EIGHT

5.8K 145 14
                                    

Wala sa sarili si Creig habang pinaglalaruan ang fountain pen niya. Nasa loob siya ng opisina ng kaniyang resto-bar at hindi maalis sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Pagkahatid niya kay Anni ay napag-alaman din niya na kaarawan din pala nito.

"Mamay!" a girl is running towards their direction. At nang makalapit ito, agad nitong niyakap si Annina.

"May." Isang batang lalaki ang kasunod nito. Nakapamulsa pa ito. Parang may kamukha ang batang ito na hindi niya masabi kung sino.

"Mamay, sino siya?" tanong ng batang babae na tinuro si Creig. Napatingin sa kaniya si Annina.

"Ah, This is Creig. He is my--"

"Are you hitting with my mom?" napatingin siya sa batang lalaki. Nakakunot ang noo nito sa kaniya.

"Ahm, hindi magkaibigan lang kami," sagot niya.

"Good," the young man rolled his eyes. Shoot. Alam na niya kung sino ang kamukha nito. Napatingin siya kay Anni. Gusto sana niyang tanungin ito, pero nabasa na din ng dalaga ang iniisip niya.

"Creig, this is Jewel, she's 10 years old. And this is Jion, 6 years old," pakilala ng dalaga sa mga ito. Bahagyang natigilan ito. Kaya hinintay niya ang mga susunod nitong sasabihin. "Ahm, they are my children."

It made his jaw dropped.

Ang malakas na pagbukas ng pinto ng kaniyang opisina ang nagpabalik sa tila lumipad niyang diwa.

"Sir, may naghahanap po sa inyong babae," it was Roy. Roy has been loyal to him for years. Kaya lang, weeks after mawala bigla ni Annina, ay nawala na lamang din ito bigla nang walang pasabi. A year later, nagpakita uli ito sa harap ng kaniyang resto-bar at humingi ng tawad. Naratay daw ang ama nito sa probinsiya at pati ang cellphone nya ay naibenta nya. He felt bad. Kaya naman binigyan niya uli ito ng trabaho. At mas ginalingan pa ng binata ang ang pagtratrabaho sa kaniyang resto-bar. Kaya hindi siya nagsisisi na kinuha uli niya ito.

"Sino daw?" kumunot ang noo niya.

"Faith Roces daw po."

"Oh shit."

***

Kabadong pinindot ni Annina ang 14th floor. Pagkatapos nang nangyari kahapon sa bahay nina Jameson ay hindi na niya alam kung paano haharapin si Gio. At ang katotohanang magkasama sila sa iisang building ay kinakain ang sistema niya.

Mag-isa lamang siya sa loob ng elevator at abalang inaayos ang uniporme niya. It's her uniform yesterday, dahil naroroon ang keypad niyang cellphone. Hindi nga lamang niya alam kung paano iyon napunta sa locker niya. Marahil ay ipinadala iyon ni Gio mula sa boutique. She doesn't know. And she doesn't want to know. Ayaw na niyang mainvolve sa mundo ni Gio.

Tumigil ang elevator at akmang papasok ang ilang kalalakihan nang bigla na lamang sumara iyon at tuloy tuloy na umangat. Kumunot ang noo niya. Hanggang sa narealize niya kung saan patungo iyon. Wala si Edward Lai, dahil nasa London ang kaniyang totoong boss. Iisang tao lang ang puwedeng mag-utos sa mga nag-ooperate ng elevator. She sighed. Hindi siya nagkamali. Dahil tumigil iyon sa President's floor.

Bumukas ang elevator at akmang pipindutin uli niya ang 14th floor. Ngunit ayaw gumana niyon. Ilang beses pa niya iyong pinagpipindot. Shit. Ayaw talaga.

"Ms. Palmez?" nag-angat siya nang tingin at nakita ang isang babaeng naka-itim na skirt at white formal blouse. Kung hindi siya nagkakamali ay ito si Clarylaine Cruz, ang sekretarya ni Mr. Lai.

"Ahm, sira po yata ang elevator. Dahil hindi gumagana ang button ng 14th floor," she smiled awkwardly.

"Hindi po sira iyan," the woman smiled back. She's beautiful. "Ipinapatawag lang po kayo ni Mr. Alejandro. The office of the president is this way," iminuwestra pa nito ang daan. Wala nasiyang nagawa kundi sumunod na lamang dito.

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon