EPILOGUE

9.4K 246 56
                                    

A/N: Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa Giovanni's Anni. Lalo na sa mga nagko-comment at nagbo-vote every chapter. Talagang kayo ang naging motivation ko. Sana suportahan niyo pa ang mga susunod na book ng Erasthai Series.

Erasthai Series Book 2 would be the story of Jameson Ramirez and Idelaide Famini. Sana magustuhan din ninyo iyon.

This will be the last chapter of Giovanni's Anni. ENJOOYY! ❤️❤️❤️ and please feel free to leave your comments and suggestions.

"You bitch! You're a fucker! Leave the fuck Nemo alone!" galit na pinagsisipa ni Gio ang malaking telebisyon. "Die, bitch! Die!" Tuluyan nang nasira ang telebisyon dahil sa lakas ng pagsipa doon ni Gio.

Natatawang niyakap ni Annina ang nagmamaktol na asawa mula sa likuran. Ramdam niya ang pagtaas baba ng dibdib nito sa sobrang galit.

"I hate her! I so fucking her!" naiiritang bulong nito.

"No cussing, mahal," binuntutan niya iyon ng tawa.

It's been six months magmula nang magpakasal sila. Maayos naman na ang lahat, well, hindi pala lahat. Dahil kasalukuyang wala sa sarili ang Kuya Jamie niya. Paano ay pinagtaguan ito ni Ide. But she know Ide, hindi naman ito aalis kung hindi ito nasaktan. Buti nga sa kuya niyang babaero. Hindi niya sasabihin dito kung nasaan si Ide unless natuto na ito ng leksiyon niya.

Katatapos lamang nila kumain ng hapunan at niyaya niya itong manood ng Nemo. Galit na galit ang asawa niya kay Darla, ang batang naka-braces na fish killer kaya heto at inaalo niya ito.

Humarap sa kaniya ang asawa at hinapit ang bewang niya. Ipinatong nito ang ulo sa balikat niya. "I want to kill her. She's a very bad girl."

"I know. I know," hinagod niya ang likod nito.

"I love you, my Anni," bulong nito.

She smiled. "I love you too, Gio."

Sinapo nito ang mukha niya at inilapit ang labi nito sa labi niya. Napapikit siya sa sensasyong dulot noon. Humigpit ang yakap niya sa bewang ng asawa.

At nang maghiwalay ang mga labi nila, they both have a satisfied smile on their lips.

"Mamay, Tatay? Anong nangyayari?" kinusot kusot ni Jewel ang mata. Hatak hatak nito ang malaking unan at kalalabas lamang ng kuwarto. "Bakit ang ingay?" umupo ito sa sofa bitbit ang unan.

Umupo sila sa sofa at tinabihan ito. "Dapat tulog ka pa, anak. Nagpapatangkad ka tsaka maaga pa tayong aalis bukas, remember?"

"You're Mamay is right, baby." Yumakap si Jewel kay Gio. Bukas ay pupunta sila sa Batangas para dalawin si Mommy Geneva at syempre ang Mommy Bellen at Daddy James niya.

"Nagising ako kasi kasi maingay, Mamay," nagkatinginan sila ni Gio.

"Not my fault, anak," agad na sabi niya.

"Not mine, either." Umiling- iling pa si Gio.

"E sinong nagbasag na naman ng t.v.?" nabaling ang tingin nila kay Jion. Pupungas- pungas itong kumanlong kay Annina. Mama's boy pa din talaga. "Tatay, don't tell me, nanood ka na naman ng malungkot na movie tapos nagalit ka sa kalaban."

Umiwas ng tingin ang asawa niya at nagpasipol- sipol. Natawa siya doon.

"Tatay, tatlong beses mo nang nasisira ang t.v. Yung una ay noong nanood kayo ni Mamay ng pixar movie na Up, at nainis ka kay Charles at sa mga aso nito. Yung pangalawa ay noong nanood kayo ng Rapunzel. Tatay, binato mo lang naman ng vase yung tv dahil nairita ka sa step-mother niya. At yung pangatlo ay ngayon."

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Where stories live. Discover now