NINE

5.6K 139 6
                                    

Hinila siya ni Gio patungo sa bungalow. Hindi niya mapigilang mapatingin sa paligid nang dumaan sila sa wooden bridge. It's really a paradise, a hidden one. Saglit pa silang nagkatawanan nang matisod siya sa one-stepped stair na nasa harap ng pinto.

"Careful," inalalayan siya ni Gio.

"Sorry, hindi ko napansin na may hagdan. Ang ganda kasi dito." They stepped into the house. Napakaaliwalas noon. Ang mga furniture ay gawa sa rattan at narra. Maging ang sofa. Nilagyan lamang iyon ng kutson at mga throw pillow. Hindi din nagkulang sa kurtina ang mga bintana, iwinawasiwas pa iyon ng malamig na hangin na nanggagaling sa labas.

It's like a vacation house.

"Pasok ka," napatingin siya kay Gio at pagkatapos ay sa basang dress niya na tumutulo na sa wooden floor ng bahay.

"Ahm, kasi basa yung damit ko," she said.

"It's okay, I'll just clean the floor," hinatak siya ng binata patungo sa banyo na nasa may kitchen. "Go fix yourself. I'll just dry the floor," tumango tango siya bago tuluyang isinara ang pinto ng banyo.

Hinubad niya ang kaniyang heels pati ang above-the-knee navy blue dress na suot niya. Basang-basa iyon dahil sa falls na dinaanan nila kanina. At nanginginig na siya sa lamig. Baka magka-pneumonia pa sya pag binabad niya ang katawan niya doon. She took off even her undergarments. Inilagay niyang lahat iyon sa nakita niyang hanger at isinampay sa likod ng pinto ng banyo. At doon niya lang narealize ang kaniyang ginawa.

Shit. Wala nga pala akong ibang isusuot. What should I do?

Minutes passed ngunit hindi niya malaman ang gagawin. Nilalamig na din siya. Kumuha siya ng isang malinis na towel na nakalagay sa basket at ibinalot ang katawan niya doon.

Should I call Gio?

Nasa ganoong pag-iisip siya nang marinig niya ang mahihinang katok mula sa pinto.

"Annina? You okay? Kanina ka pa diyan. I'm worried na baka nakatulog ka," she sighed. No options left. Marahan niyang binuksan ang pinto ng banyo. Nakita niya si Gio na nakataas pa ang kamay sa ere na akmang kakatok uli sa pinto. Bumaba ang tingin nito sa katawan niyang nakabalot sa tuwalya. Ramdam niya ang pag-akyat ng kaniyang dugo patungo sa kaniyang mukha. Ilang segundo pa silang nagkatitigan.

"Ahm," siya ang unang bumasag ng katahimikan. "Wala kasi akong ibang masusuot. I wonder kung meron ka diyang pwedeng ipahiram sakin?"

"I.." napakamot si Gio sa batok. Pulang pula ang tenga ng binata. Gusto niyang matawa doon, ngunit pinigilan niya. Baka mawala ito bigla sa mood. Mahirap na. "I'll- ahm, I'll go get you some," nagpatango tango siya dito. "Wait for me." Tumalikod na ang binata at siya naman ay isinara na uli ang pinto.

Ilang minuto ang nakalipas, mulinh kumatok si Gio. "Annina? I got some clothes for you," marahan niyang binuksan ang pinto. Kinuha niya ang damit na ibinibigay ng binata at sinipat iyon. Malaking tshirt iyon, boxer at pajamas na sa tingin niya ay pag-aaring lahat ng binata. Itinaas niya ang kulay asul na boxer nito. Gusto niyang matawa dahil may mga kunehong design iyon. "Really? Bunny huh," she teased him.

Hindi naman iyon pinansin ng binata. Pero lalong namula ang tenga nito. "I'm sorry. I don't have any women's clothes here. I-- I don't bring girls here in my secret sanctuary. Don't worry all of them are clean." Sabi nito at tinalikuran na siya.

"Ang bango na boxers mo!" sigaw niya bago tuluyang isinara ang pinto. Narinig pa niya ang pagsigaw nito ng "Perverted lady," na ikinatawa niya.

Lumabas siya ng banyo pagkatapos magbihis. Pero dahil hindi siya sanay na walang pangtaas na undergarment ay kinuha niya ang suot na pantaas na pangloob kanina, kinusot iyon, at dumiretso sa nag-iisang kwartong nakita niya doon. Pagpasok ni Annina sa kwarto, kinuha niya ang blower doon at tinuyo ang nilabhang pantaas na panloob.

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Where stories live. Discover now