TWENTY FIVE

5.8K 144 15
                                    

"Annina... Annina... Annina..."

Marahang pumapalakpak si Roy sa harapan niya habang hawak nito ang baril. Parang tuwang tuwa ito na makitang unti- unti nang bumabalik lahat ng nawala niyang ala-ala.

She now realized how she got her name. Why she is Bellinda Ramirez in her lost memories and why she is Annina Palmez now.

She got her name with her one and only beloved, Giovanni.

She really is Giovanni's Anni.

Imbes na matakot siya sa inaakto ni Roy, para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Dahil wala naman pala siyang dapat ikaselos kay Bellinda. Kasi siya si Bellinda. Tama na nagtiwala siya kay Gio at kay Ate Elise nang sabihin nang mga ito na siya ang mahal ni Giovanni.

"You know what, Annina.." nagbalik ang atensiyon niya kay Roy. She can't still believe na ito ang anak ni Rolando. Like father like son, parehas silang demonyo.

She gritted her teeth. Tila ba lumalabas ang tapang niya.

"21 years ago, akala ko patay ka na. Kaya naman, si Iyah Famini ang hinanap ko. Turns out na naghahanap pala ako ng patay na. Six years ago, nagkakilala tayo sa resto-bar ng tatanga- tangang si Creig," humalakhak ito. "Biruin mo, sobra sobra ang tiwala niya sakin. Ang galing kong artista, diba? Nag-apply ako sa kaniya bilang Roy Allegre at tinanggap naman niya ako agad. Yang sobrang pagtitiwala niya ang papatay sa kaniya."

"Walang hiya ka," gusto niyang magpumiglas mula sa pagkakatali. Pero nang-uuyam na tinawanan lang siya ni Roy.

"Save your strength. Mamamatay ka din naman. Kaya manahimik ka na lang diyan!"

She still tried hard to struggle.

"Alam kong may iba sayo. Dahil parehas tayo ng apelyido. But you know what," ngumisi ito. "Wala na akong pamilya bukod sa tatay ko na pinatay ninyo. Kaya imposibleng maging magkamag-anak tayo."

"I redo my research. Minanmanan kita. At biruin mo yun, kasama ka na pala ng walang hiya mo ding yaya noon na si Meling," tumawa ito na para bang hindi makapaniwala. "Akala ko napatay ko na yun dati e. Yun pala, nagka-amnesia lang at iniligtas ng naging asawa niya na namatay din naman sa sakit sa puso. O diba? Naging matchmaker pa ko. Hulog talaga ako ng langit!"

"Hulog ka ng impyerno!" matalim niya itong tiningnan. Naalala niya noong mga panahong natagpuan nila ni Faith si Nanay Meling at ang asawa nito sa gilid ng kalsada. Noong mamatay ang asawa nito at inampon sila nito, hindi man lamang nagulat ang pobreng matanda nung ipakilala nila ito kay Sister Martha. Doon pa lang, alam na nilang matagal na itong magkakilala. Kaya tiwala din sila nang ampunin sila nito, dahil kaibigan ito ni Sister Martha.

"Nah ah. Hindi pa ako tapos magkuwento. Kaya I suggest na itikom mo yang bunganga mo bago ko pa putulin yang dila mo." Nagpupuyos ang kalooban niya sa katarantaduhan ng lalaking ito.

"Nang mawala ka bigla anim na taon na ang nakakaraan, inasikaso ko lahat ng nakulimbat na yaman ng tatay ko sa tatanga- tanga ding nanay ni Giovanni Alejandro. Kaya ngayon, mayaman na ko. Nakabili pa ako ng bahay sa South Ecstacy at nakuha ang loob ng mga guards dun. Wala akong magagawa," kunwari'y sumamingot ito. "Marami na talagang tangang tao ngayon."

"At isa pa, si Creig talaga ang pinaka-tanga sa kanila. Dahil sa kaniya nakuha ko lahat ng impormasyon tungkol sayo. At palagi pa kong pinapayagan tuwing magpapaalam ako na aalis. Tiwalang- tiwala sa akin ang gagong iyon," malakas itong tumawa. Umalingawngaw iyon sa buong paligid.

"Walang hiya ka! Pinagkatiwalaan ka ni Creig!" galit na sigaw niya sa pagitan ng pagpupuyos at sa sakit ng hita niya.

"Isa pa yang si Maryam e," natigilan siya nang marinig ang binanggit na pangalan nito. Bakit nadamay dito si Maryam?

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon