailangan nyang habulin si Remi, his one great love.

Ngunit ayaw ng walang hiya niyang kaibigan. Giit nito, he is too lazy to move! For pete's sake! Napahilamos na lang siya gamit ang kamay niya.

Kung may choice lang siya, si Creig na lang ang tatawagin nya, o si Jameson o si Mirkov. Pero si Creig na ang nagma-manage ng Hotel and Restaurant business nila, si Jameson naman sa Automotive at si Mirkov sa cruise ships. May sari-sarili din naman silang business, but they decided to build a partnership. That's why they all both have the right to call each other in times of need, especially in managing their chain.

At itong si Giovanni, ang pwede na lang niyang hingian ng tulong, ayaw pa nito! What a fucker. Napabuntong-hininga na lang siya. Alam din naman niya kung bakit nagkaganito ito.

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Where stories live. Discover now