ELEVEN

5.7K 152 14
                                    

A/N: Salamat po sa mga sumusuporta ng Giovanni's Anni. Sinisimulan ko na po ang story ni Jameson and I plan to publish it na din. Sana po suportahan din po ninyo. Happy reading! ❤️❤️

Ang malakas na lagabog ng pinto ang nagpabalik sa lumipad niyang ulirat. Pumasok doon si Creig na may dalang isang basket ng prutas.

"H-hey, Anni, you're awake!" gulat na gulat ito nang makita siyang gising na at nakaupo ang kalahati ng katawan. "I-I'll just call the doctor--"

"Creig. Wag na, please," pigil niya sa binata. Ngunit nagmatigas ito.

"Please. Anni, we just want to check you if you're really okay. Kung ayaw mo ng doktor, kahit nurse na lang," nakaramdam naman siya ng guilt doon.

"Osige, nurse na lang," sabi niya. Ngumiti ang binata at saglit lumabas. Pagkabalik nito, may kasama na itong babaeng nurse. Napatitig siya dito. Parang namumukhaan niya ang nurse.

"Hi, Ms. Palmez. Naaalala niyo po ako? Ako po si Nurse Idelaide. Yung gumamot sa anak ninyo," nakangiting wika nito. She smiled back, naalala na niya ngayon. Lumapit ito sa kanita at sinimulan siyang i-check.

"Salamat, Nurse Idelaide--"

"Nurse Ide na lang po."

"Salamat, Nurse Ide, sa paggamot sa anak ko," wika niya.

"Wala po iyon, Ms. Palmez. Mabait po ang anak ninyo. Nung ginamot ko siya, para siyang hindi nasasaktan sa hapdi na dulot ng alcohol. Basta paulit-ulit lang niyang binubulong na lagot daw siya sa mamay niya dahil nakipag-away siya," napangiti siya sa sinabi ng nurse. Napakabuti talaga ng Jion niya.

Pagkatapos siyang ma-check ng nurse ay nagpaalam na ito at lumabas na ng kwarto.

Isinara naman ng binata ang pinto at lumapit sa kaniya. Ibinaba nito ang basket ng prutas sa lamesita sa tabi ng hospital bed na kinalalagakan niya.

"How are you feeling? May masakit pa ba sayo?" may pag-aalala sa tono nito. Umiling siya.

"Wala naman," pagsisinungaling niya kahit kumikirot ang ulo niya.

"Nagugutom ka ba? Ipagbabalat kita ng prutas?" umupo ito sa upuan sa tabi niya.

"Nauuhaw lang ako," tuyong-tuyo ang lalamunan niya.

"I'll go get some water." Umalis saglit ang binata at pagbalik nito, may dala na itong tubig. Tinulungan siyang uminom nito pagkatapos ay ibinaba ang bote ng tubig sa lamesita katabi ng basket ng prutas.

"Ilang araw na akong nandito?" tanong niya kapagkuwan.

"Two days," nanlaki ang mata niya doon. Ibig sabihin dalawang araw na siyang walang malay? Baka nag-aalala na sa kaniya ang mga anak niya. Pati na si Faith at Nanay Meling.

Tila nabasa naman ng binata ang iniisip niya.

"Don't worry, nung tinawagan ako ni Gio para ipaalam ang nangyari sayo, tinawagan ko kaagad si Nanay Meling," nakilala ng binata si Nanay Meling noong kaarawan niya. "Kaso hindi ko sinabi na nasa ospital ka, ang sabi ko isasama ka ng boss mo sa isang conference bilang personal assistant nito. Naniwala naman si Nanay Meling at hindi na nagtanong pa." Napakamot sa ulo ang binata.

"Salamat, Creig. Okay lang iyon, ayoko din naman silang mag-alala." Natahimik sila pareho. Naubusan siya ng salita.

"Ahm, nasa may accounting desk si Gio at Mirkov. Inaasikaso ang bill," pambasag ni Creig sa katahimikan. "Anni?" Napatingin siya kay Creig nang marinig ang kaseryosohan sa tinig nito. "Magtapat ka sakin. He is Gio's son, right?" alam na alam niya kung ano ang tinutukoy nito.

"Si Jion, anak siya ni Giovanni diba?" pag-uulit nito.

She sighed, bago ngumiti. "Wala naman akong balak magsinungaling, Creig. Oo anak nga siya ni Giovanni. Pero sana, atin-atin na lang muna ito."

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Where stories live. Discover now