NINETEEN

6.3K 167 40
                                    

A/N: This is my favorite chapter so far. Sana magustuhan niyo din. Enjooyy.
PS. Warning hahahha mobile update. Alam naaa 😂

Halos kabubukas lang ng restaurant ni Creig kaya naman wala pang tao doon. Well, maliban na lamang sa dalawang ugok na kuripot na naging palamunin na ng restaurant niya.

"What are you doing here again, idiots? Wala na ba talaga kayong magawa sa mga buhay ninyo?" tanong niya kina Mirkov at Jameson na nakatambay na naman sa restaurant niya umagang- umaga. Parehas pang nakapatong ang baba ng dalawa sa mesa at parang bored na bored na sa mga buhay nila.

"Tinatamad ako," it's Jameson. "Bigyan mo kami ng pagkain," utos nito.

"Wala nang bago sa tinatamad ka dahil tamad ka naman talaga. Saka hindi ka naman nagbabayad kuripot kang mamaw ka," sagot naman niya. "At ikaw, Greek god, wag mong sabihing nauulol ka na din gaya nitong mamaw na katabi mo?"

"Tinatamad ako," panggagaya ni Mirkov kay Jameson. "Bigyan mo kami ng entertaining na palabas." Nahilot na lamang ni Creig ang sentido dahil sa sakit ng ulo na ibinibigay sa kaniya ng dalawang ugok na ito.

Bigla na lamang lumagabog ang pintuan ng restaurant at pumasok doon si Giovanni na madilim na madilim ang mukha. Nagkatinginan pa sina Mirkov at Jameson sabay sabi ng "Shit, this is trouble."

"Magtago tayo," ugok talaga ang dalawa. Napailing- iling na lamang si Creig. Nagtago ang mga ito sa ilalim ng mesa kahit kita pa din naman dahil wala namang table cloth ang mesa.

"Gio, ano ang ipinunta mo dito--"

Hindi pa siya tuluyang nakakaharap kay Gio ay tumama na ang kamao nito sa mukha niya. Gio caught him off guard. At sa lakas ng suntok nito, napasalampak siya sa sahig.

Kahit nangingilo na ang panga niya, narinig pa din niya si Mirkov na nagsabing "Woah! Ito ang entertaining na palabas na sinasabi ko. Tara videohan natin" kay Jameson, habang nagsisiksikan ang dalawa sa ilalim ng mesa.

Tsk. Hindi pa niya nahahamig ang sarili ay inupuan siya ni Giovanni sa tiyan habang sunod sunod na pinagsusuntok. Gumanti din siya ng suntok. Hindi siya nagpatalo kay Gio. Sunod sunod na suntok ang ipinadapo nila sa mukhang isa't isa.

"You fucker! Why did you hire Del Valle to find Anni's house?!" sinuntok siya ni Gio. Tumama na naman iyon sa panga niya. Ah, kung ganoon ito pala ang ipinuputok ng butsi ng sira ulong ito.

"Don't fucker me! Pagkatapos mong iwan si Anni sa ospital!" umigkas din ang kamao niya at tumama iyon sa mukha ni Gio. Pumutok ang gilid ng labi nito.

Akmang lalapit ang iba niyang trabahador para awatin sila pero pinigilan ito ni Jameson. "Hayaan nyo silang dalawa. Naglalambingan lang ang mga yan," sabay ngisi nito na parang sayang- saya pa sa nangyayari.

Litong-lito naman ang mga trabahante ni Creig pero hindi sila nito pinigilan sa paglalambingan kuno nila. Bumalik ang mga ito sa kani-kaniyang trabaho.

"People! How's life--" kakapasok pa lamang ni Carlos sa restaurant at natigilan nang makita ang nangyayari doon. Putok na pareho ang gilid ng labi ni Creig at Gio. Habang sina Mirkov at Jameson naman ay nasa ilalim ng mesa at bini-video-han pa ang pangyayari.

Lumapit siya kina Gio at Creig at akmang pipigilan ang mga ito. Pero tinatamad siya kaya sumama na lang siya kina Mirkov at Jameson sa ilalim ng mesa.

"What's happening?" inosenteng tanong niya sa dalawa. Kumuha siya ng isang pirasong pandesal sa plastic na dala at sinimulang kainin iyon.

"Naglalambingan sila," si Jameson iyon. "Penge nga," dumukot din ito ng isang pirasong pandesal sa plastic.

"Wow, ang galing naman nila maglambingan," pumalakpak palak pa si Carlos.

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon