THREE

6.1K 168 13
                                    


"O, humawak ka lang sa kamay ni Tita Fey mo habang naglalakad kayo. At tingnan maigi kung may mga palalapit na sasakyan ha?" inayos niya ang kuwelyo ng anak. Maaga siyang nagising-- hindi talaga siya nakatulog-- para asikasuhin ang uniporme ng anak at agahan nilang apat. Pati na din uniporme ni Faith, siya na ang nagplantsa.

"Opo, Mamay."

"And remember, the road--"

"-- is dangerous. Alam ko na yan, May," iritado na ang kanyang anak. Ambilis talaga uminit ng ulo nito. Natawa na lang siya.

"Osige na, kiss mo na ko, tas punta ka na kay Tita Fey mo sa salas," hinalikan siya ng anak. Hinatid niya ito sa salas kung saan naghihintay si Faith. Sabay papasok ang mga ito. At sabay naman sila ni Nanay Meling.

Hinatid niya ang dalawa hanggang sa nangangalawang nilang gate at hinintay ang mga itong mawala sa paningin niya. Nang lumiko na ito sa unang kanto ay bumalik na siya sa loob ng bahay para naman gisingin si Nanay Meling.

***

Pagkatapos niyang isuot ang uniporme ay lumabas na siya sa locker room nila at dumiretso sa 14th floor dala ang mga cleaning materials niya.

Normal pa din ang hitsura ng palapag na iyon. Busy ang mga employees doon sa pagdutdot sa kani-kanilang mga computer. Sobrang tahimik ng palapag na iyon at tanging pagtitipa lang ang maririnig. Pakiramdam niya, pati paghinga niya ay naririnig niya. Kaya nagpokus na lang siya sa pagma-mop.

"Where the fuck are you yesterday, Palmez?" napatigil lahat sa pagtitipa nang marinig ang madiin na boses na iyon. At lahat nakatingin na sa kanya. Maging sya ay napatigil sa kanyang ginagawa.

She knows the voice. Kilalang- kilala. At natatakot syang lumingon dahil alam niyang nasa likod niya ito. Nanginginig ang kalamnan nya at napahigpit ang hawak niya sa mop.

"I am talking to you, Annina." Mas naging madiin bawat salita nito at alam nyang galit na ito. Unti unti siyang lumingon. He is pinching the bridge of his nose, eyes closed. Iritadong iritado ito. Kaya naman napayuko siya.

"Galit si Sir."

"Bakit kinakausap ni Sir Gio yang janitress na yan?"

"Sir," nasambit na lang niya. Ito pala ang bagong mamamahala sa kanila na ikinekwento ni Nanay Meling. She's dead. Like literally dead. She feels numb.

Nagmulat ito ng mata at matalim na tumitig sa kaniya. Nang bigla na lamang nitong hinigit ang braso nya dahilan para mabitawan niya ang mop at maiwang tigalgal bawat empleyado ng Accounting Department.

They just witnessed a show.

***

Hinatak siya ni Giovanni sa elevator at pinindot ang Underground Floor. At saan naman kaya siya balak dalhin nito? Nakayuko lamang siya. Ni hindi niya gustong makita ang pagmumukha nito. Pero wala siyang magawa. Heto siya, pagkalipas ng anim na taon ay basahan pa din ni Giovanni.

"I swear. That if the heavens allow us to see each other again, hindi na ako ang Annina na binabasa-basahan mo lang."

Biglang sumingit sa ala-ala niya ang mga katagang iyon. Kinain lang niya ang mga sinabi niya noon. Dahil hanggang ngayon, wala pa din siyang ipagmamalaki dito. She feel frustrated. Unti unti niyang hinatak ang braso niyang hawak pa din ng lalaki. Ngunit mas lalong humigpit ang hawak nito, na para bang mapuputol na ang mga braso niya.

"One move and I'll break your arm. Try me, Annina," galit na sabi nito. Tumigil naman siya sa paghatak sa kanyang braso at napabuntong hininga na lamang. Kilala niya si Giovanni. Pag sinabi nito, ginagawa nito. He is very good in controlling people and throwing out those who does not have any benefit to him. Throwing out by all means.

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Where stories live. Discover now