TWENTY SIX

6.4K 140 9
                                    

Nagising si Annina sa puting puting paligid. Ibinangon niya ang kalahati ng katawan at inilibot ang tingin niya. Dumako iyon sa babaeng nakayukyok sa gilid ng kama niya.

Hinaplos niya ang ang buhok nito at hindi nakatakas ang iilang butil ng luha sa mga mata niya.

Tila nagising naman ang babae. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. Nginitian niya ito.

"M-mommy."

Agad ding napaluha ang ginang at mahigpit siyang niyakap. "Bellinda, ang baby ko."

"Na-miss po kita, Mommy Bellen."

"Mas namiss kita, anak."

Tinanggal ng babae ang maliit na hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. "Ang laki- laki mo na. At ang ganda ganda pa. Halos mabaliw kami ng daddy mo every time na isinasagawa ang eulogy mo. Tapos all this time, buhay ka pala, anak. I'm so sorry, na hindi ka lumaking kasama kami. I'm so sorry, anak."

"Don't be sorry, Mommy B. Tapos na po ang lahat ng iyon. Tsaka, I grew up with good people around me. Inalagaan nila ako, Mommy."

Muli siyang niyakap nito. "I thank God for that, anak. Na ipinamahala ka niya sa mga mabubuting tao." Humiwalay na ang ginang sa kaniya. "I'll just call the doctor, okay? Pati na ang daddy at kuya mo. Wag ka na masyado gumalaw ha, para hindi na sumakit ang hita mo."

Tumango- tango siya doon. "I'll be right back, anak."

Saktong lumabas naman ng kuwarto ang mommy niya ay pumasok doon sina Maryam at Ide. May benda ang balikat ni Maryam habang si Ide naman ay may dalang basket na puno ng prutas.

"Hey," nakangiting bati ni Maryam sa kaniya.

"Hey," she smiled back. Naupo ito sa gilid mismo ng kama niya. Habang si Ide naman ay naupo sa katabing silya ng kaniyang kama. Ibinaba nito ang basket sa malapit na mesa.

"How are you?"

"Masakit pa din ang hita ko, Maryam," alam niyang mas matanda sa kaniya ito ng ilang taon pero hindi sanay na tawagin itong 'ate' "Ikaw ba, kamusta na ang balikat mo?"

"Hindi na ganoon kasakit."

"Mabuti at naagapan yang mga sugat niyo," kumuha si Ide ng isang orange mula sa basket at sinimulang balatan iyon. "Lalo ka na, Ate Maryam. Mabuti at mabilis kumilos ang knight in shining armor mo."

Kumunot ang noo ni Maryam. "Knight in shining armor?"

"Edi si Treb. Biruin mo galit na galit yun nung mabaril ka. Halos mapatay si Mariel sa sakal," she teased.

Maryam just rolled her eyes. "Wag niyo nga kami i-issue ni Berto. We're not even friends, okay?"

Nagkatinginan lang sila ng makahulugan ni Ide at pagkatapos ay sabay muling tumingin kay Maryam.

"Stop it, you two." Natawa na lamang sila sa tinuran ni Maryam.

"Anyway, ano na nga palang nangyari kay Mariel?" she asked.

"Creig and Jameson took care of her," si Ide ang sumagot. "They'll be pressing a legal charges against her. At ganoon din ako. Dahil ginamit niya ang mukha ni Ate Iyah."

She sighed. "I'm sorry, Ide, for what happened to Ate Iyah. She saved me. That's why.. she.. died--"

"--it's all in the past, okay?" sansala ni Ide sa iba pa niyang sasabihin. "Matagal ko nang tanggap." Ide gave her an assuring look.

"I'm sorry too." It's Maryam. "Kasi nagtago ako sa ibang bansa kahit na alam ko ang katotohanan. I was scared. I was scared like hell. That time, na tumakbo ka palabas ng bahay niyo, sinundan ka namin ni Gio. Then I saw Iyah. Tumakbo siya sa kakahuyan. Kaya sinundan ko siya. I saw her picking up your bunny ears headband from the ground so I called her name. Patakbo siyang lumapit sakin nun. She told me that you're in danger, Bellinda then she ran away. I followed her. We ran and ran."

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora