SEVEN

5.8K 181 9
                                    

A/N: I want to thank all those who are patiently waiting for the updates. Labyah all :>

Tila bata na sumunod sa kaniya si Gio palabas ng party na iyon. Dinala niya ito kung saan nakaparada ang sasakyan nito. That's the first time na magalit nang ganoon si Gio.

Nakarating sila sa harapan ng sasakyan nito. Nakayakap pa din sa bewang niya ang binata.

She tapped his back. Yun na lang ang naisip niyang gawin. Alam niyang ayaw magsalita ni Gio tungkol sa nangyari, at hindi niya pipilitin ang binata.

Bigla na lamang siya nitong binuhat paupo sa harap ng sasakyan at nakatayo naman ito sa harap niya. There is a small space sa pagitan ng mga tuhod niya at ng binata. Lumuwag na din ang pagkakayakap nito sa kaniya. Pero ang mukha nito ay nakapatong sa balikat nya. So she couldn't see his expression.

"I'm sorry," narinig niyang sabi nito kasunod ng malalim na buntong-hininga. Wala siyang sinabi bagkus marahan niyang hinaplos ang likod nito at tinapik tapik iyon. "I'm sorry that you have to see me transformed into a fucking demon."

"Hindi ka naman demonyo e," hinarap ni Annina sa kaniya si Gio, ngunit nanatili lang itong nakayuko at tila hiyang-hiya. God! Why is this man so adorable? Hinawakan niya ang dalawa nitong pisngi at tinitigan ito sa mata. Ngunit sa ibang direksyon pa din ito nakatingin at hindi nito hinahayaang magtama ang mga mata nila.

"Hindi ka demonyo, Gio. Walang-hiya ka lang. Pero kahit na ikaw pa ang pinakawalanghiyang tao dito, mas gugustuhin ko pa din sumama sayo kaysa iwan mo ako dito," this time napatingin na sa kaniya ang binata. His eyes are twinkling. Kahit pa tila harap-harapan nang sinasabi sa kaniya ng dalaga na damuho siya. "You brought me here, Gio. So please take me home."

Napangiti ang binata. "Yeah, I'll take you home." At bigla na lamang siyang binuhat pababa ni Gio mula sa sasakyan at hinatak sa mapunong bahagi palabas ng borders ng mansiyon na iyon.

***

"Hey. Wake up, sleepyhead," nagising si Annina sa marahang pagtapik na iyon sa pisngi niya. Nakatulog pala siya sa biyahe. Namulatan niya ng mga mata ang bored na mukha ni Gio at ang hindi pamilyar na paligid. Nakabukas ang pinto sa tapat niya at nakatayo doon si Gio na naghihintay sa kaniya.

"Nasan tayo?" tanong niya at bumaba na ng sasakyan.

"Ramirez's," simpleng tugon nito at inunahan na siya paglalakad. Sumunod naman siya dito habang nagpapalinga-linga sa paligid. Ito pala ang bahay nina Jameson dito sa Batangas. Ngayon lang siya nakapunta doon. Malaki din ang ang two-storey house na iyon at napapaligiran ng mga halaman at medyo may kayabungan na mga puno. Ngunit mas malaki pa din ang mansiyon nila Gio.

Hm. Gaano kaya kalayo ang bahay nina Gio dito? She was lost in the thought kaya naman nauntog siya sa likod ni Gio dahil hindi niya napansin ang pagtigil nito sa paglalakad.

Matalim na tumingin sa kaniya si Gio kaya naman napayuko na lamang siya. Ayaw niya makipagtalo dito.

"Hey, dude," papalapit sa kanila ang nakangiting bulto ni Jameson. Naka-itim din ito na formal suit and tie gaya ni Gio. "Holy handsome me, Anni ikaw ba yan?" bigla na lamang siyang niyakap nito. "Huhu, Anni, ang tagal mong nagtago. Namiss kita," gusto niyang matawa sa asal nito.

"Leave her alone, Ramirez." Gio rolled his eyes.

"Jealous as ever huh, Alejandro," binitawan naman siya ni Jameson. "Halina kayo, nandun na sina Creig at Mirkov," iginiya sila nito papasok sa bahay, partikular na sa simpleng chapel sa loob niyon. Ngayon lamang siya nakakita ng ganoon.

Marami nang tao sa loob noon. Napapatingin-tingin siya sa mga iyon, partikular na sa mga magulang ni Jameson. Hindi niya maalis ang tingin sa mga ito. Ang simpleng pagkakasakit nga lamang ng anak ay mahirap na para sa mga magulang, ang mawalan pa kaya? Mayroon lamang talagang mga exemption.

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Where stories live. Discover now