FOUR

6.1K 165 15
                                    

"When are you going to fucking stop daydreaming, lady?" gulat na gulat siya nang makitang bukas na ang pinto ng kotse at bored na bored na nakitingin sa kanya si Giovanni. Kanina pa ba siya tulala? Nagpalinga-linga siya. Nasa harap sila ng isang restaurant. Anong ginagawa nila dito?

"Don't test my patience, Annina," galit na wika ni Gio. Dali-dali naman siyang lumabas ng sasakyan. Mahirap na, baka kung ano pang magawa nito sa kanya.

Hinatak siya nito papasok sa restaurant at halos madapa siya. Umupo ito sa isa sa mga customer's seat sa VIP area. Single at double sofa ang upuan sa VIP area depende sa dami ng customer. At kahit dadalawa lang sila ay sa double sofa naupo si Gio. Siya naman ay nanatili lang nakatayo. Hindi man lang siya nito ipinaghatak ng upuan. She sighed. Ano pa bang aasahan niya? Gio is Gio. Di pa siya nasanay.

"Hey, Gio my friend. It's been so long since your last visit here. And who's this beautiful-- Anni?!" si Creig ito, ang dati niyang boss. Ibig sabihin, pag-aari din pala ni Creig pati ang restaurant na ito. Hindi din naman nakapagtataka, dahil halata naman sa hitsura ng restaurant na first class iyon.

"Just get us the menu, deepshit," nakakunot ang noo na sabi ni Gio. Tinamaan na naman ito ng menopause. "And you," baling nito sa kanya. "Can you just fucking sit?" iritado na namang sabi nito bago sumandal sa sofa at binaling ang tingin sa ibang direksyon. Nagkatinginan na lamang sila ni Creig.

"Still ungentleman, Gio?" tatawa tawang sabi ni Creig bago siya pinaghatak ng upuan. "Upo ka na, Anni," nakangiting sabi nito at kinindatan pa siya. Hindi pa din talaga nagbabago ang dati niyang boss. He is still the same playful and happy-go-lucky Creig Mckracken.

"Shut up, dickhead," iritadong iritado na ang hitsura na Gio habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Easy, dude," tila sayang saya na naman si Creig sa nangyayari. Gustong gusto talaga nitong asarin si Gio at makitang tila sasabog na ito sa galit. She smiled at the thought.

"Why are you smiling, lady?" nakatingin na pala sa kanya si Gio. Nakakunot na naman ang noo nito. Agad agad niyang itinago ang ngiti.

"Here's the menu, Gio," binasag ni Creig ang awkward na hangin sa pagitan nila ni Gio. Inabot naman iyon ni Gio, ngunit pinatong lang sa mesa. Isinandig nito ang ulo sa sofa at pumikit.

"Just give us something edible," napailing iling na lang si Creig.

"Sige, Anni. Just give me time, and I swear to give you our best seller here," nakangiting sabi nito kay Anni bago dumiretso sa kusina.

Siya naman ay napatingin na lang kay Gio. Ni hindi man lang nagbago ang hitsura nito. He's still as handsome as before. At heto siya, tila dekada ang nadagdag sa edad.

***

"And where do you think you're going, lady?" napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang madiin na boses na iyon. Three days had passed mula noong sinundan siya ng hinayupak na Gio na ito sa kanilang bahay, hinalikan at ginawang alila.

At dahil talaga namang walang hiya ang lalaki, tinodo na nito ang pangbwibwisit sa kanya. Doon ito natulog sa kanilang bahay nung gabing iyon, at para makabawi siya, hindi niya ito pinatulog sa kwarto. Hinayaan nya itong magsumiksik sa pagkaliit liit nilang sofa.

Ngunit hindi pa natatapos iyon, kinabukasan ay nagpumilit itong ihatid siya sa eskwelahang pinapasukan niya. At nang hindi siya pumayag, ay pinasan siya nito sa braso na parang sako ng bigas at ipinagpilitang ipasok sa kotse nito!

Kaya ngayon ay pinagtataguan na niya ito. Dahil hinatid siya nito sa eskwelahan, pinag uusapan na tuloy siya ng mga kaklase niya. At mas umiral ang mga katagang "binebenta na niya ang sarili niya sa mayayamang lalaki."

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Where stories live. Discover now